Chapter 29: Having Hopes

2.3K 135 0
                                        

Chapter 29: Having Hopes

MAS lalong humigpit ang pagkapit ko sa kaniya nang marinig ko ang pagaspas ng kaniyang pakpak. Sa ere ay marahan niya akong inikot, mahigpit akong inalalayan at pinatalikod sa kaniya. Sa una'y hindi ko iyon nakuha, kinabahan pa ako dahil akala ko'y ihuhulog niya ako ngunit nang ipalagay niyang nais niyang ipakita sa akin ang Beryllion ay namuo ang luha ko dahil sa kakaiba at pinaghalong nararamdaman.

This is too much for my fragile heart. Nang pagbigyan niya ako sa aking kahilingan na ilabas ako sa palasyo ay malaking bagay na iyon sa akin, wala na sa plano ko ang iikot niya ako sa Beryllion. Mas lalong wala sa plano at inaakala ko ang pasayahin niya ako ng ganito.

Nakatalikod nga ako sa kaniya habang nakatapak ang aking mga paa sa ibabaw ng kaniyang paa. Ang aking pakpak ay nakababa lamang. Nakapulot ang kaniyang kamay sa aking baywang habang ng isa'y inaalalayan ang kamay kong ilahad sa ere.

"This...is amazing," halos pumiyok na ako nang ibulong ko iyon. Gusto kong umiyak, dahil pakiramdam ko'y lumilipad ako. Ipinaramdam sa akin ni Ezekiel kung gaano kasaya ang lumipad, bagay na hindi ko naramdaman noon pa man.

"So, this is how it feels to fly..."

I felt Ezekiel's chin rested on my shoulders, "Oo, ganito."

"Ang ganda..." Bulong ko atsaka inilibot ang paningin sa paligid. Nasa alapaap na kami, nakapagtatakang kayang maabot ang ganoong taas ni Ezekiel. Isa nga siyang mahusay na nilalang, walang duda, napakahusay niya. Mula nang maabot niya ang Tore ko'y humanga na ako, at patuloy akong humahanga dahil sa ipinapakita niyang galing. Lalo na sa panggugulat at pagbibigay aliw sa akin.

"Sobrang ganda..." bulong ni Ezekiel sa tainga ko.

Kumalabog na naman ang puso ko, bagay na hindi ko maiwasan pagdating sa kaniya. Bakit hindi ko mapigilan ang pagkalabog ng aking puso? Hindi ko rin makontrol ang aking hininga, ano ang mayroon kay Ezekiel at ganito na lamang ako naninibago sa aking nararamdaman?

"Thank you." Malumanay kong saad habang malayang dinadama ang hangin sa alapaap.

Kailangan kong sulitin ang bawat segundo, dahil baka ito na ang una at huling beses na makakaranas ako ng ganito. Nakakatakot, nakakalungkot isiping hindi na ito mauulit pa. Kaya naman susulitin ko na, ayokong magsisi na hindi ko ginawa ang mga dapat kong gawin noong panahong abot kamay ko ang mga ito.

"Salamat, Ezekiel." Muli kong saad nang hindi makatanggap ng sagot mula sa kaniya.

Nanatili lamang siyang tahimik ngunit naramdaman ko ang paghigpit ng kaniyang hawak sa akin.

"I wish I could fly," malungkot kong wika atsaka bahagyang nilingon si Ezekiel na sana'y hindi ko na lamang ginawa. Sapagkat mabilis lamang akong bumawi dahil ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mukha. Pakiramdam ko'y kasingpula na naman ako ng kamatis, at talagang kumakalabog na naman ang aking dibdib kasabay ng pagliparan ng mga animo'y paru-paro sa aking tiyan.

"If you could fly, I wouldn't hold you like this..." bulong niya na hindi ko gaanong naintindihan.

"What?" Tanong ko dahil hindi ko siya masyadong naunawaan, masyado iyong mahina at malabo sa aking pandinig.

"Wala..." Sa halip ay sagot niya.

"Ezekiel,"

"Hm?"

Nagbuntong hininga ako at ilang ulit na nag-isip kung itutuloy ko pa ba ang tanong ko. Baka magbago na naman ang mood ng isang 'to at hindi ko na masuyo. Ngunit dahil sa kuryusidad ay napagdesisyunan ko na lamang na ituloy ang aking katanungan.

"D-do you mind, if I ask you...how did you get on my turret?"

Isiniksik niya ang kaniyang ulo sa aking leeg, napaarko ako dahil sa kaniyang ginawa. Mabilis akong napalunok, at pakiramdam ko'y narinig niya iyon.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon