Chapter 55: Longed
NAGING matunog ang pagtawag ko kay Ezekiel, nakaagaw kami ng atensyon. He furrowed, but he couldn't resist me despite our condition so he immediately flew towards me. Napangiti ako at napaluha, ibinuka ko ang aking mga kamay upang salubungin siya. Hindi ko na maunawaan ang nangyayari sa ibang nasa covered parapet walk ngunit hindi ko na iyon pinansin, na kay George Ezekiel lamang ang aking atensyon.
It's been so long.
Lumikha ng hangin ang kaniyang pagpasok sa loob ng parapet walk. At tuluyan akong napaluha nang dumeretso siyang mismo sa aking mga bisig. Napaatras ako nang napaatras dahil sa pwersang nagawa niya at tila sinadya niya iyon upang tuluyan kaming makapasok sa gilid ng isang silid.
"Omy goodness gracious..." singhap ko nang ibaon niya ang kaniyang ulo sa aking leeg, "George Ezekiel..."
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Aligaga niyang tanong atsaka hinawakan ang magkabila kong pisngi, hindi ako kaagad nakasagot at nakipagtitigan sa umaalab niyang mga mata, "Iniwan kita sa prinsipeng iyon dahil mas ligtas ka doon, bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Naghabol ako ng hininga dahil sa aming distansya, halos wala nang espasyong namamagitan sa aming dalawa, "I-I want to be...with you. I want to be selfish for now, I know you've chosen to be Phia's knight but at least let me have you for this moment..."
Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha. Namilog ang kaniyang mga mata at pinahid ang luhang pumatak sa aking pisngi, "Emerald...you are making this hard for me."
"Please..." Nahihirapan kong pigil at hinawakan ang kaniyang mga kamay sa aking mukha, "Hindi na kita kayang mawala, huwag mo na akong iiwan, hindi ko na kakayanin, George Ezekiel."
"Ikaw ang nang-iwan." Tugon niya. "And I did not accept her offer. I promised to protect, kailanman ay hindi ko iyon nakalimutan kahit na may iba ka na."
Tumulo na nang tuluyan ang mga luha ko, "Sorry, hindi na mauulit. At ako? May iba?"
Sa sandaling iyon ay halo-halo ang nararamdaman ko. Ngunit sa mga bisig niya'y alam kong ligtas ako.
Impit ang paghagulgol ko habang nagsasalita, "You didn't come back! Hindi mo na ako binalikan, Ezekiel!"
"Hush, I'm so sorry baby."
"Akala ko kinalimutan mo na ako! I waited for you everyday. I didn't want to leave Beryllion because of you but I couldn't just missed the opportunity so I waited for you to bid a goodbye yet you didn't came back!"
Pinunasan niya ang aking mga luha, "I came back, and you're gone. Hindi na ako nakabalik dahil nahuli ako ng mga guwardiya ng palasyo. Mabuti na lang at kilala nila ang aking Ama kaya pinagbigyan nila ako."
"Ang iyong Ama?"
"Chevalier Grock..."
Napasinghap ako sa sinabi ni Ezekiel. Bakit pamilyar ang apilyedo na iyon? Para bang narinig ko na iyon sa kung saan.
"Ezekiel..."
"They made me choose. Jail or Chevalier? I instantly chose to be a Chevalier than to sulk myself in a coon. I trained for these past years, I lost my freedom because of the trainings."
Tuluyan na nga akong napahagulgol ng napahagulgol dahil sa mga sinasabi ni Ezekiel. Mali na naman ako ng inisip. Fucking prejudice!
"I was too late to see you. Wala ka na. Tatlong taon na nang matapos ang trainings namin, bago ako naging ganap na Chevalier. And the first thing I did when I reached my freedom was to come after you at the Akademos. I volunteered to send the mail...tapos tangina...iyon ang makikita ko?"
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
