Chapter 36: Vague Sentiments

1.8K 89 4
                                    

Chapter 36: Vague Sentiments

KAHIT na hindi sang-ayon ay wala kaming nagawa. Kaya naman matapos ang aming pagpupulong ay walang sinuman sa amin ang may ganang mag-ensayo sa dither. Humiwalay si Kate sa amin, dumeretso ang aming bunso sa kaniyang silid habang sina Lirech at Andrew naman ay dinig kong mag-aayos na rin ng kanilang mga gamit. Si Phia naman ay hindi ko alam kung saang sulok napadpad, kaya naman sa sandaling ito'y ang nagmamaktol na si Philip ang kasama ko.

Mula kanina hanggang ngayon ay ramdam ko ang pagkairita ni Philip, sandali siyang mananahimik pagkatapos ay bubulong ng kung ano-ano.

"How could they decide that easy without asking us if we are willing to do so?" Hindi matapos tapos na maktol ni Philip. "Are they not contented with the trainings here? Look, we were built well."

Nang lumabas kami sa opisinang iyon ay sumabay ako kay Philip papunta sa isang balkonahe. Mula rin nang makalabas kami'y mas umusbong ang mga reklamo niyang hanggang ngayon ay hindi matapos-tapos.

"Ang layo ng Akademos. Bakit pa dadaan ang mga Ada ng Macedon sa atin kung pwede namang dumiretso na sila sa Akademos? Magpapagod pa sila. It's amidst Beryllion and Macedon, kung ako'y di na ako maglalakwatsa pa sa ibang kaharian. Are you even willing to be with those Fairies? I have heard that the school is open for everyone so I think people in Patram also go there." Maktol niya pa at lumingon sa akin bago pumasok sa balkonahe.

"Bukas sa lahat pero hindi lahat ay nakakapasok."

"Whatever."

"Ang dami mong reklamo, Philip."

"Look, if they want us to be trained well hindi na natin kailangang lumayo. Maganda ang kalidad ng pagtuturo sa palasyo, ano pa bang kulang dito?" Saad niya pa, "Kung bakit pa kasi nagkasakit si Leemar ng biglaan."

Napasinghap ako, "Nagkasakit siya?"

Kunot-noong lumingon sa akin si Philip at tumango, "Oo. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ipapadala tayo sa Akademos. Doon daw nanggaling si Leemar, kaya sa tingin ko'y magagaling talaga ang mga guro doon. Dinig ko pa'y nandoon na raw siya, siguro'y planado na talaga ang lahat ng 'to."

"What do you mean?"

"Noon pa man siguro'y balak na ng Hari at Reyna na ipadala tayo sa Akademos, ngayon lang natuloy."

Umupo ako sa gilid ng isang maliit na punong nakalagay lamang sa paso at napabuntong hininga.

"Excited akong hindi." Bigla kong saad.

"What do you mean?" Tanong ni Philip at nag-ikot-ikot sa paligid.

"I want to meet other people. I want to travel. But I'm also scared of failing." Malumanay kong saad at napayuko, "What if I fail amidst our trainings? What if I keep on failing?"

"Don't think it that way."

"I can't help it." Mabilis kong saad, "Hindi ako katulad ninyo. I don't even know what's the use of my wings. I can't even flap it for a second."

"Hindi ko na rin alam. Ngunit ang dinig ko'y walang umaalis na lugi sa Akademos." Ani Philip at nagbuntong hininga, "Baka may iba kang kakayahan, hindi lang talaga ang paglipad."

I can feel the surrounding, but it's not enough. Hindi pa iyon sapat para sa akin, para matawag akong kakaiba dahil ang katangi-tangi talaga sa amin ay ang paglipad dahil sa aming mga pakpak. Malaking parte na ang nawala sa akin dahil hindi ako makalipad, at hindi iyon matutumbasan ng aking pandama lamang.

Sandali kaming natahimik, at sa gitna ng katahimikang iyon ay pinakiramdaman ko na lamang ang paligid. Biglang dumako ang paningin ko sa punong kinasasandalan ko. Pakiramdam ko'y nangyari na ito, o kaya'y may nangyari na rito. Hindi ko alam ngunit pamilyar na pamilyar talaga sa akin ang lugar. Nang minsang napadako ako rito'y ganito rin ang naramdaman ko noon.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon