Chapter 34: A Farewell
NAAPULA na ang apoy ng kandila. Napagod na rin ang dalawang pusong lumilikha ng sariling musika. Hindi ko man lamang inakalang magkakaroon siya ng ganoong papel sa buhay ko, at makakagawa siya ng mga bagay na ni minsan sa buhay ko'y hindi ko inasahan. Sa kalahati ng unang gabi ng taglamig ay hindi ako nag-isa, kasama ko ang estrangherong minsan lamang na napadpad sa aking silid.
We shared the same thoughts, we had only one thing on our minds. And it was to stare at the falling snows. The winter candle, together with the moonlight was the only light we had. God knows how pressured I am to tell how beautiful George Ezekiel's eyes were, it was truly mesmerizing. His jaw was already impeccably formed despite his young age, it clenches perfectly whenever he grits his teeth. His long eyelashes were faultless along with his thick eyebrows. His thick soft red lips were immaculate that I almost longed to touch it.
He was so enthralling and the moment was fascinating, captivating, alluring that I almost blabber out in ecstasy and delight.
"Hindi ka ba nababagot dito? Bakit hindi mo talunin ang bintanang ito?" Tanong niya sa gitna ng nakakabinging katahimikan. Sabay naming pinapanuod ang pagkislap ng mga niyebe at ang malaki at bilog na bilog na buwan.
Isa ito sa mga nakakamangha sa aming Kaharian. Umuulan na ng maliliit na yelo ngunit ang buwan ay nagpapakita pa rin. Bumaba ang aking paningin sa kaniya, at mabilis akong napangiti dahil sa maamo niyang mukha. He is so cute, gusto ko iyong sabihin ngunit nahihiya ako.
"Alam mo namang hindi ako makalipad...patay akong babagsak kapag tumalon ako dito." Malungkot kong tugon at muling lumingon sa kalangitan.
Naramdaman ko siyang lumingon at tumitig sa akin, "Sasaluhin kita, hindi, aalalayan kita sa paglipad,"
Mabilis akong napalingon sa kaniya at sinalubong ang kakaiba niyang titig. Naghuramentado ang aking puso, pakiramdam ko ay muling umulan ng nyebe habang pinapaligiran kami ng mga maliliit na insektong kumikislap. The fireflies outnumbered our altitude, and we both forgot how cold the night was with our stares. Ako ang unang bumitaw sa aming mahaba at mainit na titigan, pakiramdam ko'y nasunog ang mukha ko kahit na malamig.
"Gabi na..." Bulong ko at muling sinindihan ang isang kandilang nasa bintana kung saan kami parehong nakatayo.
"Pinapauwi mo na ba ako?"
Napahagikhik ako, "Nasa labas lang ng gate ng palasyo ang villa ninyo?" sa halip ay tanong ko.
"Oo, paglabas mo ng palasyo makikita mo ako...kaya lumabas ka."
Muli akong napalingon sa kaniya. Muli kong naramdaman ang pagdagundong ng aking puso, ngunit nang segundong iyon ay napangiti ako. Hindi ko na lubos pang maisip ang araw na hindi siya bumisita, dahil nasasanay na akong nariyan siya.
"Gabi na..." Muli kong bulong.
"Pinapauwi mo na ako,"
"Kasi gabi na."
"Pinapauwi mo na ako kasi bibisita ang mga maharlika ng Macedon, makikipagkita ka sa prinsipe..." Parang bata niyang saad atsaka nag-iwas ng paningin.
"Hindi pa naman bukas, Ezekiel." Nangingiti kong saad atsaka sinundan siya ng tingin.
"Excited ka lang makita ang paru-parong iyon."
Napahagikhik ako dahil sa kaniyang reaksyon, ngunit sa kabila nito'y tumatambol ng walang humpay ang puso ko.
"Gusto kong makakita ng ibang nilalang na nabubuhay, Ezekiel."
"Gusto mong makita ang prinsipe."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...