Chapter 6: Stranger

2.5K 150 11
                                    

Chapter 6: Stranger

NAKAKABINGING sigaw ang kumawala sa aking bibig na gumulat sa lalaki maging sa akin. Nagulat ako sa aking pagsigaw, at napansin kong mas nagulat iyong binata dahil muntik pa itong mabuwal sa kaniyang pagkakatayo. Nanlalaki ang mga mata nito habang tila nag-iisip kung paano ako pahihintuin sa aking pagsigaw.

"Ano ba?!" Iritado niyang sigaw sa akin at lumingon sa kaniyang likuran, tila naniniguro kung may nakapansin sa sigaw mula sa aking Tore.

At siya pa talaga ang may ganang magtanong?

Sa halip na manahimik ay mabilis akong kumilos paalis sa aking kama at muling sumigaw. Ganoon na lamang ang gulat sa kaniyang hitsura nang magsimula akong batuhin siya ng mga bagay na aking mahawakan.

"Ano bang problema mo?!" Inis niyang sigaw habang patuloy na umiilag sa aking mga ibinabato, ang ilan ay magaling niyang nasasalo habang ang ilan ay sinusuntok niya pabagsak sa sahig.

"Ikaw? Sino ka?!" Sigaw ko at umatras.

He heave a deep sigh, "Wag kang sisigaw!" pagbabanta niya.

Tumaas ang kaba sa aking dibdib at napalingon sa pintuan, kung minamalas nga naman ay malayo sa akin ang pinto, hindi kaagad ako makakalabas. Naghuramentado ang aking puso, hindi ko maunawaan kung bakit ngunit higit pa sa kaba ang aking nararamdaman. Hindi lamang dahil sa kaba kaya pumipintig ng malakas ang aking puso, mayroong kakaiba sa kaniyang presensya na nagiging dahilan kaya dumadagundong ang puso ko.

Marahil ay dahil natatakot ako sa kaniya. Nang kinakabahan akong napalingon sa kaniya ay napagtanto kong iba rin siya sa mga Doveo na nakita ko. Katulad ko'y iba rin siya, ngunit mas mabuti at advantage ang kaibahan niya kumapara sa akin.

His wings!

Hindi pantay ang kulay ng kaniyang pakpak, ang isa'y itim at ang isa'y puti. Gusto kong mamangha ngunit pinangunahan ako ng takot at pagiging alerto dahil baka sinusugod na kami ng kalaban.

Nang bahagya siyang gumalaw ay bumuka ang aking bibig upang sumigaw, kaya naman mabilis niyang tinakpan ang kaniyang tainga at pinangunahan ako, "Huwag kang sisigaw!" Muli niyang babala.

Aligaga at hinihingal akong tumitig sa kaniya, "Sisigaw ako!"

"Hindi!"

Nangunot ang aking noo, pinapangunahan niya ba ako? "Sisigaw ako!"

"Hindi sabi!" Sinabayan niya ang pagtaas ng aking kilay, "Huwag kang sisigaw——"

Malalim akong humugot ng hininga at inihanda ang aking lalamunan sa isang pangmalakasan na sigaw na sana'y hindi ko na lamang ginawa, "WAAAAHH!"

Kumawala siya ng malalim na buntong hininga at pailing-iling na sinamaan ako ng tingin, "Sabi nang 'wag kang sisigaw!"

Pagkasabi niyon ay napasinghap ako sa gulat at napaatras nang bumukas ang kaniyang magagandang pakpak. Sumabay sa liwanag ng araw na nasa kaniyang likuran ang kaniyang ginawa kaya hindi ko maiwasang humanga. The soft feather of his wings moved along with his biceps when his wings extended from his sides. Sa murang edad ay kahanga-hangang nagkaroon na siya ng ganoong katawan. Lumalagpas sa gilid na bahagi ng kaniyang pakpak ang ilan sa sikat ng araw.

Literal akong napanganga nang tila bumagay siya sa kaniyang kinatatayuan. His black sweatshirt and faded jeans made him look hotter, sa ganoong hitsura'y hindi siya isang maharlika, hindi rin elite, kundi isang ordinaryong mamamayan sa aming kaharian na napadpad sa aking hawla. Papaanong nalipad ng isang tulad niya ang aking Tore?

My turret is the highest turret in the palace, this is the highest pinnacle in our palace, and only those skilled-winged-humanoids who had a hard training could reach my altitude. Kaya naman palaisipan sa akin kung paanong nalipad ng isang normal na Doveo ang aking lungga.

Mas lalo ring luminaw sa akin kung gaano kaaya-aya ang kulay ng kaniyang pakpak, sa sandaling iyon ay nagmukha siyang anghel na bumaba mula sa kalangitan upang sagipin ako mula sa aking hirap, upang iahon ako sa pagkakalugmok sa magulo kong mundo.

Ngunit ang lahat ng mga bagay na nasa isip ko'y nanatili na lamang sa aking kaisipan nang tumalon siya at lumipad patungo sa akin. Nanlaki ang aking mga mata nang maglabas siya ng kung anong bagay mula sa kaniyang likod, at tuluyan akong nanginig nang tumama ang aking likuran sa dingding, ibig sabihin lamang ay wala na akong maatrasan.

Namuo ang luha sa aking mga mata nang makita ko ang ngisi sa kaniyang mukha, hindi dapat katakutan ang kaniyang hitsura ngunit kinakabahan ako sa maari niyang gawin sa akin. Nilipad niya ang aking posisyon at huminto mismo sa aking tapat, sinakop niya ang kaunting espasyong namamagitan sa amin kaya naman napakapit ako sa dingding dahil sa panghihina.

Kasabay ng pagbuka ng aking bibig ay ang pagkurba ng kaniyang labi, tila inaasahan ang bagay na iyon. At nang ilalabas ko na ang naipon kong tinig ay pumatak ang aking luha. Sapagkat hindi ako nakasigaw dahil nilagyan niya ng mansanas ang aking bibig upang pahintuin ako ng tuluyan.

"Sabi nang wag kang sisigaw," aniya at mas lalong lumapit sa akin, "Lechon ka tuloy..."

Napapitlag ako nang haplusin niya ang aking pisngi upang punasan ang luhang pumatak mula sa aking mga mata. Nagulat ako ng tikman niya ang aking luha dahil dinilaan niya ang kaniyang hinlalaki matapos makuha ang butil ng aking luha.

Bu'ang!

"Huwag kang mag-alala, Mahal na Prinsesa," aniya at hinawakan ang mansanas mula sa aking bibig upang siguro'y tanggalin, "Hindi ako masamang nilalang."

Nahugot ko ang aking hininga nang kumindat siya, bumilis ang aking paghinga nang akma niyang tatanggalin ang mansanas ng huminto siya, bahagya naman akong nanlumo.

"Mangako kang hindi ka na sisigaw,"

Nanlaki ang mga mata ko ngunit dahil gusto ko na ring matanggal ang mansanas ay mabilis at paulit-ulit akong tumango. Leche naman 'tong lalaking 'to, humanda lang 'to sa akin. Hindi ko papalagpasin ang segundong pinagmukha niya akong lechon.

"Good..." aniya at hinawakan ang mansanas, ngunit muli na naman siyang bumawi na ikinainis ko. Nangangawit na ang bibig ko, nakakahiya namang tumulo ang laway ko sa harap niya, wala akong mukhang maihaharap kapag nagkataon.

Mariin niyang pinagmasdan ang mansanas sa aking bibig atsaka tumitig sa akin, tumalim ang tingin ko sa kaniya na ikinangisi niya;

"Kagat..."

"Hnngg?!"

Inginuso niya ang mansanas sa aking bibig, "Kagat..."

I glared daggers at him and rolled my eyes. Muli pa akong umirap ngunit wala akong nagawa kundi ang kagatin ang mansanas, nang makagat ko ang ilang parte nito'y kinuha niya ang mansanas at kumagat sa parteng kinagatan ko.

Bu'ang talaga!

Ngumuya-nguya ito sa aking harapan at ngumiti, nginuya ko rin ang mansanas sa aking bibig habang nakatingin sa kaniya ng matalim. Bahagya siyang umatras kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mula sa kaniyang mukha'y isa siyang pastidyong magaling na nilalang, ngunit kahit na gaano pa siya kahusay dahil pasaway siya sa paningin ko'y ekis na kaagad siya.

The young man smiled again, but this time he looks happier. At hindi ko alam kung paano akong nahawa ngunit natagpuan ko na lamang ang sarili kong kumalma sa halip na muling sumigaw upang palayasin siya.

This stranger, this freaking stranger!

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon