Chapter 35: Port Forth Leaves
MATAPOS ang pag-uusap naming iyon ni Philip ay hindi na ako mapakali. Hindi ko lubos maisip na kayang pasukin ni Ezekiel ang bagay na ikinasawi ng kaniyang Ama. Kung ako siguro iyon ay matatakot na ako o matatrauma, samantalang si Ezekiel ay nagiging pursigido lalo sa pagpasok bilang Chevalier. Siguro'y natatakot si Aubrey para sa kaniyang kapatid. Isang nakakatakot na trabaho ang pagiging Chevalier lalo pa't hindi basta-basta ang aming mga kaaway.
Chevaliers are the frontliners during severe wars. They are the one's who defend the Monarchs, the Kingdom, depending on the task bestowed upon them. Marami na akong na encounter na Chevaliers na sumasabak sa laban, at ilan lamang sa kanila ang umuuwing buhay. Hindi ko alam kung bakit noon pa man ay natatakot na ako sa mga Chevaliers dahil sa kanilang trabaho, ngayon ay mas lalong nadagdagan ang pag-aalala ko dahil sa balak ng isang mahalagang persona sa aking buhay.
I gasped reminiscing something or should I say someone, "C—chevalier Grock..." That Chevalier who got devastated by the buzzards! Oh God, huwag naman sanang matulad doon si Ezekiel!
Hindi naman sa wala akong tiwala kay Ezekiel, alam kong kayang-kaya niyang gampanan ang gawain ng isang magiting na Chevalier. Natatakot lang akong matulad siya sa napakaraming mandirigmang hindi na nakauwi ng buhay. Kung ako nga ay nag-aalala, paano pa kaya si Aubrey sa kuya niya?
Nahinto ang pagmumuni-muni ko sa aking silid nang kumatok at pumasok si Redrose.
"Magandang umaga po, kamahalan," aniya at yumuko sa akin.
Umalis ako sa bintana at lumapit sa dalagang katulong.
"Hi." Nakangiti kong bati. Hindi pa rin kami nagkakausap ni Redrose katulad nang sinabi ko sa kaniya, sumasakto kasing wala ako sa mood. Pero siguro'y magkakausap rin kami.
"Pinapatawag po kayo ng inyong Amang Hari."
Tumaas ang kilay ko. Hindi ako makapaniwala, bagong-bago ito. Ni minsan ay hindi pa ako pinatawag ng aking Ama kaya naman nagtataka talaga ako. Sa kabilang dako ay kinakabahan rin dahil baka may nagawa akong mali na nalaman nila na hindi ko alam, o kaya'y may naibintang sa akin na hindi ko naman ginawa.
"Ba-bakit daw?"
Umiling si Redrose, "Hindi ko po alam. Magmadali po kayo, naroroon din ang inyong mga kapatid."
"Saan daw?"
"Sa opisina po ng inyong mga magulang."
Napabuntong hininga ako at ngumiti kay Redrose, "Susunod ako."
Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang muling yumuko sa akin at lumabas sa aking silid. Mabilis akong nag-ayos sa aking sarili, kahit papaano'y gusto kong magmukhang kaaya-aya sa harap ng mga kapwa ko Maharlika. Hindi na nga ako kasing-galing na tulad nila, hindi pa kasing-ganda? Ang anyo ko na lamang ang isa sa mga maipagmamalaki ko at kailanman ay hindi ko ikakahiya.
I just picked my emerald green hoop skirt, emerald green fitted shirt with no sleeves and emerald green cloak. Just like my name, I have loved bright green colors for I think it fits me well.
Matunog ang nagagawa ng berde kong sandalyas habang tinatahak ang ground floor ng aming Palasyo. Bawat madaanan ko'y napapalingon sa akin, siguro'y nagtataka sa ayos ko. Bihira lang kasi nila akong makitang nakasuot ng may kulay na damit, palagi na lang puti. Kaya naman hindi ko rin maiwasang mapangiti sa mga paghangang aking nakikita. Alam kong hindi sila kontento sa kakayahan ko, ngunit hindi naman pahuhuli ang hitsura ko.
Nagmadali akong pumunta sa opisina ng aking mga magulang sa palasyo. Pagkarating ko nga doo'y naroon na ang aking mga kapatid, animo'y may pinag-uusapan na mahalaga at huli na nga talaga akong dumating. Lahat sila'y napalingon sa akin, bahagya akong nanghina sa mga tingin na ipinapakita nila sa akin. Ang iba'y paghanga, ngunit ang iba'y pagkainis dahil huli na naman ako.
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...