Chapter 40: Her Peculiarity

1.7K 117 5
                                    

Chapter 40: Her Peculiarity

NAGING puspos nga kami sa pag-eensayo. Dahil hindi na kami tumuloy na sa aming mga silid nang araw ding iyon, may mga kumuha ng aming mga gamit at sila na lamang ang naghatid habang kami ay dumeretso sa malawak na battlefield. Nagtataka ako kung bakit walang mag-aaral sa labas e' akademya ito, saka ko napagtantong oras din ng klase kaya sa loob ng mga silid ang mga estudyante.

Umusbong ang paghanga ko, hindi maipaliwanag ang excitement at kabang nararamdaman ko. Dahil paglabas namin sa battlefield ay ganoon na lamang ako kaliteral na napasinghap at napanganga nang makita ang iba't-ibang nilalang na nasa himpapawid at nasa lupa habang nag-eensayo. May kaniya kaniya silang hawak na espada at nilalabanan ang isa't-isa.

"Exciting..." Bulong ni Kate habang nakatingala.

Bigla akong napasimangot dahil naalala kong hindi nga pala ako makalipad. Paano na naman ako? Bakit ba lagi na lang akong lugi?

"Have faith, you will do everything here. Just trust, you'll be able to fly, Emerald." Ani Philip sa akin.

Lumingon lamang ako sa kaniya at ngumiti.

Sa gitna ng aming paglalakad ay hinarang kami ng isang matandang babae na sa tingin ko'y guro sa Akademos. Sabay-sabay kaming yumuko bilang paggalang. Ngumiti lamang ito sa amin at inisa-isa kami ng tingin, at nang bumagsak ang kaniyang paningin sa akin ay ganoon na lamang ako nangilabot.

"Esmeralda." Agad niyang tukoy.

Napasinghap ako at aligagang napalingon sa aking mga kapatid na halata mo ring nagulat. Taranta akong tumingin sa matanda at muling yumuko. Hindi pa ako sigurado kung ako ba ang tinatawag niyang Esmeralda, ngunit sa tingin ko'y obvious naman na ako iyon dahil Esmeralda rin naman talaga ang pangalan ko kung tutuusin.

"A-ako po," Ang tangi kong naisagot.

Naramdaman ko ang pagngiti nito, "Sumunod kayo kay Leemar upang simulan ang pag-eensayo. Maliban sa'yo, Esmeralda. Sumunod ka sa akin." Malumanay nitong saad.

Mabilis akong napatingala at namimilog ang mga matang lumingon sa aking mga kapatid na walang ibang nagawa kundi ang yumuko at umalis.

"See you." Saad ni Kate bago tuluyang lumisan.

Ganoon na lamang kalakas ang pagkabog ng aking dibdib nang maiwan kami ng matandang babae.

"I will be your mentor. Call me, Professor Hale." Deretso ang paningin nito sa aking mga mata habang nagsasalita, kaya naman halos na magkandaugaga ako sa pag-iwas.

"P-professor Hale." Tawag ko bilang pagsang-ayon.

Tumalikod ito at humakbang palayo, maagap naman akong sumunod kahit na nahihiya, "Huwag kang mahiya, Esmeralda. Walang lugar ang mga mahiyain rito."

Pakiramdam ko'y tinarak ang puso ko sa sinabi niya.

"Opo." Deretso kong sagot, pilit na inaalis ang hiyang aking nararamdaman.

"Ang sabi ni Leemar, hindi ka raw makalipad?"

Mabilis akong humakbang upang pumantay sa kaniya, "Totoo po iyon."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon