CHAPTER 4: Fallen Chevalier
TILA ako nahulugan ng toneladang yelo at nabato sa aking kinatatayuan. Naestatwa ako, maging si Manang Dayana ay hindi rin kaagad na nakagalaw nang makita ang Reyna. Ngunit nang makabawi ay yumuko ang matanda upang bumati habang ako'y nanatiling tahimik at tulala dahil sa aking narinig.
"Mahal na reyna...!" Gulat na saad ni Manang Dayana ngunit agad siyang pinigilan ng aking Ina. The Queen raised her hand that made Manang shut.
"Maaari niyo na muna kaming iwan, Manang."
Lumingon muna ang matanda sa akin bago tuluyang umalis. Pinanuod ko siyang lumabas sa aking silid at marahang isinara ang pinto bago naglaho. Nang lumingon ako sa aking Ina ay emosyonal itong naglakad patungo sa akin. Nanatili lamang akong nakatayo sa gitna ng aking silid habang pinapanuod ang aking Inang marahang lumalapit sa akin.
"Mommy,"
She reached my face, "How are you, my Emerald?"
Mabilis akong umiling-iling at umatras na ikinagulat ng aking Ina, "Cursed?"
She sighed.
"Ayoko sanang sabihin ito sa'yo," malungkot niyang wika at inabot ang aking kinaroroonan at lumuhod upang pantayan ako, "Ngunit isinumpa ka ng isang babaeng nagngangalang Irithel mula sa kampon ng mga buzzards. Isinumpa ka niya nang ikaw ay aking isilang, kaya hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka makalipad, anak."
My world shattered into pieces. Akala ko...akala ko hindi ko pa lang talaga oras. Akala ko'y hindi ko pa lang talaga kayang lumipad. Akala ko'y may pag-asa pa. Ngunit naririto ang katotohanan, marahas akong sinampal na ako'y isinumpa!
Unti-unti kong naunawaan kung bakit iba ako sa kanila at kung bakit hindi ako makalipad ngunit hindi ko rin matanggap ang dahilan. Hindi ko matanggap ang katotohanan. Masyadong mabigat ang dibdib ko, nalulunod ang isip ko sa katotohanang hindi ko na sana dapat narinig ngunit pinilit kong marinig.
Mabilis at paulit-ulit na nagsipatakan ang aking mga luha, "Mommy..." Tila hindi maproseso ng inosente kong utak ang sinabi ng aking Ina.
The Queen embraced me, "Hush, mula ngayon ay hindi ka na masasaktan ninuman, anak..."
"Who's Irithel, mommy?" Humihikbi kong tanong.
The Queen sighed, "The Queen of the buzzards. Kahit anong mangyari, hindi ka niya pwedeng makita, naiintindihan mo ba?"
"Yet the other monarchs can because they can escape that easy..." malungkot kong wika, "Unlike me, mahuhuli ako..."
Inilagay ng aking Ina ang aking ulo sa kaniyang dibdib at patuloy akong hinaplos, "Huwag mo na iyong isipin, anak, nandito lang si mommy para sa'yo."
Tuluyan na akong napahagulgol ng iyak, ngunit sapat na ang yakap ng aking Ina upang maibsan ang lungkot na aking nadarama. Ano ba ang ginawa kong napakalaking mali para parusahan ako ng ganito? Hindi ako makalipad-lipad, ibang-iba ako sa lahat, at ngayon ay malalaman kong isinumpa ako ng Reyna ng mga kaaway?
Ang mga buzzard ang tinaguriang kaaway ng mga Kaharian sa Kontinente ng Fliogan, lahat ng kaharian ay napipinsala ng mga itim na ibon na iyon. They are supposed to be animal eaters only, ngunit hindi lamang hayop ang pinapatay at kinakain nila kundi pati na rin ang mga Doveo, at nasisiguro kong hindi lamang kami ang pinipinsala ng mga iyon kundi pati na rin ang mga nilalang sa mga karatig na kaharian.
Gayunpaman ay ayoko paring maniwala sa sinabi ng aking Ina, hindi ko matanggap. At naging usap-usapan nga 'yon sa buong Beryllion, na ako raw ay isinumpa nang ako ay isilang. At kahit gaano ko pa itanggi ang bagay na iyon ay patuloy akong sinasampal ng katotohanang totoo ngang nangyari ang sumpa. Maraming ebidensya, at ang pinakamalaking patunay ay ang hindi ako makalipad.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasiaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...