Chapter 59: A Deceiving Technique
Nakita ko kung paano nila pinahid ang kanilang mga luha, ganoon rin ako at pagkatapos ay mabilis na nagpakawala ng isang malakas na halakhak. Muli akong kumaway sa kanila at tinungo si Ranzo na patuloy akong hinihintay. We were both standing in the air, and slowly and flew towards him. Hindi siya kumibo, hindi na siya katulad noon na palaging nag-iinitiate ng yakap. Hindi naman ako gaanong naapektuhan, ayoko na rin siyang paasahin ngunit gusto kong iparamdam sa kaniyang mahal na mahal ko rin siya... bilang kaibigan.
"Ranzo..." Nakangiti kong tawag.
He sighed and rolled his eyes, "Damn it. Magpasalamat ka hindi kita matiis, agad na nawawala ang galit ko sa mga ngiti mo."
Ngumiti ako at mabilis siyang nilipad upang yakapin. Narinig ko siyang suminghap, malamang ay nagulat siya dahil ako ang naunang yumakap sa aming dalawa, isang bagay na alam kong hindi niya kailanman inaasahan sa akin dahil noon pa man ay hindi ako clingy.
I softly caressed his back, and sooner I felt his arms wrapped around my waist as he emotionally hugged me back.
"You deserve the best, you'll find the right lady for you. I am so sorry, Ranzo..."
He tapped my back, "Please stop saying sorry. Mahal kita, Emerald... at kung saan ka masaya, masaya na rin ako para sa iyo..."
Tila piniga ang aking puso dahil sa kaniyang sinabi, mas lalo pa akong nakaramdam ng lungkot nang humigpit ang kaniyang yakap.
"I'll definitely kill him if he hurt you..." he whispered, "Kung magsawa ka sa kaniya puntahan mo lang ako sa Palasyo ng Macedon."
Napahalakhak ako at tinampal tampal ang kaniyang likod, "Hindi ka na mabibigo pa sa sunod mong pag-ibig, sinisiguro ko iyan,"
He glared daggers at me when he let go of our hug, "Tss."
I cupped his face, "Thank you for everything. Thank you for being there when I needed a companion, a friend, an adviser... I really won't be like this if you left me along my journey."
He just smiled and held my hands as he pressed it more against his face, "Anything for you, my princess. I will miss you, and I hope to see you again soonest."
I smiled, "I will miss you too, mag-iingat ka sa iyong paglalakbay. Hangad ko ang iyong kaligayahan,"
Two fairies held his arms again, "Ikaw ang kaligayahan ko..."pagbibiro niya.
Napailing-iling na lamang ako habang ngumingiti, "Really, I wish for your happiness. This time, genuine felicity."
"Tss," he reacted and waved at me before flying away, leaving our kingdom.
I will never forget you, Ranzo. You deserve the best in the world. I hope you find your happiness, because I will search for mine right now in this very kingdom. My chevalier.
Mabilis akong umikot-ikot sa ere at lumipad paakyat upang hanapin si George Ezekiel, ngunit nanlumo ako dahil hindi ko siya nahanap. I entered the parapet walk, and he wasn't their either. I traipsed the way down to the battlement, to the brattice and back to the parapet walk to seek at the bartizan. I still couldn't find him, I flew all the way to the chemise, looked at the moat, to the stockade and lists, as I slowly entered the footbridge, to the barbican straight at the drawbridge. And to summarize my journey at the entrances I flee to the machicolation. He was still nowhere to be found.
Dahil inip na inip na ako kakahanap sa kaniya ay mabilis akong lumipad patungo sa pinnacle ng aking turret. I was so strong, umaabot pa sa puntong ikinaatras ang bawat madaanan ko dahil sa lakas ng aking pakpak. Hindi parin nawawala ang paghanga sa mata ng bawat isa habang ginagamot ng mga taga Macedon, maging ang mga nilalang sa Macedon ay nagpapakita ng paghanga kapag napapalingon sa akin. And this is more than what I've asked for, I just prayed for my wings to be able, and witnessing everyone in awe makes me feel ecstatic.
Muli pa akong lumingon sa paligid ngunit hindi ko talaga siya nakita. And because I longed for my chevalier too much, I yelled his name too loud that it thundered the whole castle,
"CHEVALIER GEORGE EZEKIEL!"
Ilang beses ko pa siyang tinawag ngunit walang Ezekiel na dumating. Taka na sa aking napapalingon ang mga naroroon maging ang maharlika ngunit hindi ako huminto, wala akong pakialam sa kanila. Ang gusto ko lang ay muling makita si Ezekiel.
Napalingon ako sa aking bintana, at awtomatikong nangunot ang aking noo nang makaalala ng isang bagay. Ayaw niya paring sumulpot ha... maybe I should take the risk, I badly want to see him.
Bumaba ako sa aking bintana, ngunit pagtapak ko pa lamang ay nawalan ako ng balanse dahilan upang matumba ako at pahigang bumagsak sa ere. Napalunok ako nang marinig kong nagsigawan ang halos lahat ng naroroon kabilang na ang mga maharlika. Nangamba ako dahil baka liparin ako ng pamilya ko o kung sinumang naroroon... kapag talaga nangyari iyon ay hindi ko papansinin pa si George Ezekiel. Kapag hindi ako bumagsak sa mga bisig ni George Ezekiel, tapos na kami. Hindi ako sigurado dahil nagiging marupok ako pagdating sa kaniya.
Nakaramdam na ako ng kaba dahil kaunti na lamang ay babagsak na ako sa lupa ngunit wala akong nararamdamang presensyang paparating sa akin. Tuluyan na nga akong nangamba, at tahimik akong nagbilang sa aking isip dahil sa loob ng tatlong segundong wala pa si Ezekiel ay pwersahan akong lilipad kahit na mabigla pa ang aking mga pakpak.
1...
"Emerald!"
2...
"Princess Emerald!"
"Damn!"
Mabilis akong napamulat nang agawin ako ng parehong bisig sa ere, at nang lingunin ko ang nilalang na iyon ay agad akong napaluha nang mapagtantong walang iba iyon kundi ang lalaking matagal ko nang hinihintay. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingala at mabilis na lumilipad habang karga-karga ako.
"Napakatigas talaga ng ulo mo, sinabi ko naman sa'yong huwag na huwag mo nang gagawin iyon!" Matalim niyang saad sa akin.
Napangiti ako at napakapit sa kaniyang leeg, "Iyon lang ang alam kong paraan para lumapit sa akin..."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasíaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...