Chapter 52: If Only
Mabilis ang aking mga hakbang habang seryosong binabaybay ang daan paakyat. Maraming hagdan pa ang aking lalakaran at talagang nakakapagod iyon ngunit hindi iyon ang dapat kong isipin sa oras na ito. Kailan kong makarating sa aking silid upang makuha ang aking armas.
I am desperate to help the Kingdom that I immediately forgot the tension happened between Ezekiel and I earlier. Nasisiguro kong umalis na si Ezekiel. I did not look back, it would just hurt me and make me want to chase him more, to hug him more despite the situation. So I chose not to look back and focus on the situation. Alam kong iyon din ang gagawin niya, let us not be a distraction to each other especially since the kingdom is in grave danger.
Hindi ko inakalang magagawa ko 'to. Ngunit heto nga't nagpapatuloy ako. I totally survived after those trembles I felt after the encounter with George Ezekiel.
"Focus, Emerald...focus. You're out of the blue again."
Napasigaw ako at napahinto nang mayanig ang lugar, nagkaroon ng malakas at matagal na lindol. Mabuti na lamang at napahawak ako sa railings ng hagdan kung hindi ay mahuhulog ako dahil sa pagkahilo. Nagsigawan ang lahat ng naroroon dahil sa gulat at takot, napuno ng pangamba ang kaharian, at nang silipin ko ang bintana upang tingnan ang nangyayari ay nangatog ako dahil nagsisimula na ang laban. Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong sumigaw ang hari, dahil lumilipad na sa ere ang mga buzzard habang nagpapaulan ng pasabog sa aming kaharian.
"BRACE YOURSELVES!"
"COVER! COVER! COVER!"
"TAKE YOUR ARMOURS!"
"YOUR HIGHNESS, THE COMMAND, WE NEED THE COMMAND!"
"LEAD, WE NEED THE LEAD! WHERE IS OUR LEAD?"Napapalunok na lamang ako habang nanghihinang napaupo dahil sa pagkahilo. Hindi nila nararamdaman ang nararamdaman kong hilo dahil wala sila sa sahig nang yumanig. Mabilis silang nakalipad upang makaiwas sa lindol, habang ako'y walang nagawa kundi salubungin ang at pakisamahan ang paggalaw ng paligid.
"It has begun."
Napapaluha na lamang ako habang pinapakinggan ang sigaw ng bawat isa, mas lalo pa akong nangamba nang sunod-sunod ang pagsabog na naganap sa labas ng palasyo. Ibig sabihin lamang ay inatake na rin ng mga buzzards pati ang lungsod.
Ang mga kawawang mamamayan doon ay paniguradong hindi alam ang kanilang gagawin, kulang pa ang ipinadalang sentry doon at paparating pa lamang ang ilan. Biglaan ang pagsugod ng mga buzzards, hindi kami nakapaghanda ng katulad ng paghahanda ng mga kaaway.
Hindi ko narinig ang pagsigaw ng aking Ama, ngunit narinig ko ang sigaw ni Kate habang nag-uutos na pumana na. Hindi parin ako nakakabawi sa pagkahilo ngunit mabilis akong napatayo nang makita ang grupo ni Kate na sumusugod sa ere habang pumapana.
Muli na naman akong pinahina ng kaisipang iba ako sa kanila at isa akong nilalang na walang kwenta. I couldn't do anything but to hear their screams and stare at nothingness. If only I am like them...if only I could use my wings and fly, I wouldn't let my people suffer like this.
Minsan, kahit naka breakthrough ka na hindi mo parin maiwasang mag overthink. Kahit natuto ka na sa isang aral at ibinaon sa hukay ang dati mong ugali, pilit itong babangon kapag may nangyayaring napupuruhan ka. Noon, tanggap ko ang kakulangan sa akin. Hindi ko na sinasabihang wala akong kwenta, ngunit dahil sa sitwasyon ngayon ay tila ba muling ipinaparamdam ng mundo na wala talaga akong kwenta.
Isang malakas na pagyanig na muli ang aking naramdaman dahilan upang umakyat pa lalo ang aking takot. Indeed, the Kingdom is now in peril.
Hindi ko sinasabing nagkulang ang aking Ama, at hindi ko rin sinasabing magiging mabuti ang Beryllion kung mapapasakamay ko, ngunit siguro'y naroon na rin ako ngayon sa battlefield habang nakikipagsapalaran sa mga kaaway at matapang na ipinagtatanggol ang aking nasasakupan kung nagagamit ko lamang ng maayos ang aking mga pakpak.
Why am I so useless? Why I am even cursed? And how do I break the curse? How would I heal?
"EMERALD!"
Nanlaki ang aking mga mata at napalingon sa tinig na iyon. Napalunok ako nang makita ang lalaking humihingal habang lumilipad patungo sa akin. Mabilis akong tumayo at tumakbo upang salubungin ang kaniyang mga bisig, ngunit hindi ako nagkaroon ng pagkakataon nang agawin ng isang lalaki ang aking braso. Sabay kaming napahinto sa pagkilos, hindi natuloy ang balak niyang paglipad patungo sa akin, hindi natuloy ang pagpunta sa akin ni George Ezekiel nang hilahin ako ni Ranzo, ang prinsipeng noon pa man ay hindi niya na gusto.
"Ezekiel..." Tawag ko at inabot ang kaniyang mga kamay nang siya naman ang agawin ng isang ministro.
Dumagundong ang pagsigaw ni George Ezekiel bilang pagkontra sa biglaang paghila sa kaniya ngunit wala siyang nagawa nang dalawang ministro na ang humuli sa kaniya pabalik sa frontline.
"We need you, Chevalier!"
Napasinghap ako at napalingon kay Ranzo na bigla akong niyakap, "Thank God you're fine!"
"Ranzo..."
Banggit ko ang kaniyang pangalan ngunit ang isip ko'y inaagaw ni Ezekiel. Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, at nasisiguro kong wala na rin siyang nagawa dahil ang kaharian na mismo ang nangangailangan sa kaniya.
Naaalala ko tuloy ang sinabi niya noon. Na ang kaharian na mismo ang mangangailangan sa kaniya, at nangyayari na nga iyon.
The jealousy in his eyes... I saw it again. Iyon din ang mga matang nakita ko noon nang gabing pinauwi ko siya. Hanggang nangyari na ang huli naming pagkikita... hindi na nga siya bumalik pa kahit kailan. I want to ask him why, what happened. Maiintindihan ko naman, gusto ko lang siyang magkwento. Gusto ko lang siyang magpaliwanag. Mas lalong nabuhay ang pag-asa ko kay Ezekiel, alam kong siya pa rin ang lalaking nakasama ko noon. He wouldn't mind calling me if he doesn't care about me at all, iyon ang pinanghahawakan ko, ang muli niyang pagtawag sa akin. Sapat na ang kaalamang hindi niya ako nakalimutan, sa ngayon ay kinakailangan kong mag-ingat at ituon ang atensyon sa kasalukuyang nangyayari bago ang lahat.
"Are you okay?" Naagaw ni Ranzo ang atensyon ko, "I flew all the way here to see you, to protect you! Are you alright?" Tanong nitong muli at mahigpit akong niyakap.
"O-oo"
"Saan ka pupunta? Delikado!"
Lumingon ako sa aking silid, "Sa silid ko, naroon ang mga gamit ko." Naputol ang aking pagpapaliwanag nang muling nayanig ang palasyo, mabilis akong kinarga ni Ranzo upang makaiwas sa paggalaw ng sahig.
Napakapit ako ng mariin sa kaniyang balikat, ang makulay niyang pakpak ay maiging bumubukas habang mabilis naming tinutungo ang aking silid.
"I'll take you there..." saad niya sa gitna ng paglipad, tumango lamang ako at maiging kumapit.
Iwas na iwas siya sa mga lumilipad na palaso, at kung ano-anong bagay na sumasabog. Umiikot ikot siya upang makaiwas sa mga nagsasalpukang nilalang. Our tribe roused as my father went out of the palace. Ang lahat ay napalingon sa kaniya habang kami ni Ranzo ay nagpapatuloy patungo sa aking Turret.
Isang malakas na pagsigaw ang ginawa ng aking Ama, "FOR THE KINGDOM OF BERYLLION! FOR THE LAND OF BERYLLUS! ROUSE!"
Isang nakakabingi, malakas at sabay-sabay na sigaw ang isinagot ng aming nasasakupan. Huli na ng ipikit ko ang aking mga mata upang huwag makita ang pagbulusok ng mga dugo at pagsabog ng ilang katawan. Nagsimula na ang laban... nagsimula na ang gyera.
Nagpatuloy lamang si Ranzo habang umiiwas sa mga nagliliparang naroroon. Pati sa lupa ay maraming naglalaban, hindi lamang sa ere. Napasigaw ako nang mayroong sumabog na parte sa aming palasyo, pinaulanan kami ng bomba ng nga buzzards.
Maraming kaaway na ang sumalakay, ngunit wala parin si Irithel. At alam ko na ang stratehiyang ito, papagurin niya ang mamamayan ng Beryllion hanggang sa siya na lamang ang matirang malakas. Bigla ay gusto kong balaan ang aking Ama, ngunit ayokong pumagitna sa kanilang laban dahil magiging pain lamang ako sa pabigat.
Nagsikalat na ang mga dugo, pati na rin ang katawan ng mga naroroon. Marami na ang walang buhay na nahulog, umatake na rin ang aking mga kapatid, habang ako'y karga-karga ng isang prinsipe at inilalayo sa gyerang dapat sana'y kasama akong nakikipagsapalaran para sa aming kaharian.
If only I could use my wings... if only I could fly.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasiaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...