Chapter 39: Forgetting Him
NAGING tahimik ang paghabol namin ni Ranzo sa iba pa naming kasamahan. Nasa gate na nga ng Akademos ang karamihan nang maabutan namin, at talagang kami na lamang ang hinihintay. May kung anong kakaiba akong nasilayan sa ngiti ng mga maharlika ng Macedon habang paparating kami. Animo'y may ibig sabihin, at nang lingunin ko si Ranzo ay ngumiti lamang ito sa akin bago nag-iwas ng paningin.
"Ang tagal niyo?" Kunot noo na tanong ni Phia.
"Sorry, it's all my fault." Agad na tugon ni Ranzo.
Lahat kami'y napalingon sa kaniya, lalo na ako na wari'y nagtatanong kung bakit niya iyon inako ng ganoon lamang.
"Tara na." Sa halip ay sagot ni Phia at nauna nang tumapat sa gate ng Akademos. Awtomatiko iyong bumukas, pagkatapos ay mabilis kaming sumunod pagpasok niya.
Ganoon na lamang ang hiyang nararamdaman ko sa tuwing nagtatama ang paningin namin ni Ranzo. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ang pagsulyap niya at lalong hindi ko maintindihan kung bakit tila awtomatiko rin akong napapalingon sa kaniya. Tuloy ay hindi kami magkadikit habang binabaybay ang hardin patungo sa malaking Akademya.
Bawat madaanan namin ay talagang kahanga-hanga, kaya naman hindi ko maiwasan ang literal na mapanganga.
"I have heard a lot about Akademos, I never thought it would be this awesome." Bulong na puri ni Kate na biglang bumagal at sumabay sa akin, "I've roamed around Beryllion, and so far this is the most beautiful place for me aside from my home."
"Maganda nga." Bulong ko.
"Ito rin ba ang pinakamagandang lugar para saiyo, Emerald?" Biglang tanong ni Philip nang marinig akong sumagot.
Malamya ko siyang tinitigan, "Hindi."
"Alin pala?" Kuryuso naman na tanong ni Kate.
"I don't know."
"Seriously?" Kunot noong tanong ni Philip at idineretso ang paningin sa unahan.
"Bakit ikaw, Philip?" Tanong ni Kate.
"Terrace." Mahinang sagot ng aking nagmamahal na kapatid.
Tahimik akong napangiti, hindi ko alam kung bakit ako natutuwa kay Philip. Siguro'y dahil unang beses niya itong naramdaman kaya naman ganito na lamang kalakas. Tuloy ay bigla akong nalungkot dahil pumasok na naman sa aking isipan si Ezekiel. Hindi ko maiwasang mag-isip kung ako lang ba talaga ang may nararamdaman sa aming dalawa, gayong hindi pa malinaw ang nararamdaman. Siguro'y nabigla rin lang ako dahil bigla siyang lumitaw sa silid ko, at simula noon ay nasanay ako sa bagong sistemang ipinapakita niya sa akin. Kaya siguro'y ganoon na lamang ang paghanap ko ng kaniya presensya. Siguro'y ganoon nga.
"Terrace?" Paniniguro ni Kate, "There's nothing special in there."
"There is, Kate. 'Wag mo akong kontrahin."
Tuluyan na akong napalingon sa aming likuran. Saka ko napagtantong masyado na kaming malayo sa Beryllion, masyado na akong malayo kay Ezekiel. Ni ga hibla ng kaniyang anino at presensya ay hindi ko man lamang nakita at naramdaman bago ako tuluyang lumisan.
Ako lang ba ang nakakaisip sa aming dalawa ngayon? Ako lang ba ang nag-iisip sa kaniya? Ni minsan ba sa mga oras na ito'y iniisip niya rin ako?
BINABASA MO ANG
Her Wings (PSS, #2) ✔️
FantasySince her independence had been taken away from her, Emerald believed she would never be able to touch the outside earth of their palace. Not until one day, when a handsome stranger appeared at her window, blowing and mucking up her head and heart. ...