Chapter 42: Fly With The Prince

1.6K 89 3
                                    

Chapter 42: Fly With The Prince

MATAPOS ang insidente na iyon ay nanatili si Professor Hale sa hospital kaya naman hindi ko na alam ang gagawin ko sa aking sarili. Kung magpapatuloy pa ba ako, kung uuwi, o kung mag-eensayong lumipad. Hindi ako iniwan ni Ranzo, maging sa aking pagtulog ay maigi niya akong binantayan. Hindi ako nagreklamo dahil takot rin ang naramdaman ko dahil wala akong malay sa aking nagawa.

Simula nang mangyari iyon ay nilayuan ako ng mga mag-aaral sa Akademos, mabuti na lang talaga at nasa tabi ko palagi si Ranzo. Ang mga kapatid ko'y madalang kong makita at hindi ko alam kung saan sila nag-eensayo. Hindi rin kami magkatagpo-tagpo, tanging si Ranzo lamang talaga ang nakakahanap ng oras upang samahan ako.

"You should calm yourself down now, Emerald. Huwag mo na iyong alalahanin." Saad ni Ranzo sa tabi ko.

"Hindi ko maiwasang hindi iyon isipin, Ranzo. Malaki ang nasira ko sa Bailey, at nangyari iyon nang hindi ko alam. Paano kung maulit iyon, at mas malala pa ang mangyari?"

Mabilis ang aking paghakbang patungo sa Hospital ng Akademya. Walang araw na hindi ko binibisita si Professor Hale dahil nilalamon ako ng konsensya ko. Pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Pagmulat ko'y nakita ko na lamang ang walang malay na si Professor Hale, at ang ilang parteng nabasag at nabiyak sa Bailey.

"Please, Emerald. Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, hindi iyan makakatulong. Ang sabi nga ng mga Medikos ay maayos na ang kalagayan ni Professor Hale." Dagdag pa ni Ranzo habang hinahabol ako.

Ngunit hindi ko siya pinansin, "Paano ako maniniwalang maayos na ang kalagayan ni Professor Hale, eh ilang linggo na siyang hindi nagigising matapos ang aking nagawa."

"Hindi mo kasalanan..."

Ang sabi ng mga Medikos sa Akademos ay maayos na ang kalagayan ni Professor Hale, ngunit hindi ako naniniwala dahil dalawang linggo na ang nakalipas matapos ang nagawa kong aksidente ay hindi pa rin nagigising si Professor Hale. Kaya naman nilamon na ako ng takot at pag-aalala dahil naging usap-usapan ako sa Akademos. Malamang ay pinagtsitsismisan nilang palpak ang pag eensayo ko at nakasakit pa ako ng guro, hindi lang iyon dahil nadamay pa ang ibang estudyanteng nag-aaral doon.

Hindi ko makalimutan kung gaano kagulo ang paligid na animo'y binagyo pagmulat ko. Sa loob ng dalawang linggo ay naging tahimik ang mga kapatid ko, pilit silang umiiwas sa bagay na iyon. Siguro'y ayaw lamang nilang iparamdam sa akin ang nagawa ko, dahil sasama lang lalo ang loob ko. Ngunit patuloy na sumasama ang loob ko habang lumilipas ang mga araw dahil patuloy kong sinisisi ang sarili ko. Kung wala pa si Ranzo ay talagang pinanghinaan na ako ng loob.

Tuluyan na kaming nakarating sa Hospital, at katulad nang dinadatnan ko roon ay wala paring malay ang aking guro. Nilalamon ako ng hiya at takot dahil baka masamang nilalang na ang pagtingin ng karamihan sa akin dito. Ni minsan ay hindi inisip na mangyayari ito. Bakit ba kailangan ko pang pagdaanan ang ganitong bagay? Ang gusto ko lang ay matuto, mag-aral, at maging malakas kahit na ako mahina ako kung ikukumpara sa lahat.

Katulad rin ng lagi kong ginagawa ay ginugugol ko ang ilang oras ko upang bantayan si Professor Hale. I am feeling guilty as heck.

"It's not your fault. I believe you can control your power. It's actually astonishing, Emerald." Bulong ni Ranzo sa aking tabi. "Only if you work on it instead of drowning yourself here."

Pinahid ko ang mga luhang pumatak sa aking pisngi at lumingon kay Ranzo na nakatitig lamang sa akin.

"You keep on coming back here. Alam kong ang gusto ni Professor Hale ay mag ensayo ka kaysa bantayan siya. Hindi rin siya matutuwang dito mo inuubos ang oras mo sa halip na mag-ensayo."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon