Chapter 37: Monarchs

2.1K 111 4
                                        

Chapter 37: Monarchs

NANG gabi ngang iyon ay wala akong ibang ginawa kundi ang ayusin ang aking mga gamit. Wala ni isang anino akong nakita sa aking bintana upang manggulo. Sa gitna ng pag-iimpake ko'y malungkot akong napapalingon sa aking bintana, umaasang naroroon na naman si Ezekiel upang manggulo sa akin. Ngunit sa paulit-ulit kong paglingon ay hindi ko siya nakita. Hindi ko naramdaman ang kaniyang presensya.

Hindi ko inaakalang ganito na lamang kalakas siyang tatatak sa akin. Nasisiguro kong hindi naman siya mananatili sa aking isipan at puso kung hindi siyang mabuting nilalang. Talagang hindi naman kasi kalimot-limot ang lahat ng masasayang ginawa namin sa labas ng palasyo noon. At ni minsan ay hindi ko inisip na kalimutan ang lahat ng ginawa niya para sakin. Doon ko pa napatunayang mapagkakatiwalaan talaga siya dahil walang sinuman ang nakaalam na nakalabas ako ng palasyo at nakapunta sa lungsod at mga distrito.

Natapos ko na ang pag-aayos ng aking mga gamit. Sa tingin ko'y nasa kalagitnaan na rin ng gabi ngunit gising na gising ang diwa ko. Hindi ako makatulog, hindi ko lubos maisip na tuluyan na akong lalabas sa palasyo bukas na bukas. Noon, ito ang pangarap ko, ang tuluyang makalayo sa palasyo upang makihalubilo sa kung sino-sino. Kaya naman hindi ko na naiintindihan ang sarili ko kung bakit tila gusto kong umatras, dito na lamang sa palasyo mag ensayo ng mabuti at hintayin ang pagdalaw ni Ezekiel.

"Where in the world are you, George Ezekiel?" Malumanay kong bulong habang nakatingin sa bintana at humikab, "Are you alright?"

Dahan-dahang bumagsak ang aking mga mata dahil narin sa pagod at antok. Dumapo ang aking mga daliri sa ipit na binili ni Ezekiel para sa akin sa lungsod noon, awtomatiko akong napangiti. Isang beses ko pang nilingon ang madilim at malamig na gabi sa labas ng aking silid bago ako tuluyang nilamon ng dilim.

***
KINABUKASAN ay awtomatikong maaga ang aking gising. Mabilis akong nag-ayos ng aking sarili at inihanda ang aking mga gamit sa nakabukas kong pinto. Isang hakbang na lamang sana ang gagawin ko'y tuluyan na akong makakaalis sa aking silid, ngunit kaagad akong nahinto at napalingon sa aking bintana. Sa muling pagkakataon ay pinili kong maghintay pa ng ilang sandali, umaasang anumang segundo ay darating at magpapakita doon si Ezekiel.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Excited akong hindi. Natutuwa ako dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng tuluyan sa aking hawla, ngunit natatakot rin ako sa buhay na naghihintay sa akin doon. Hindi lang iyon, nalulungkot rin akong lilisan nang hindi nagpapakita o nagpapaalam kay Ezekiel.

Alam niya kayang aalis na kami ngayon? Kung sakaling alam niya, wala man lang ba siyang balak na magpakita sa akin?

"Good morning,"

Napalingon ako sa biglang nagsalita sa aking pintuan. Halos napalundag pa ako sa gulat dahil nakatuon lang talaga ang aking atensyon sa bintana.

"Kate, good morning." Nakangiti kong saad. Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti habang sinusundan ang paningin ko sa bintana.

"Ano'ng problema?" Tanong niya nang nakangiti parin.

Umiling-iling ako, "Ang saya mo ngayon ah." Sa halip ay sagot ko, "Ang ganda ng ngiti oh."

"Oo naman, sa wakas makakasama na kitang maglakbay."

Napahagikhik ako, "Handa ka na ba?"

Nangunot ang kaniyang noo, "Ikaw, Emerald. Handa ka na ba?"

Sandali akong natahimik. Sa huling pagkakataon ay muli akong lumingon sa aking bintana, ngunit katulad ng laging nangyayari ay wala s'ya doon ni katiting ng kaniyang presensya. Kaya naman bitbit ang pilit na ngiti ay malungkot akong lumabas sa aking silid at bumaba.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon