Chapter 60: Ecstacy and Delight
"Ayaw kong magpakita sa'yo sa ganitong kalagayan, my wings were fragmented, paano kung hindi kita doon nasalo ng maayos, sabay tayong babagsak at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo!"
Hindi ko na napigilan ang aking pagluha. Mabilis akong kumawala sa kaniyang mga bisig at dahil doon ay mas lalong sumama ang titig niya sa akin.
"I love you so much, but please don't make this hard for me..."
"Ano ba ang pinipigilan mo?" Iritado kong tanong habang nahinto kami sa ere.
"Kapag nagpatuloy ito'y mawawalan ako ng respeto sa prinsipe ng Macedon dahil tuluyan na kitang kukunin sa kaniya. Alam kong para kayo sa isa't-isa, alam kong wala akong lugar sa mga tulad mo... Prinsesa ka Emerald at ang nararapat sa'yo'y katulad niyang prinsipe, iyon ay batas na ng ating kaharian..."
"Shut up." Iritado kong saad at mabilis na hinapit ang kaniyang ulo at mariing hinawakan ang kaniyang pisngi upang angkinin ang kaniyang mga labi.
Sa una'y nagulat siya at hindi kaagad nakaimik, ngunit hindi rin nagtagal ay halos kapusin ako ng hininga dahil mapusok niyang ginantihan ang aking halik habang idinidiin ang aking ulo sa kaniya. Bahagya akong nagsisi na simulant iyon nang hindi ako handa, dahil ngayon ay pareho nang nag-aalab ang aming mga katawan at puso habang pinagsasaluhan ang tila uhaw naming mga labi.
He stopped his kisses for me to suck an air, "Sapakan kung sapakan, pero hindi talaga kita ibibigay sa prinsipe..." mabilis niyang saad at muling inangkin ang aking mga labi.
Napangiti ako at hinawakan ang kaniyang balikat, at nang sandaling iyon ay mag-isa kong nilipad ang pinakamataas na bahaging aking maaabot habang hawak siya. Hindi naputol ang kaniyang paghalik sa akin, mainit naming pinagsasaluhan ang halik na iyon habang pataas ng pataas ang aming lipad palayo ng palayo sa kaharian ng Beryllion, sa lugar na payapa at tanging kami lamang ang naroroon.
He let go once again, and I saw awe in his eyes when he saw the altitude we reached, it was so high that all we see are clouds when we look down.
"My life was so hard, gusto kong maging karapat-dapat sa iyo, at upang magawa iyon ay nagpursige akong mamasukan sa palasyo kahit na isang chevalier lamang tulad ng pangako ko sa'yo. I was always there... Emerald. I always watch you happily play, dance, and do crazy things with the prince of Macedon. Napakarami ko nang buzzards na napatay upang huwag kayong maistorbo, ayaw kitang magambala, matakot o mangamba. Gusto kong masiguro ang iyong kaligtasan..."
He cupped my face and stared at me, he wiped a teardrop before continuing, "Alam kong nagagalit ka sa akin dahil hindi na ako bumalik. God knows how bad I wanted to see you, ngunit isinara na ang gate ng palasyo. Mas naging maingat sila dahil mas nagiging matakot ang mga banta ni Irithel. There are sentries, even at the sky at hindi ako makapasok kaya hindi na nga ako nakabalik. And when I entered the training in the palace, they asked us to forget everything and think about saving Beryllion, but I can't just stop thinking of saving you as well. I promised you, and I never broke my promise as I will continue to protect you..."
"George Ezekiel..." ang tanging naitugon ko na lamang ay ang pagbanggit sa napakaganda niyang pangalan.
"Chevalier Grock... was my father. He asked me to protect you, hindi ko alam kung bakit gusto niyang protektahan kita. At nangako naman ako sa kaniyang poprotektahan kita, at tutuparin ko iyon hanggang sa aking huling hininga."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
