Chapter 50: The Upcoming War
Nagising ako sa tunog ng malalakas na tambol at iba pang instrumento sa aming Kaharian. Ganoon na lamang ako napabalikwas ng bangon. How could I sleep when the Kingdom is amidst the launching the upcoming war? Right, I did not intentionally sleep. I passed out...and George Ezekiel's embrace was the last thing I felt.
I felt my cheeks burnt. Bakit pa ba ako kinikilig sa oras na 'to? I should focus on the chaos. So without further ado, I stepped out of the unfamiliar room. Isang sentry ang naghihintay sa akin.
"Right on time, Princess. Gigisingin na sana kita dahil wala na tayong oras. Anumang sandali ay magsasabugan na sa Beryllion, magigiba na ang ilang parte ng ating Palasyo—Kastilyo dahil ang mga sinabi mo'y nagkatotoo na. Paparating na sila...at naghahanda na ang bawat isa. Magmadali kayo, sa Keep tayo patungo. Naroroon na ang mga kapatid mo."
I just nodded and followed him.
My steps thundered the dark wicked hall. My siblings already flew to the Keep while I was being guarded by a sentry all the way to the keep as well. Napag-alaman kong dinala ako ni George Ezekiel sa pinakamalapit na silid at pinabantayan sa isang sentry dahil madami pa umanong gagawin ang Cheif Chevalier. Everyone was preparing, the armies were creating loud noises by yelling their chants.
They are everywhere, some of the sentries and chevaliers positioned themselves behind the curtain walls, most are at the bailey. Some are at the flunking tower as well, the bigger ones were running to the gatehouse to guard. Mas lalo pang nadagdagan ang mga sentry sa curtain wall for offense and defense, and when we reached the corner towers some were already frustrated because of the tension.
Marami nang gyera ang napagdaanan ng aming kaharian, ngunit hindi ko maikakailang ito ang pinakanakakatakot. Dahil buzzards ang aming kaaway at hindi sila malinis makipaglaban.Mga mandaraya, at iyon minsan ang kanilang lamang kaya napapatumba nila ang kanilang mga kalaban.
Nasisiguro ko ring hindi lamang buzzarads ang aatake sa amin dahil siguradong nakipag alyansa ang mga buzzards sa iba pang bloodsuckers, hindi ko lang alam kung may mga kaharian bang tutulong sa amin katulad na lamang ng Macedon dahil maging ang Kahariang iyon ay nasa panganib din.
Napasinghap ako nang muntik na akong madapa, mabuti na lamang at mabilis akong nahila patayo ng sentry na umaalalay sa akin. Mas lalong nagiging maingay ang paligid, kaya naman nang hindi ako makatiis ay dumungaw ako sa malaki at malawak na bintana sa Covered parapet walk upang tingnan ang lahat.
Wala na ang kanina lamang na nagpapahingang mga nilalang, mabilis silang naghanda. Tila ba nabago ang panahon sa isang balita lamang. Nang umangat ang paningin ko sa pinnacle ay naroon na si Lirech, siguro'y doon sila inilagay habang ang aking Inang Reyna at si Kate ay nasa keep. Nasaan si Phia?
There are magic snipers aiming at the corbels, flanking towers, and even at the rampart. Nasisiguro kong sa footbridge, list at stockade ay mga mandirigmang espada ang armas ang nakabantay.
"Why is Lirech at the pinnacle? Hindi ba't delikado doon?" Tanong ko.
Nasa gitna at harapan ng palasyo ang mataas na pinnacle, baka doon unang dumapo ang mga buzzards sa ere.
"Hindi ko rin alam mahal na prinsesa..."
"I'll go there," Saad ko at mabilis na humakbang patungo roon. Asintado ako, iyon ang pinakatumpak na lugar para sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...