Chapter 30: Apology

2.2K 112 0
                                        

Chapter 30: Apology

SUMAPIT ang dilim at tila nakalimutan ko ang tensyong namagitan sa aming magkakapatid. Dahil sa ginawa ni Ezekiel para sa akin ay maghapon akong nakangiti. Minsan ay napapadpad ako sa aming bintana at pinapanuod ang Kaharian habang inaalala ang mga pangyayari sa lungsod. Kapag napapadako naman sa ere ay pumipikit ako upang alalahanin ang pakiramdam ng lumilipad. Nararamdaman ko na lamang ang pagpatak ng aking luha sa tuwing napapamulat ako dahil wala na... tapos na. Nakakulong na naman ako at mag-isa.

Palagi kong sinasabing ayos lang, ngunit sa totoo'y nalulungkot ako. Naninibugho sa mga nilalang na malayang nakikipagsapalaran sa paligid. Sa mga katulad kong may pakpak at nakakalipad, ano kaya ang pakiramdam niyon? At naramdaman ko nga iyon ngunit panandalian lamang. Ang kalayaan, ang kasiyahang iyon ay panandalian lamang. Maging si Ezekiel, hindi ako sigurado kung panandalian lamang din.

Bumaba ako sa palasyo upang maglibot-libot, sakto namang paakyat si Kate upang siguro'y bisitahin ako. May dala itong tray ng pagkain, awtomatiko siyang napahinto nang makita akong naglalakad pababa at napatalikod. Mabuti na lamang at hindi na masama ang mood ko, kaya naman napangiti ako nang makita ang kapatid ko.

"Kate?"

Aligaga itong lumingon sa akin na tila nahihiya, "E-emerald..."

"Ano iyang dala mo?" Tanong ko habang patuloy na humahakbang patungo sa kaniya.

"P-pagkain, para sana sa'yo..."

Mas lalo akong napangiti, siguro'y iniisip niyang galit o nagtatampo parin ako dahil sa tensyong namagitan sa aming lahat. Ngunit nakalimutan ko na iyon, may mas magandang nangyaring dapat kong isipin kaysa sa nakakalungkot na hidwaan naming magkakapatid.

"Salamat," malumanay kong saad at hinawakan ang balikat ni Kate. Napahagikhik pa ako nang napapitlag siya matapos ko siyang mahawakan, "Huwag kang mag-alala, hindi ako galit, Kate."

Umaliwalas naman ang kaniyang mukhang habang nililingon ako, "T-talaga?"

Ngumiti ako at lumingon sa paligid upang magtawag ng katulong. Sakto namang lumilipad si Redrose, ang bagong katulong na nagpakilala sa akin. Saka ko lamang napagtantong halos wala silang pagkakaiba ni Aubrey, siguro'y magkasing edad silang dalawa.

"Redrose..." Tawag ko.

Mabilis at nanlalaki naman ang mga mata niyang napalingon sa akin at lumapit.

"Pwede bang pakihatid ito sa aking silid?" Nakangiti kong saad. Mabilis namang sumunod si Redrose at yumuko sa aming dalawa ni Kate, "Maraming salamat, minsan ay magkwentuhan naman tayo." Dugtong ko pa at humakbang na upang lampasan siya.

Sumunod naman sa akin si Kate, "You are so friendly..."

"Hindi naman," tugon ko. Hindi naman talaga ako pagkaibigan, mailap nga ako sa mga bata at kasing edad ko dahil sa mga pinagdaanan ko noon. Ngunit dahil unang nagpakilala si Redrose ay natuwa ako, dahil mayroon din palang gusto pang makipagkilala sa akin kahit na alam ng lahat na ako ang pinakamahina sa mga maharlika.

"Emerald, I just want to say sorry. I brought you that tray for peace offering..." ani Kate.

Napahinto ako at hinaplos ang kaniyang pisngi, "Bakit ka humihingi ng paumanhin? Wala ka namang kasalanan. Alam mo, mag ensayo ka na. Mabuti ang pakiramdam ko, huwag mo akong alalahanin." Saad ko kay Kate atsaka ngumiti.

Tumango na lamang ito at ginantihan ako ng ngiti, "Sa ngayon, gusto ko munang mapag-isa." Malumanay kong saad na agad namang nakuha ni Kate. Umatras na ito at muling ngumiti sa akin bago tuluyang lumipad paalis.

Tinungo ko ang parapet walk. Sa gitna ng aking paglalakad ay biglang umihip ang malamig na hangin. Ang paligid ay tila natuod rin dahil sa lamig ng hangin. Nagpapahiwatig lamang na taglamig na, at ilang sandali, oras, o araw lamang ay uulan na ng niyebe. Ganoon sa Beryllion, nararanasan namin ang apat na panahon. Ganoon sa kontinente ng Fliogan, ang Kontinente ng mga nilalang na lumilipad.

"Emerald,"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tinig na iyon. Mabilis kong nilingon si Phia na naglalakad rin patungo sa akin.

Nangilabot ako ng bahagya dahil ang kulay ng kaniyang mga mata'y normal. Nagtaka na ako, kanina lamang ay iba ang kulay ng kaniyang mata at mukhang mainit ang ulo. Samantalang ngayon ay tila bumalik ito sa dati, maging ang kaniyang ugali ay bumalik na rin sa dati.

Isa ba iyon sa abilidad ni Phia? Matagal ko na nga talaga siguro silang hindi nakakasama kaya hindi ko na sila gaanong kilala.

"Phia," Tugon ko.

Huminto siya sa aking harapan ilang metro ang layo sa akin. Nagbuntong hininga siya atsaka lakas loob akong tinitigan, "Patawarin mo ako. Hindi ko ginustong sabihin ang lahat ng mga sinabi ko, nagulat na rin lang ako dahil lumabas na ang mga iyon sa aking bibig."

"Phia..."

"Maniwala ka, hindi ko na rin makontrol ang sarili ko minsan. Ang sabi ng mga matanda'y dahil masyado raw akong maraming iniisip kaya minsan ay nawawala ako sa aking sarili."

Umiling-iling ako, "Wala iyon, Phia..."

"Pasensya na, Emerald. Sana'y intindihin mo na lamang ako kapag sinungitan kita."

Ngumiti ako at tumango, "Wag mo na iyong alalahanin, Phia."

Pumikit ng mariin si Phia atsaka hinawakan ang kaniyang ulo. Nangunot ang noo ko dahil sa kaniyang ginawa, nag-alala na rin ako dahil mukhang inaatake siya ng kung anong bagay o sakit. Siguro'y ito ang sinabi ng mga matanda ng palasyo sa kaniya, sobrang dami niya na sigurong iniisip kaya naman sumasakit ang ulo niya ng biglaan at nagbabago rin ang mood niya.

"Phia?"

"Don't!" Bulyaw ni Phia sa akin ikinahinto ko, "Please, lumayo ka nalang, Emerald. Parang awa mo na, ayaw na kitang saktan pa..."

"Phia?"

"Please!" Sigaw niya atsaka hinarap ako.

Ganoon na lamang ako kabilis na napaatras nang makita ko na naman ang kakaiba at nakakakilabot na kulay ng kaniyang mga mata. Pakiramdam ko'y hindi si Phia iyon, ngunit wala akong karapatang magbigay ng konklusyon dahil ayokong mas lalong masira ang relasyon namin ng aking kapatid.

Katulad ng pakiusap ni Phia ay tuluyan na akong umalis sa parapet walk.

Ang balak kong paglalakad sa palasyo upang panuorin ang pag-ulan ng niyebe ay tuluyang nawala. Bigla ay napaurong ako at ginusto na lamang na bumalik sa aking silid.

Maluha-luha akong naglakad pabalik sa aking silid. Patuloy na dumidilim ang paligid, at kasabay ng pagdilim ng paligid ay ang muling pagbugso ng aking damdamin. Ang mga matang iyon ay hindi sa kapatid ko, naniniwala akong hindi iyon ang kapatid ko dahil hindi magagawa ni Phia ang sigawan ako o sabihan ng kung ano-ano. At anuman ang nangyayari sa kaniya'y kailangan kong matuklasan. Gusto ko siyang tulungan, ngunit paano ko iyon magagawa kung sarili ko mismo ay hindi ko maiahon sa sarili kong hirap.

Pagkabalik ko sa aking silid ay tumambad sa akin ang nagkalat na mansanas sa sahig. Bigla ay naalala ko si George Ezekiel.

"Kainin mo yang mansanas para maiyak ka lalo..."

Napanguso ako habang isa-isang pinupulot ang mga mansanas at maingat itong inilalagay sa aking kama.

Siguro'y para kay Aubrey ang mga ito, at dahil pasaway si Ezekiel ay dinalhan niya ako.

Bakit ba mabilis na napapalitan ng kalungkutan ang kasiyahan? Napalingon ako sa bintana. Tuluyan na ngang nilamon ng dilim ang paligid, ang simoy ng hangin ay mas lalong lumalamig. At ang aking paningin ay nakatuon lamang sa kalangitan habang iniisip kung saang parte ako nagkamali sa aking buhay upang danasin ang ganitong hirap.

I was sad earlier, and then I suddenly became the happiest person. Now, I am feeling empty again. What is happening to me? What's going on with my life? I wonder if George Ezekiel is here with me, will I face the same agony again? Or will I just laugh and argue with him amidst my sufferings till dawn, till I forgot all the pains I'm going through?

Suddenly, his name came out from my mouth without me realizing it so soon, "George Ezekiel..."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon