Chapter 62: Deserving Ruler
EVERYONE was looking good and aesthetic. I am on my emerald green dress and everyone seemed to look at me. Hindi ako sanay na maging sentro ng atensyon, lumaki akong walang lumilingon sa akin. Lumaki akong sa mga kapatid ko ang paghanga ng lahat, kaya naman hindi ako makakilos ng maayos dahil ang mga mata ng karamihan ay nasa akin.
"You look gorgeous, Emerald." Puri ni Philip sa akin. He's wearing his prince attire as well, at kung wala lang akong iniibig ay si Philip ang pinakaguwapo sa Coronation ball ngayon.
"You too, Philip." Nakangiti kong bati, "Aligaga ata."
"I think I saw someone," Kunot-noo niyang saad, "No, I saw her."
Napangisi ako, "Well then, go and get her, Prince Philip, before someone else does."
"I shall build barriers around her then."
Mas lalong lumawak ang ngiti ko at pumapalakpak pa habang pinapanood ang paglayo ni Philip.
"You look gorgeous, Emerald."
"No, she looks perfect."
Napalingon ako sa dalawang babaeng lumapit sa akin. Napatawa ako.
"Mas maganda kayo, Lirech, Phia."
Humalakhak naman sila, "I'll see you later, maraming cute dito eh." Kumikindat na paalam ni Phia.
"I don't care about the boys, I want some rest." Natatawa namang saad ni Lirech.
"EMERALD!"
Napalingon naman ako sa tinig ni Kate, kahit kailan talaga ay hyper ang isang 'to.
"Kalmahan mo, Kate. Naririnig ka niya," natatawang komento ni Lirech.
"You look gorgeous, Lirech." Puri ni Kate.
"You too little sister, enjoy the night."
"Thanks, I will." Magiliw na sagot ni Kate at dumeretso sa akin, "How you doing, gorgeous sunshine?"
"I'm doing fine, how about you? Dazzling moonlight?"
"Moonlight? Seriously?" Natatawa niyang saad at yumakap sa akin, "I'm so excited, atlast, Andrew will wear the crown."
"Malay mo ikaw, diba?" Pagbibiro ko.
"Malay nating lahat, ipasa ni Andrew kay Philip." Agad namang sagot ni Kate.
Naghintay pa kami ng ilang sandali. Nasisiguro kong kasama na sa mga Chevalier na nagbabantay si Ezekiel, at mamaya ko pa siya makakausap pagkatapos ng Coronation.
Nakakatuwa naman at natanggap kaagad siya ng mga kapatid ko, maliban na lamang sa mahal na Hari at Reyna na sa tingin ko'y wala pang alam na may relasyon ako sa pinakamataas na ranggo ng mga Chevalier. Kinakabahan rin ako at natatakot, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga magulang ko lalo ng aking Amang Hari.
We have waited for few minutes before the master of ceremony spoke.
"Ladies and Gentlemen, we shall hear Prince Andrew for his speech."
Lahat naman kami ay napatayo at pumalakpak nang lumabas si Andrew sa hagdan. Magaan at nakangiti niyang kinuha ang Korona na siyang nagpalito sa amin. Maging ang Hari at Reyna ay nalito sa ginawa ni Andrew. Kinuha niya ang Korona sa lalagyan nito atsaka hinawakan iyon habang nagsasalita siya.
"Good evening, ladies and gentlemen."
Magiliw at nalilito naman kaming sumagot, "Good evening, Prince Andrew."
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasíaSince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...