Chapter 31: Winter Night

2.3K 130 5
                                        

Chapter 31: Winter Night

KATULAD nga ng inisip ko'y hindi na bumalik si Ezekiel, nangyari nga iyon. Ilang linggo na ang nakalipas, nagparamdam ng uulan ng niyebe ay hindi ko na naramdaman ang kaniyang presensya sa paligid. Siguro'y bumalik na s'ya sa dati niyang buhay, ako naman ay napapansin na ang kalungkutan habang nagpapatuloy sa buhay.

Hindi maaliwalas ang panahon, kahapon ay hindi gaanong sumikat ang araw hanggang sa nilamon ng lamig ang Beryllion dahil malayo na ang araw. Kaya naman nasisiguro kong ngayon, bukas o sa makalawa ay uulan na ng niyebe. Masyado na kasing malamig ang panahon, at kung hindi lang dahil sa makapal na kapa at balabal na suot ko'y manginginig na ako ng todo.

Patapos na ang hapon nang bumaba ako sa palasyo upang panuorin ang mga kapatid kong nag-eensayo. Hindi na ako nagpakita pa kay Leemar, ayokong malagay na naman sa kapahamakan ang mga kapatid ko dahil lang isinama ako sa ensayo.

Mula sa balkonaheng nakatayo sa likod na bahagi ng palasyo ay doon ako tumungo at mag-isa akong naupo. Sa halip na dumeretso sa bailey upang manuod ng ensayo ay pinili ko na lamang tumambay sa balkonahe. Sa likod ng maliit na punong nakatanim sa isang paso ay tahimik akong humalimhim. Ilang oras ako roong nanatili, sa tingin ko'y tapos na sa pag-eensayo ang aking mga kapatid at hindi ko na sila napuntahan pa dahil naaliw na ako sa balkonahe.

'This feels something that happened in the past'

Bakit pakiramdam ko'y nangyari na ito? Siguro'y wala namang gaanong mahalagang bagay. Ang nararamdaman ko lang siguro ay dahil palagi akong umiiyak dito noon, kaya naman pamilyar sa akin ang lugar. Magmula kasi nang makulong ako sa aking silid ay hindi na ako nakabalik pa sa balkonahe na ito.

Malamig na nga ang hangin, maging ang halaman ay tila basa kahit na hindi naman umulan. Giniginaw rin siguro ang mga halaman. Matiyaga kong pinagmamasdan ang pinaka maliit hanggang sa pinakamalaking halaman na nakatanim doon. Inilibot ko ang aking paningin. Sa lahat ng lugar sa palasyo, ito ang pinakagusto ko. Tahimik, payapa, mga halaman at bulaklak ang aking kasama.

"Winter snow is falling!"

Mabilis akong napabalikwas nang sumigaw ang isang elite na namamalagi sa palasyo. Ang ibang pamilya ng mga ministro ay sa palasyo nakatira, naglalaro sila ng sama-sama at ako lang talaga ang naeetsapwera.

They are all excited during winter, because they can freely play. Flying snowballs is all I could see at Winter, hearing their laughs makes me smile despite the way they treat me. They treat me as if I am invisible, as I am concealed in the corner. Nakikita nila ako, ngunit hindi nila ako pinapansin dahil ayaw nila akong makasama.

Nagsimula na ngang magsipatakan ang maliit na nyebe sa aming palasyo. Sa labas ng balkonahe ay maingat kong inilahad ang aking kamay upang saluhin ang ilang niyebe. Napapangiti na lamang ako kahit mag-isa habang silang lahat ay sama-samang sinasalubong ang unang araw at gabi ng taglamig.

There will be lighting of winter candles later. Kahit sa lungsod ay ganoon ang ginagawa ng bawat pamilya. Sa unang gabi ng taglamig, sa gitna ng pagbagsak ng mga niyebe ay sama-samang magsisindi ng kandila ang isang pamilya, o magkasintahan. Lingid sa kaalaman ng lahat ay hindi pa namin ito naranasan. Siguro'y ginagawa ito ng mga elites, ngunit ang mga Royals? Wala kaming panahon para rito.

Siguro'y nakatingin lamang sina Kate, Lirech, Andrew, Philip at Phia sa kanilang bintana habang pinapanuod ang karamihan na magsaya. Ang mag-asawang Hari at Reyna ay nasa kanilang trono o kaya'y silid na pinagtatrabahuhan upang ayusin ang mga dapat na ayusin sa kaharian. Habang ako'y walang buhay na magmamasid sa kalangitan.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon