Chapter 33: His Peculiarity

1.9K 112 9
                                    

Chapter 33: His Peculiarity

MABILIS akong napaiwas ng tingin at lumayo sa kaniya ng bahagya habang siya'y nanatili sa kaniyang posisyon. Nakatitig parin ito sa akin at tila sinusundan ang aking mga mata. Dahil sa pagkairita ay kunot noo kong sinalubong ang naghahabol niyang titig.

Ang puso ko! Walangya, luluwa na ang puso ko! Ang kawawa ko'ng puso, wala ba siyang ideya kung paano niya pinaghaharumentado ang puso ko? Mokong na 'to.

"A-ano ba?"

Nangunot ang kaniyang noo, "Hindi ko alam na ganito pala kaganda ang mga mata mo. Hindi naman ito matingkad na berde noon," puno ng kuryusidad niyang tanong, "Bakit biglang nag-iba ang kulay?"

Napakurap ako. Maging ako'y hindi ko rin alam na nag-iiba pala ang kulay ng aking mga mata sa tuwing nilalakasan ko ang aking pakiramdam.

"Hi-hindi ko alam,"

Sinubukan ko ang lahat upang huwag mautal, ngunit sa tuwing nagtatama ang aming paningin ay para akong napapasong umiiwas at awtomatikong hindi malaman kung ano ang sasabihin.

"Bumabalik na sa dati, Emerald," ani Ezekiel. At nang buong tapang ko siyang titigan ay nagbanggaan ang aming mga mata. Ganoon na lamang ako kabilis na napaatras, ngunit mabilis rin niya akong hinabol upang muling titigan ang aking mga mata na animo'y manghang-mangha sa kaniyang nakikita.

Tuluyang nanuyo ang aking lalamunan, hindi ako makahanap ng salita na dapat kong sabihin. Bigla na lamang akong napipi dahil sa kaniyang ginawa. Hindi niya alintana ang aming distansya na kaunti na lamang ay maangkin niya na ang aking labi. Tila wala lang iyon sa kaniya, ang gusto niya lamang ay matitigan ang aking mga mata na ayon sa kaniya ay maganda raw.

"E-Ezekiel..." halos mapaos na ako dahil sa kakaibang sensasyon na nararamdaman.

Mas lalo pa akong nahirapang huminga nang bumaba sa aking labi ang kaniyang paningin, pagkatapos ay marahan niyang binaybay ang bawat parte ng aking mukha. Mula sa aking labi, pataas sa aking ilong, at nanatili na sa aking mga mata.

"Hindi ko inakalang ganito ka kaaya-aya, prinsesa..."

Naghabol ako ng hininga at awtomatikong napahawak sa kaniyang dibdib upang pigilan siya sa patuloy na paglapit. Kaunting atras na lamang ay matutumba na ako, kaunting tulak niya pa sa kaniyang sarili'y aatakihin ako sa puso dahil sa kakaibang pagkalabog nito.

"E-Ezekiel, atras ka," nahihirapan kong saad.

Nangunot ang kaniyang noo. Doon ko napatunayang masyado siyang inosente sa nararamdaman ko. Normal lamang sa kaniya ang ganitong bagay, samantalang sa akin ay nabibigyan ko ng ibang kahulugan.

"Bakit?"

"Ma-masyadong malapit..."

Bahagya siyang umatras dahil sa aking sinabi ngunit hindi parin siya gaanong lumayo.

"I am mesmerized, Princess."

Literal na napako ang paningin ko sa kaniyang mga mata at sinalubong ang kaniyang titig. Hindi parin ako sanay kapag nagsasalita siya sa ibang wika, hindi ko iyon inaasahan ngunit tila sanay na siya at bagay na bagay sa kaniya. Nagpapatunay lamang na hindi ko pa siya gaanong kakilala.

I should not be welcoming him in my room, but it was my heart that wholeheartedly accepted him to celebrate the first fall of winter.

"Ma-maganda rin ang mga mata mo, Ezekiel." Nahihiya kong sagot.

Nangangapa parin ako sa aking mga sasabihin, samantalang siya'y dere-deretso. Hindi ko tuloy maiwasang mas lalong mahiya. Bakit ba nararamdaman ko 'to? I should not be shy for I am the royal between us, I should be blabbering, I should be the one being brat and noisy but I felt stepping back and let him do the rest, the talks, stories and approaches.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon