Chapter 26: His Rumored Wife
Kamatis! Strawberry! Laman ng pakwan! Hindi ko na alam kung ano'ng pwedeng i-describe sa mukha ko. Pakiramdam ko'y sinusunog ang pisngi ko, at alam ko'ng sa mga oras na yaon ay pulang-pula na ako na tulad ng mga prutas na nabanggit.
My heart...my poor fragile heart. Magdahan-dahan lang ang isang 'to, kapag ako mahulog o bumagsak magkakatotoo ata ang sumpang binibiro-biro ko lang kanina.
Hindi kaagad ako nakapagsalita. Napalingon ako sa aking paligid, at hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa kaniyang sinabi. Dahil lahat nga ng naroroon ay napapalingon lamang sa amin, walang nagbabalak na lumapit sa akin dahil iniisip nilang nobya ako ng pasaway na si Ezekiel. Hindi ko ito naisip kanina habang sinusuotan niya ako ng belo, akala ko'y pantakip lamang sa akin upang huwag akong makilala. May iba pa palang rason, at hindi ko alam kung ano ang gagawin kong reaksyon para sa dahilan na iyon.
"Hindi mo ba gusto ang plano ko?" Tanong ni Ezekiel nang mapansin ang pagiging tahimik ko.
How could he switch that easy from an annoying mischievous guy to a cold cool bad boy and then switch back to an annoying boastful guy and so on as the cycle continues?
Mabilis akong bumawi at umiling-iling, "H-hindi, ano..." Hindi mahinto sa pagkalabog ang dibdib ko, kapag hindi ko nakontrol ang sarili ko'y manginginig ako dito.
Napangisi siya dahil sa pagkataranta ko, "Sakyan mo nalang, alam ko namang hindi mangyayari ang bagay na 'to. Alam ko pa rin naman ang kalagayan natin sa buhay, Prinsesa."
Bahagya naman akong nalungkot sa kaniyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit, siguro'y dahil iniisip niyang hindi niya ako maaabot o ang kalagayan ko. Kahit papaano kasi'y nakatakda lamang ang mga maharlika sa mga may matataas na katungkulan o posisyon, at hindi sa mga normal na mamamayan lamang. Hindi ito naisip noon, ngunit ngayon ay unti-unti ko nang napapagtanto. May mga maliliit na bagay palang dapat na pagtuunan ng pansin, dahil mahirap na itong solusyonan kapag lumaki pa.
After all, small things are the ones that matters. Because those small things can grow bigger and bigger.
"Tara na,"
Napakislot ako nang muling magsalita si Ezekiel. Napatitig ako sa kaniya habang siya'y deretso lamang na nakatingin sa unahan. Wala akong nagawa kundi ang sumunod.
"Alam mo ba ang dalawang magkarugtong ngunit magkahiwalay na distrito rito?" Aniya at bahagyang bumagal upang pantayan ako.
Nangunot ang noo ko, "Magkarugtong pero magkahiwalay?"
Ngumisi siya at itinuro ang signage na kanina lamang ay nakita ko, "Iyon, nakikita mo iyon?"
Tumango ako, "Yrelb..." basa ko sa nakasulat.
"Ang distritong iyon kung papasukin mo at dederetsuhin ay ang Distrito ng Yrelb. Ang lugar na kinatatayuan natin ay Distrito ng Llyn. Dalawang magkaibang distrito, dalawang magkaibang namumuno ngunit magkadikit dahil sa dikit dikit na mga estruktura at bahay."
Literal akong napanganga dahil sa pagkamangha, "I have a lot to learn... this Princess have a lot to learn," bulong ko.
"Ang dalawang distrito ay ang pinaglalagyan ng mga tahanan. May kaniya kaniyang nayon dito, maliliit nga lamang pero masaya kapag nagkakaroon ng salo-salo. Ang lungsod ang malaki..."
"Lungsod?"
"Ipapasyal kita roon, kaya mo bang maglakad na lang o gusto mo na naman akong sakyan?"
Napairap ako at napasimangot, "Pwede bang magdahan-dahan ka naman sa pananalita mo? Masyado kang pastidyo eh!"
Tumaas ang kilay niya habang nakakurba ang labi, "Ano?"
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
