Chapter 46: Ruined Jiffy
GANOON na lamang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nalilito akong lumingon sa lugar na akin sanang pupuntahan. Pakiramdam ko'y namutla ako sa kaba, baka naman minumulto na ako sa Akademos. O kaya'y masamang pangitain ito sa akin. Ngunit impossible dahil wala namang multo dito. Ang alam ko lang ay may guardian daw dito at hindi naman iyon nagpapakita unless gusto nitong magpakita.
At nasisiguro kong hindi naman iyon galing sa guardian kuno dahil pamilyar ang amoy. Ganoon na lamang ako namutla. Gaano ko ba siya namimiss at hanggang dito'y naaamoy ko parin siya? Bakit bigla ko nalang siyang naramdaman? Bakit ngayon ko lang siya naramdaman? Bakit ngayon lang siya nagparamdam kung ganoon? Baka naman...minumulto na talaga ako?
Kaya naman mabilis akong umatras at tumakbo patungo kay Ranzo na agad akong sinalubong ng yakap. Napasinghap ako nang maglapat ang mga balat namin ni Ranzo. Nabawi ang tingin ko mula sa pasilyo at tuluyang napalingon sa Prinsipe ng Macedon.
"Wanna walk with me on the garden tonight?" Nakangiti niyang tanong habang ikinukulong ako sa kaniyang bisig. "It's been three years, we've been doing this a lot. Ngayon ka ba aayaw?"
Pilit akong kumawala sa kaniyang yakap, "Ano ka ba? Baka may makakita satin at mag-isip ng kung ano-ano!"
"Hayaan mo silang mabaliw sa kakaisip ng kung ano-ano."
"Ranzo..." Matalim kong banta.
Ganoon na lamang siya kabilis na bumitaw sa akin at itinaas ang mga kamay na animo'y sumusuko. "Okay, Princess. Sorry, my princess." Aniya at yumuko na animo'y nang-iinis.
"Hindi ka galing doon?" Tanong ko at muling lumingon sa madilim na pasilyo.
"What? Nandito ako, kasama mo." Mahina niyang saad atsaka walang pasabing sinakop ng mga palad niya ang mga palad ko, "Let's just go."
Napasinghap ako nang hilahin niya ako palayo sa aming pwesto, papunta sa hardin ng Akademos. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya nang hindi binabawi ang aking mga kamay. Nakatuon ang pansin ko sa pasilyong iyon, at patuloy akong napapalingon doon hanggang sa tuluyan na kaming nakalayo.
Minumulto na ba talaga ako?
Nakarating kami ni Ranzo sa hardin, at katulad ng palagi naming ginagawa kapag napapadpad kami rito'y masaya kaming nanunuod ng mga alitaptap. Ang iba'y sinusundan ko pa habang siya'y nakasunod lamang sa akin.
"It's been three years, hindi ko inakalang magiging close tayo ng ganito." Natatawang saad ni Ranzo at itinaas ang magkasakop naming mga palad, "Intimate as this."
Biglang kumalabog ang puso ko, pakiramdam ko'y pinamulahan ako sa oras na iyon. Pilit kong inagaw ang aking kamay ngunit mas lalo lamang na humigpit ang pagkakahawak niya doon.
"When had we started, Princess?"
Napalunok ako at mabilis na napalingon sa kaniya. Hindi parin mahinto sa pagkalabog ang aking dibdib. My heart sank reminiscing something. It's something I will never forget: “When had we started, George Ezekiel?”
"A-ano?"
Huminto siya sa paglalakad kaya naman maski ako'y napahinto rin. Nang iikot ko ang paningin ko'y sakto kaming nasa gitna ng maliit na tulay sa hardin. Sa ilalim ng tulay ay may tahimik na tubig na pinalilibutan ng mga naggagandahang baino at lotus.
"It's been three years. Akala ko'y hanggang tingin na lang ang magagawa ko noon. Now look, I can even hold you up close."
Nag-iwas ako ng paningin, hindi ko maintindihan kung bakit tila may nagliliparang paru-paro na katulad ni Ranzo sa aking tiyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/244833008-288-k757014.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...