Chapter 7: Rose, Unknown Love and Respect
KALMADO akong naupo sa aking kama habang pinapanuod siyang pulutin ang mga bagay na itinapon ko sa kaniya kanina lamang. I must say, he's not that bad, his manners were good as well as his looks, ngunit naninibago parin ako kaya hindi pa ako lubos na nagtitiwala. Lalo pa't hindi katiwa-tiwala ang paraan ng una naming pagkikita.
"Such a noisy princess." Aniya at ibinalik sa mga lagayan ang mga dapat na ibalik.
Pinagmasdan ko lamang ang kaniyang kilos, at masasabi kong mukhang wala naman siyang masamang balak. Nakapagtataka lang talaga dahil napadpad siya nang biglaan sa aking silid.
Sandali siyang huminto sa kaniyang ginagawa atsaka tinitigan ako, mabilis akong nag-iwas ng tingin dahil sa kaniyang ginawa. Nakaramdam ako ng inis, bakit ako ang umiiwas sa'min 'eh siya nga ang estranghero sa aking silid. Kaya naman muli akong lumingon sa kaniya at nilabanan ang nakakapaso niyang titig.
Umusbong ang aking kuryusidad, "Sino ka?" Tanong ko.
Tumaas lamang ang kaniyang kilay atsaka inilapag sa mesa ang mga bagay na pinulot niya. Napabuntong hininga ako nang hindi ako nakatanggap ng sagot, muli ay tahimik ko siyang pinagmasdan.
"Pa'no ka nakarating dito at bakit ka nandito?"
He stood for a while and stared at me, "Bakit bawal ba? At bakit hindi?"
"Only those well-trained Doveos can reach my turret," mabilis kong tugon.
"Tingin mo ba sa akin ay mahina?"
Iritado ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa kaniyang mga sagot sa akin, "I am a princess of Beryllion, how dare you-"
Naputol ang sasabihin ko nang humalakhak siya at kunwaring yumuko upang magbigay galang, "I am sorry, princess Emerald,"
Nangunot ang aking noo dahil sa halip na matuwa ay mas lalo lamang akong napikon. He's so good at irritating others without him knowing. I gritted my teeth in annoyance that made him smirk even more, bwisit.
"If you don't want me to scream and ask for help, answer me properly."
Nagitla ako nang magsimula siyang humakbang patungo sa akin, nanlaki ang mga mata ko at aligagang napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kaniya dahil bigla akong nakakaramdam ng hiya.
"Hindi mo na kailangan pang sumigaw, may paparating na dahil sa sigaw mo," aniya at muling ngumisi pagkatapos ay umatras papunta sa aking bintana, "Ang ingay mo kasi..."
Napanganga ako at tumayo upang sundan siya, hindi ko siya maunawaan ngunit nang tumalon siya pababa sa aking Tore ay nakaramdam ako ng lungkot. Kaya naman sumunod ako upang panuorin siya, ngunit nangunot ang aking noo nang hindi ko siya makita sa ibaba o sa kung saan pa.
Saan naman napadpad ang isang 'yon? He seemed impossible, nang marating niya ang Tore ko'y nakaramdam na ako ng pagkamangha, at nang hulaan niyang may paparating ay mas lalo pa akong namangha dahil sandali lamang pagkaalis niya'y dumating si Manang na humahangos.
Mabilis akong napalingon sa aking pinto nang malakas itong bumukas.
"Emerald? Emerald!" Problemadong tawag ni Manang at lumapit sa akin, "Ano'ng nangyari? Bakit ka sumisigaw?"
Napalunok ako at muling napalingon sa bintana. Dapat ko bang sabihin na may nakarating sa aking Tore?
"Emerald?" Nag-aalalang ani Manang at mabilis na hinaplos ang mukha ko nang makalapit sa akin, hinawakan niya ang aking noo upang tingnan kung may sakit ako, at nang mapagtantong wala ay kumawala siya ng malalim na hininga, "Pinag-alala mo naman ako, bakit ka sumigaw?"
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
