Chapter 32: Emerald Green Eyes

1.8K 124 17
                                    

Chapter 32: Emerald Green Eyes

MARAHAN akong lumapit sa bintana, hindi parin makapaniwala sa presensya ni Ezekiel. Ngunit hindi lamang siya ang presensyang aking nararamdaman, may kasama siya.

"Kuya, nilalamig na ako. Hindi pa ba tayo pwedeng pumasok? O baka maraming ginagawa ang prinsesa-" nahinto sa pagsasalita si Aubrey nang makita niya ako matapos akong silipin, "M-mahal na prinsesa..." bati niya sa akin atsaka yumuko.

Suot nilang dalawa ang mahabang laso, kaya siguro'y hindi sila nahuli ng mga sentry dahil hindi sila nakita. Walang nakapansin sa paglipad nila patungo sa aking Tore. Pansin ko ring nakakapit si Aubrey kay Ezekiel, siguro'y hindi pa gaanong kaya ni Aubrey ang taas ng aking Tore kaya naman nakakapit pa siya kay Ezekiel.

"A-ano'ng?" Hindi makapaniwala kong tanong atsaka tuluyang binuksan ang aking bintana upang papasukin sila, "Pasok kayo, bilis! Masyadong malamig sa labas, napadpad pa kayo dito!"

Pinauna naman ni Ezekiel si Aubrey at inalalayan papasok sa bintana.

"Pasensya na, prinsesa. Nakaistorbo ba kami sa iyo? Ito kasing si kuya, masyadong mapilit..." nahihiyang ani Aubrey.

Ngumiti na lamang ako at gulat na napalingon kay Ezekiel na ngayon ay pumapasok na rin sa aking bintana habang maingat na hinahawakan ang kandila. Mabilis akong lumapit sa kaniya upang kunin ang kandila, ngunit saktong pagbaba niya sa aking silid ay sakto ring nahawakan ko ang kandila. Kaya naman sabay kaming nagkatitigan, at ang ilaw ng kandila ang siyang nagbigay liwanag sa aming mukha upang malinaw naming makita ng isa't-isa.

Mabilis akong nag-iwas ng paningin at binitiwan ang kandila. Lumapit ako kay Aubrey at tinulungan siyang pagpagan ang mga niyebeng namuo sa kaniyang buhok at kapa.

"Napadpad kayo rito?" Hindi parin makapaniwalang tanong ko.

Namilog ang mga mata ni Aubrey, "Ma-marami ka bang ginagawa, Prinsesa?"

Ngumiti ako at umiling-iling, "Actually, I am glad you came..." mahina kong saad.

Napangiti na lamang si Aubrey at tinanggal ang kaniyang kapa na basa na dahil sa mga natunaw na niyebe.

Lumapit si Ezekiel at tinanggal ang suot niyang makapal na jacket at ipinasuot iyon kay Aubrey. Pinanuod ko lamang sila sa kanilang ginagawa. Normal lang iyon kay Ezekiel, ang magsuot ng proteksyon sa gusto niyang protektahan. Siya ang nagsusuot ng jacket kay Aubrey, at siya rin ang nagsuot ng belo sa akin noon. Wala akong dapat na ikaramdam ng hiya, dahil normal lamang iyon sa kaniya.

"So," hindi parin makapaniwala kong saad, "Ba-bakit kayo napadpad rito?"

Lumingon si Ezekiel sa akin, "Ayaw mo? Pwede na rin kaming umalis."

"Hi-hindi!" Agad kong pigil at sinamaan ng tingin si Ezekiel. Hindi ko talaga kaya ang sagutan ng isang 'to, "Nagtatanong eh..."

Ngumiti ito atsaka walang pasabing pinitik ng mahina ang noo ko, "Ayaw mo no'n, may kasama ka sa unang gabi ng taglamig?"

Napakurap ako at hindi kaagad na nakapagsalita.

"Alam mo, prinsesa, hindi ka maalis sa bibig ni kuya. Ikaw ang bukambibig niyan nitong mga nagdaang araw, gustong-gusto kang bisitahin. Hindi na ata nakapagpigil, kaya dumeretso na ngayong gabi." Mabilis na kwento ni Aubrey.

Napalingon naman ako kay Ezekiel na nakatayo sa gilid. Nakapagtatakang parang wala lamang iyong sa kaniya. Hindi siya nag-atubiling pigilan si Aubrey, paano ba tumakbo ang utak ng isang 'to?

"Pero hindi niya ako pwedeng iwan sa bahay, mag-isa lang ako kaya isinama niya ako rito." Dagdag pa ni Aubrey atsaka lumingon kay Ezekiel, "Kuya, nasaan na ang mga mansanas?"

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon