Chapter 57: Family

2.1K 134 6
                                        

Chapter 57: Family

I didn't know how she made me dizzy by her words. Kaunting-kaunti na lamang ay bibigay ako dahil sa pulang mahikang lumilibot sa amin na likha niya habang siya'y nagsasalita. Namuo ang galit sa aking puso, gayunpaman ay tila nanlambot ang aking kaluluwa nang tawagin niya ako sa hindi ko inaasahang salita.

Anak.

I heard it right, hindi ako pwedeng magkamali. Tinawag niya akong anak. It was captivating that it suddenly traipsed my veins up to my brain, and then suddenly I bleed because of an excruciating pain happening in my head. Hindi ko napigilan ang pagdugo ng aking ilong, ang sakit na aking nararamdaman ay hindi ko maipaliwanag at mas lalong hindi ko alam kung paano tatapusin at susulosyunan.

"EMERALD, DON'T LISTEN TO HER! SHE'S LYING TO GET YOU!"

"EMERALD, YOU BELONGED HERE! YOU BELONG WITH US! YOU ARE A PRINCESS OF THE KINGDOM OF BERYLLION..."

Mabilis akong napamulat nang marinig ang tinig ni George Ezekiel, at nang lingunin ko si Irithel ay nakita ko ang disgusto sa kaniyang hitsura.

"Papaanong-nalipad ng isang taga Beryllion ang taas natin?"

Napangiti ako nang unti-unting bumabalik sa dati ang aking isip. George Ezekiel came to save me once again. Hindi ko makakalimutan na isa siya sa pinakamagaling na nakilala ko. He reached my altitude when he was young, paano pa ngayong mas malawak na ang kaniyang kakayahan. At alam ko ring hindi niya ako pababayaan, hindi nga ako nagkamali.

"You belonged here, Emerald, wake up baby. You belong with me..."

Tuluyan na nga akong nagising at nangunot ang aking noo. Naroon pa rin ang gulat sa mukha ni Iritel, halatang hindi nagugustuhan ang kaniyang nakikita.

"Whatever you are...wherever you came from...I love you, always remember that!"

Unti-unting lumalapit sa aking tainga ang kaniyang tinig, ibig sabihin lamang ay malapit na siya sa akin.

"Tanggap kita, tanggap ka ng Beryllion, huwag kang sasama sa kaniya. Lumaki kang mabuti, huwag kang magpalamon sa masama. Wake up, Emerald. You always belonged here...with us, with me."

"I love you, my George Ezekiel..."

Napangiti ako at hinayaang bmuhos ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ako taga Beryllion, hindi ako kabilang sa angkan ng mga kalapati ngunit tanggap nila ako at tinanggap nila kung sino man ako. May dahilan ang lahat kung bakit ako napadpad sa Beryllion, siguro'y iyon upang tulungan sila at ilayo sa kamay ni Irithel. At may dahilan kung bakit hindi kaagad gumana ang aking pakpak, ibig sabihin lamang ay hindi pa huli ang lahat... hindi dahil hindi gumana sa madaling panahon ay hindi na mapapakinabangan, mayroon talagang huling namumulaklak, at minsan ay mas malakas, mas matapang, mas matibay.

"Huwag mo akong tawaging anak, hindi kita ina...!" Madiin kong bulong.

Ngumisi si Irithel sa akin atsaka humalakhak, "We share the same bloodline, Emerald. We are family."

"Family doesn't only run in blood. Family are the ones who accepts you at your worst, they are the ones who loves you despite your difference from them. They are the ones who accepts whatever you are, the real you. They are the ones who'll still love you despite your flaws, even if your unable. Family...are the ones who'll make you feel loved..." Nakangiti kong saad na ikinasimangot ng babaeng may hawak sa'kin ngayon na animo'y nanggigigil, "Beryllion accepted me for who and what I am...they are my family, and I am their princess."

Napasinghap si Irithel nang hawakan ko siya sa leeg, tila nagulat sa bigla kong ginawa. I gripped her wings hard, at nakita ko ang sakit sa kaniyang mukha nang gawin ko iyon. Bigla ay dahan-dahan kaming bumulusok paibaba, nagpalit-palit kami ng pwesto ni Irithel, gumulong-gulong kami sa ere at napaiyak ako nang hindi ko parin mabuksan ang aking pakpak. Kaya naman mahigpit akong kumapit kay Irithel at binitawan ang kaniyang pakpak upang makalipad kami sa ere. Ngunit huli na nang pilitin niyang lumipad dahil bumagsak kami sa tuktok ng aking Tore, sa pinaglalagyan mismo ng aming crescent moon.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon