Chapter 58: Home
EVERYTHING felt like a dream, habang pinapanuod ko ang mga mamamayan ng Beryllion na lumuluha dahil sa wakas ay natapos na ang gyera, hindi ko rin mapigilang mapaiyak. At tuluyan akong napahagulgol nang magsigawan ang lahat ng naroroon kabilang na ang aking Ama, ang sigaw ng tagumpay ay aking narinig at talagang napakaganda niyon sa pandinig. Paulit-ulit, malakas, nakakabuhay at nakakagana sa mga pinanghihinaan ng loob, nagbibigay galak sa mga nagdadalamhati. Kahit gaano kalaki ang unos na nangyari sa Beryllion, tila hindi matatawaran ang saya dahil sa wakas ay nawasak na ang kaaway at tuluyang natapos ang gyera.
Gayunpaman, hindi sa akin. Dahil nagbigay lamang ito ng kalituhan sa buhay ko, ang lahat ng aking narinig ay tila pinahina ako. Kahit na maayos na ang lahat at tanggap ako ng Beryllion, hindi ko parin maiwasang mag-isip ng kung ano-ano, katulad na lamang kung ano ang nangyari at napadpad ako sa kaharian ng Beryllion kahit na dapat ay isa lamang akong normal na mamamayan sa Kaharian ng Patram.
The kingdom of Patram is the place where I was born, the kingdom of mighty hawks. Kaya pala noon pa ay pansin kong iba na ako sa kanila, sa mga taga Beryllion... I am not a half-dove, but indeed a half-hawk. I am a black dangerous bird, and the feeling that I don't belong in this solemn, kind, serene kingdom with white impeccable birds is confusing me of what to do next, should I live here or leave? Nakakalipad naman na ako... mas mabilis, mas malakas at mas mataas.
"Princess Emerald,"
Nahinto ako sa pag-iisip ng kung ano-ano nang marinig ko ang tinig ng aking Ama, nasa tabi niya ang aking Ina na patuloy sa kaniyang nagbibigay lakas. Naroon din ang aking mga kapatid, sina Andrew, Philip at Kate maliban kay Lirech na ginagamot si Sophia sa pinnacle. Nang lingunin ko ang aming nasasakupan ay nagpapahinga ang mga ito habang nanunuod sa amin.
Mula sa hindi kalayuan ay napangiti ako dahil paparating ang mga naglalakihang paru-paro na galing sa kaharian ng Macedon. Hindi na nila inabot ang gyera, gayunpaman ay nagpatuloy sila upang manggamot. Magaling na manggagamot ang mga Fairy ng Macedon, wala kaming masasabi sa kanilang paraan.
Muli akong lumingon sa mga maharlika ng Beryllion na ngayon ay naiiyak habang pinagmamasdan ang aking kabuuan.
"Maganda... napakaganda," puna ng aking Ina.
Agad akong napaluha at hindi ko na nga napigilan ang pagpatak nito.
"Patawarin mo kami, hindi namin sinabi sa iyo ang katotohanan. Natatakot lamang kaming iwan mo at sumama ka sa iyong Ina upang pagharian ng kasamaan ang ating mundo. Bata ka pa lamang ay nakatakda na ang plano ni Irithel... Oo, siya ang iyong Ina at nais niyang mapasakamay niya ang mundo ng Beryllus. Masyado kang inosente noon, at talagang minahal na kita sanggol ka pa lamang. Gustong-gusto naming pigilan si Irithel sa kaniyang plano, at nangangamba kaming balang araw ay gagamitin ka niya laban sa amin. Ayaw kitang lumaki sa kaniyang pamamaraan, sa kaniyang kamay kaya kinuha kita sa kaniya," Napaluha ang reyna at dahan-dahang lumapit sa akin.
Hindi ako kumibo, pinanuod ko lamang siya.
"Gabi noon, payapa ang lupain ng mga buzzards. Malakas ang iyong pag-iyak ngunit hindi ka pinapansin ng mga naroroon maging ng iyong Ina, naawa ako saiyo dahil hindi mo dapat nararanasan ang mga bagay na iyon, hindi ka pwedeng pabayaan, at mas lalong hindi ka pwedeng lumaking masama. Kaya kinuha kita... ninakaw kita... ginawa ko lamang iyon para sa iyong kapakanan, patawarin mo ako kung matagal ko iyong itinago sa iyo, anak,"
The Queen finally reached me, she immediately caressed my face and softly fondled my cheeks. She wiped my tears away, and slowly pressed her body towards mine for a hug.
My nightmares, it was the queen and I. The queen was the lady who stole me from Irithel and the child was me. Everything seemed to be lucid now. In the Nightmare forest."Huwag ka nang umalis sa Beryllion anak, ito ang iyong tahanan..."
Muli akong napaluha, "Ngunit hindi po ako katulad ninyo..."
"Hindi iyon importante, tanggap ka namin, mahal ka namin, iyon ang mas mahalaga." Ani Kate at dahan-dahang lumapit sa amin.
"Patawarin mo kami, Emerald. Itinago ka namin sa Toreng iyon dahil natatakot kaming kunin ka ulit ni Irithel isang araw habang mag-isa kang lumilipad. Hindi mo kasalanan kung bakit hindi ka kaagad nakalipad, kami ang nagkulang." Tinig naman iyon ng mahal na hari, at sa pinakaunang pagkakataon ay nakita kong namuo ang kaniyang luha, "Hindi ka namin pinapaalis sa Beryllion, at nawa'y piliin mong manatili kahit na alam mo na ang buong katotohanan..."
"You are a princess of the Kingdom of Beryllion, a dauntless fierce hawk in the midst of solemn solicitous doves. You know what's amazing? You are ought to be a threat to us but you turned out to be our saviour, my daughter," The Queen whispered.
"Thank you, Mom."
The Queen smiled, "Do you wanna know why I named you Emerald?"
Hindi ako sumagot, nag-hintay lang ako ng sunod niya pang sasabihin.
"Because we are the Emerallde's, and I want to mark you as an Emerallde. Kahit sa pangalan mo palang, kabilang ka na samin. Emerald, Esmeralda, whatever they call you... you are an Emerallde."
Napangiti ako at tumango sa aking Ina nang pakawalan ako nito. I wiped my tears and gave a grateful stare to the Queen.
"I am forever grateful with all your sacrifices."
The King Zebulun, Queen Cassiopeia, the princes and princesses, were all wiping their tears in bliss for me. And that moment, I realized I was so blessed to be rescued by the Queen back when I was a kid. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa ko ngayon, kung ilang tao at nilalang na ang napatay ko kung nanatili ako sa piling ni Irithel. If not for that risky night, I would not be who I am today.
"You saved Beryllion, my Emerald. It was you and only you who could defeat Irithel. You share the same blood, your strengths were at the same level... and you, being our Princess, choose to be with us instead of following Irithel. You could have ruled the world, but you'll be filled with annoyance, anger and distress. Matitiim mo bang mamuhay ng ganoon? So you eventually chose us... and there, your majestic wings has finally opened. Look how beautiful they are." Ani ng aking Ina at marahang hinawakan ang aking pakpak.
Napangiti ako nang maging si Kate at ganoon rin ang ginawa, hanggang sa lumapit na ang hari pati na rin ang dalawa pang prinsipe upang yakapin ako. Mas lalong lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang magsigawan at maghiyawan ang lahat ng naroon, isang nakakabingi ngunit napakagandang palakpak ang dumagundong sa buong Beryllion.
Sa isang sandali lamang ay malakas na isinisigaw ng bawat ang isa ang aking pangalan. Napahalakhak ako nang itaas ng aking Ama ang aking kamay at mas lalo pang lumakas ang sigawan at palakpakan dahil nadagdagan na ito ng tunog ng mga instrument. Naroon na ang banda ng kaharian, masayang tumutugtog dahil sa aming tagumpay. Sa tagumpay ng Beryllion. Hindi ko masasabing dahil iyon sa akin, dahil ginawa ng lahat ang kanilang makakaya upang maipanalo ang laban. At hindi ko rin magigising ang mga pakpak ko kung hindi dahil sa mga mamamayan ng Beryllion, maging ng aking pamilya... lalo na kay George Ezekiel.
Speaking of that Chevalier.
Mabilis kong iniikot ang aking paningin upang hanapin si George Ezekiel, ngunit sa halip na ang aking makita ay lumitaw sa harapan ang nanghihinang si Ranzo bitbit ng dalawang kapwa niya kalahating paru-paru.
Napangiti ako at tumango sa mga maharlika bago siya pinuntahan, ngunit hindi pa nakakalipad ay muli akong tinawag ng aking Ina.
"Will you stay... Emerald?"
Naluluha akong ngumiti sa kanila... at marahang tumango, "This is my home. Beryllion is my home."

BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...