Chapter 47: Fights and Fracases

1.5K 90 2
                                    

Chapter 47: Fights and Fracases

ANG panahon ay lumipas nang napakadali. Ang pangyayari sa hardin kasama si Ranzo ay naging isang ala-ala na lamang. Matapos ang pag-amin niyang iyon ay hindi na kami muling nagkausap ng maayos dahil nakatanggap daw ang mga Maharlika ng Macedon ng isang sulat ng pagtangka sa kanilang kaharian kaya naman agad silang umalis sa Akademos upang bumalik sa Macedon.

The monarchs of Macedon left, I never thought it was our last moment. Ranzo and I...this place will always be memorable for us.

"I'll come for you, I promise." Iyon ang huling sinabi sa akin ni Ranzo bago siya tuluyang umalis. Iniwanan niya ako ng halik sa aking noo bago tuluyang nawala ang kaniyang presensya.

Saksi noon ang mga kapatid ko kaya naman inulan ako nang kakaiba nilang titig. Ngunit hindi ako nakatanggap ng anumang sermon, siguro'y ganoon nila kabilis na natanggap si Ranzo dahil isa siyang Prinsipe ng Macedon. Probably the heir to the throne because he is the first prince.

Ang akala ko'y ang Macedon lamang ang inuulan ng pag-atake ngunit nagkamali ako dahil ilang linggo pagkatapos na umalis ang mga Maharlika ng Macedon ay nakatanggap rin kami ng sulat galing sa Beryllion. Iyon rin ang dahilan kung bakit isang Chevalier ang pumunta sa Akademos noong mga nakaraang linggo, upang ibalita ang nangyayari sa aming kaharian. Ngunit nagtaka ako dahil hindi nagpakita sa amin ang chevalier, hindi rin ito nagpakilala sa mga staff ngunit hindi rin ito scam dahil nilagdaan ng Hari ang bitbit nitong liham. At talagang nagpadalang muli ang Kaharian ng sulat para sa amin;

"The Kingdom received another threat again. Beryllion is preparing for an upcoming war, the Royals are expected to arrive after three days. Each presences are requested. Everyone must prepare because the Abyss, deeps, chasma and other home of Vultures are open. This only means war. They are after the periapts, and Beryllion's crescent moon was their first target."

Crescent moon. Our periapt.

Pakiramdam ko'y kulang na lamang ay bumagsak ang mundo ko. Ni minsan sa buhay ko'y hindi ko inakalang makakakita o makakasama ako sa gyera, dahil kahit na nag ensayo ako'y lugi parin ako.

Kaya naman nang nag-aayos kami ng aming mga gamit ay hindi ako mapakali. Ang paglabas namin sa Akademos ay mabilis, ni hindi ko nga nagawang magpaalam nang maayos kay Professor. Ang nagawa ko lamang ay magpasalamat sa kaniya, ni hindi ko siya nabigyan ng anumang regalo bilang tanda ng aking pagpapasalamat.

"Babawi po ako."

"Hindi na kailangan, ang gusto ko'y walang anumang mangyari sa'yo. Mag-iingat ka, Esmeralda."

"Maraming salamat po."

"Tandaan mo, ang kapangyarihang nasa iyo ay higit na malakas kaysa sinuman. Gamitin mo iyan ng maayos at huwag na huwag kang mawawalan ng pag-asa. Malaki ang tiwala ko sa'yo, Esmeralda."

Maging kay Leemar ay hindi rin ako nakapagbigay ng Token bilang pasasalamat. Hindi na rin siya sumama sa amin dahil sa napakarami niyang responsibilidad sa Akademos. Ngunit nangako naman siyang susunod, hindi ko lang alam kung kailan.

"Maraming salamat po, pasensya na kung inisip kong inabandona niyo ako dati."

"Hindi na mahalaga iyon, Emerald. Pagbutihin mo pa ang iyong abilidad, huwag mong ituon ang iyon pansin sa mga hindi mo nagagawa. Doon ka sa mga nagagawa mo at pagyamanin mo."

"Maraming salamat po."

"Your wings could rule, Emerald. Find out how to open it yourself. And once it flap, use it well."

Nag-iwan pa siya ng habilin sa aming lahat bago kami tuluyang umalis, "Ang mga napag-aralan ninyo ay hindi lamang magtatapos sa Akademos. Magsisimula ang totoo niyong gyera sa labas, sapat na ang inyong paghahanda. Sa anumang hamon ng buhay, huwag kayong magigiba. Ang pinakamababang paraan ng tagumpay para sa inyo ay tiwala at pagkakaisa. Humayo kayo at ipagtanggol ang inyong kaharian, mga maharlika ng Beryllion."

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon