Chapter 28: Chosen Ride

2.4K 130 14
                                        

Chapter 28: Chosen Ride

THIS time, it was him who couldn't move. Despite my palpitations, I managed to act fine. Gusto kong humalakhak dahil sa kaniyang reaksyon, ngunit pinanindigan ko ang aking arte dahil baka magbago ang awa ni Ezekiel. Ilang sandali pa'y nag-iwas siya ng paningin atsaka binawi ang kaniyang mga kamay.

"Ezekiel..." Marahan kong tawag atsaka sinundan ang kaniyang mukha upang ipakita ang nanunubig kong mga mata.

"Sige..." Saad niya atsaka nagbuntong hininga, "Hindi na kaagad kita matiis, isa pa nga." Aniya at pilyong lumingon sa akin.

Nawala ang arte ko, muling dumagundong ang puso ko at nilamon ako ng hiya. Pakiramdam ko'y muling namula ang aking mukha dahil sa biglaan niyang paglingon sa akin habang ibinibida ang matamis niyang ngisi na nakakapagpatibok ng puso.

"A-ano?" Ako naman ang nagkandautal at nagkandaugaga sa pag-atras, ngunit hinablot niya ang kamay ko at mabilis akong hinapit patungo sa kaniya, "A-ano ba?"

"Isa pa..." Saad niya at ikinulong ako sa kaniyang bisig.

Tuluyan na nga akong namula at napalingon sa paligid. Mabuti na lamang at kaniya-kaniya ang mga naroroon, mayroon ding napapalingon ngunit parang wala lamang. Siguro'y normal na iyon para sa kanilang mga mata dahil iniisip nilang magiging mag-asawa na kami.

"A-ano ba? Nakakahiya oh," saad ko at pilit na kumawala sa kaniyang bisig.

"Isa pa,"

"Na a-ano?"

"Ano'ng itinawag mo sa'kin kanina?" Nakangisi niyang tanong, animo'y inaasar ako.

Matalim ang mga titig ko sa kaniya at pilit na tinatanggal ang pagkakayakap sa akin, "Pakawalan mo ako, isusumpa na naman kita."

"Biro lang," agad niyang bawi atsaka binitawan ako ngunit kaagad niya ring hinablot ang aking mga kamay at ikinulong ang aking palad sa kaniyang palad.

"Tsansing ka, Ezekiel..."

"Ngayon lang 'to, marunong lang ako sumulit ng panahon, Prinsesa."

Tahimik akong napangiti at nagpaubaya sa kaniya nang magsimula siyang maglakad.

"Emerald..."

Kunot-noo siyang lumingon sa akin, "Hm?"

"Emerald, tawagin mo nalang akong Emerald."

Pilyo siyang ngumisi at parang batang umiling-iling, "Ayoko."

Tumaas ang kilay ko, "Ayaw mo?"

"Gusto ko...asawa ko." Aniya at kumindat.

Ganoon na lamang kabilis na naghuramentado ang nagpahinga kong puso, sa ilang sandaling pagpapahinga ay muli na namang tumambol ng walang humpay ang aking puso. Pakiramdam ko'y magkakasakit ako, sobrang init ng aking nararamdaman. Maayos naman ang panahon, hindi gaanong mainit at hindi rin malamig. Tama lang.

Hindi na umiinit ng gaano ang Beryllion dahil malapit nang dumating ang taglamig. Sasalubungin na naman namin ang matinding pag-ulan ng niyebe, minsan ay nakakatuwa dahil masayang naglalaro ang bawat isa ngunit sa mga katulad kong kulong lamang sa silid ay isang malaking pagsubok. Palagi akong mag-isa, lahat ng taglamig ay sinalubong kong mag-isa. At sa darating na taglamig, sa tingin ko'y mag-isa na naman ako sa aking silid.

Si Ezekiel na rin mismo ang nagsabing balang araw ay mawawala siya, at malay kong kinabukasan ay wala na siya upang guluhin ako.

"Rides!" Bulalas ni Ezekiel na ikinagulat ko, "Sakay tayo!"

"A-ano?" Hindi makapaniwala kong tanong at nilingon ang bagay na itinuturo niya.

"Sasakay tayo diyan," aniya at kinapa ang kaniyang bulsa.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon