Chapter 48: The Threat

1.6K 108 4
                                    

Chapter 48: The Threat

NILAMON ako ng takot at pangamba. Mabilis kong pinunasan ang dugong lumabas sa aking ilong at akma sanang lalabas upang balaan ang lahat nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang pamilyar na mukha.

"Princess Emerald..."

A servant walked into my room. Problemado ko siyang tinitigan at humakbang papalapit sa kaniya. Nakabuka ang kaniyang pakpak, ibig sabihin lamang ay nilipad niya ang aking tore, malamang ay mahalaga ang pakay niya.

"Redrose?" 

She looks so different, talagang humanga ako dahil sa laki ng kaniyang kaibahan. Talagang napakahaba na ng tatlong taon dahil hindi ko na siya lubos na makilala.

"Kailangan po kayo sa council room..."

Tila naman ako nagising sa aking katinuan ngunit lutang parin.

"Why?" Kinakabahan kong tanong.

Mula sa aking posisyon ay naramdaman ko ang pagpulong ng mga sundalo sa aming palasyo. Sinasabi ko na nga ba, nangyayari na ang masama kong nararamdaman, ang aking kinatatakutan.

"Magmadali kayo."

Pinigilan ko siya sa pamamagitan nang paghila sa kaniyang braso, "Answer me, why?"

Sandali siyang nanahimik bago nagbuntong hininga, "The kingdom is preparing for a war. The buzzards had planned to launch their attack...and they will attack anytime so hurry because you are not safe here anymore."

Tila ako nabato sa aking kinatatayuan. Napalunok ako at aligagang sumunod kay Redrose. Nangyayari na nga ang kinatatakutan ko.

Lumipad na siya pababa habang ako'y tinahak ang mga hagdan at naglakad dahil hindi parin ako makalipad. Nag-ensayo nga ako sa Akademos, ngunit hindi ako makakatakas sa realidad na mahina ako lalo pa't nasa Beryllion na ako. Binalot ako ng takot, ngunit mas lamang ang lungkot dahil muling sumagi sa aking alaala ang isang wikang tila pangako sa akin.

He said he would be a chevalier to protect me...where is he now? Is he a chevalier now? Would he still pledge his loyalty to me... even though I left him without further notice and word?

That someone who promised to be my Chevalier is nowhere to be found. It's been so long, three years. Still, I can't get over him.


***
Halos magkadapa-dapa na ako dahil sa bilis ng aking paghakbang pababa ng palasyo. Redrose can't carry me, her wings were small for her age. She's year younger than me, ngunit maliit talaga ang kaniyang pakpak habang ang pakpak ko nama'y lampas pa sa aking paa kaya naman matunog itong nailalampaso sa sahig dahil sa bilis ng aking pagbaba.

Nagkakagulo na nga ang lahat sa palasyo, hinintay ako ni Redrose sa groundfloor at sinamahan na tumungo sa council room. Kahit na hinihingal ako dahil sa pagod ay hindi ako huminto. Naroon ang takot sa akin dahil kung may apektado man sa gulong ito, iyon ay ako. I am prone of being a pawn since I am weaker than anyone else. I was also cursed, the lady buzzard who used to cursed me just planned to launch her attack on our kingdom.

"Damn this dress!" Hindi ko napigilang mapamura dahil naging sagabal pa sa aking pagtakbo ang puti at mahabang bestidang suot ko. Mabuti na lamang at sandalyas na may mababang takong lamang ang suot ko, kung hindi ay baka kanina pa ako nadapa habang pababa ng hagdan.

Nakarating kami sa council room, nagkakagulo ang mga officials doon habang nakahawak sa sintido ang problemado kong Amang nakaluklok sa kaniyang trono. Maging ang aking Ina na nakaupo sa kaniyang luklukan ay hindi rin mapakali.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon