Chapter 38: The Prince of Macedon
SA kalagitnaan ng aming byahe ay nagpapalitan lamang si Andrew sa pinakalikod at ang Prinsesa ng Macedon kapag nag-uusap. Kami naman ay tahimik lamang, animo'y nahihiya parin. Napapagitnaan si Andrew nina Lirech at Sophia, habang ako naman ang nasa gitna nina Philip at Kate. Nakakamanghang parang wala lamang kami kapag nag-uusap ang dalawa. Ganito ba ang mga panganay, o sadyang nagkakaintindihan lamang sila ng sobra?
"Did you had any trouble coming here?" Biglang tanong ni Andrew.
Magiliw namang lumingon ang mga Maharlika ng Macedon sa amin nang nakangiti.
"I am glad we didn't had any troubles. It was fun coming here and joining you all." Sagot ng babae, "I am afraid it's very unusual if we don't introduce ourselves. We are already here, let's be all in good terms."
"Right, right." Sagot naman ni Lirech habang kaming tatlo nina Philip at Kate ay nanatiling tahimik.
"I am Odessey, the eldest. Ranzo, next to me..." Saad ng babae at tinukoy ang lalaking nag-abot sa amin ng kaniyang kamay kanina, "Everett, Evytte, Thesauri, Althea, and Thystus."
"You all look, wonderful." Hindi mapigilang puri ni Andrew.
Princess Odessey smiled, "Thank you, and you all look brilliantly pure."
"Not really that pure." Natatawang ani Andrew, "I am Andrew by the way, the first born. Next to me is Lirech, and then Philip, Sophia, Emerald and Kate." Pagpapakilala ni Andrew habang itinuturo kami.
"I hope we can all be good friends," Ani Prinsesa Odessey.
"We will be." Nakangiting sagot ni Andrew.
Tahimik akong napangiti. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang kalakas ang pakiramdam ko sa mga nilalang na nagkakaintindihan. Gayunpaman ay agad na napawi ang ngiti ko dahil sa hiya nang mahuling nakatingin sa akin si Ranzo.
Matapos ang pagpapakilala ay naging tahimik na naman kami sa aming biyahe patungo sa Akademos. Hindi ko masisisi si Philip kung buong byahe siyang busangot, dahil maging ako'y gusto ko ring bumusangot nang tuluyang nawala ang kaharian sa aming paningin. Ibig sabihin lamang ay nakalayo na kami sa Beryllion.
Biglang nanubig ang mga mata ko, at alam kong hindi lamang ang aming pag-alis sa palasyo ang dahilan. Hindi lamang dahil hindi ko nakita ang aming mga magulang, kundi dahil nag-aalala rin ako kay Ezekiel. Umuusbong talaga ang pag-aalala sa akin dahil ilang araw ko siyang hindi naramdaman. Hindi ko alam kung kinalimutan niya na ba ako, o sadyang wala na siyang pakialam sa akin.
I should not think about him. I should stop thinking about him now. This is where I am supposed to be, Ezekiel and I just met for short time purposes. This is what I want, to leave and explore. I can't be puzzled by a man whom I just met.
***
NAGPATULOY nga ang aming biyahe. At inabot kami ng tatlong araw bago kami nakarating sa Fliodale, ang kinaroroonan ng Akademos. Mabuti na lamang at handang-handa ang mga Maharlika ng Macedon, hindi sila nauubusan ng supply kapag nagpapahinga kami ng ilang sandali. Nakakamanghang nagpatuloy-tuloy ang mga kabayo na animo'y hindi nakakaramdam ng pagod.
Dahil na rin sa mga paghintong ginagawa namin ay nagiging close kami sa isa't isa.
"Are you all right?" Si Andrew ang magtatanong sa lahat, siya ang nagsilbing tagasiguro kung nasa maayos kaming kalagayan.
"Yes, we are fine." Si Prinsesa Odessey naman ang tagasagot sa panig ng mga maharlika ng Macedon, "We have loads of food, you can pick anything you want."
"Thank you."
Doon ko nakita kung gaano kasanay ang mga kapatid ko sa ganitong pamumuhay. Dahil nag ensayo sila para rito. Wala akong nakitang pag-aalala sa mukha nina Andrew at Philip, animo'y handang-handa sila sa anumang bagay o anumang nilalang na aatake sa amin.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...
