Chapter 54: Choosing Between

1.5K 101 1
                                    

Chapter 54: Choosing Between

I furrowed when I saw Irithel's eyes blinked, tila ba kinakausap niya ako sa pamamagitan ng titig ngunit hindi ko siya maunawaan. Gayunpaman ay naiintindihan ko ang pahiwatig ng kaniyang mga ngisi. Tila ipinapamukha nitong nanalo na siya sa paggulo pa lamang sa kaharian ng Beryllion.

I silently glanced at our people, blood scattered everywhere. There are tore, broken bodies, fragmented wings and lifeless winged-creatures. Noon ay mga anghel sila sa aking paningin, napakalinis, napakagaganda, ngayon ay hindi ko na maipaliwanag ang hitsura ng bawat isa.

Ang lahat ay nahihirapan at ramdam ko ang pagsakit ng bawat isa, gayunpaman, kahit gaano ako naaawa ay wala akong magagawa. After all, what they have said to me was true. I am useless, since I cannot fly. Ang pakpak namin ang nagiging lakas at kanlungan namin sa anumang hamon ng buhay, ito ang nagsisilbing sandigan sa oras ng pangangailangan. We feel safe with our wings, and we are beyond our limits once we fly. Ngunit ang lahat ng aking nabanggit ay hindi ko naramdaman, dahil simula pa lamang ay hindi ko na naranasan kung paano ang lumipad.

Muli kong naituon ang aking paningin kay Irithel na ngayon ay mas malawak na ang ngisi dahil sa reaksyon ko.

"Emerald!"

Napalingon ako kay Ezekiel na hindi maipaliwanag ang hitsura habang papunta sa akin. Nanlambot ang aking puso, bigla ay gusto ko siyang yakapin. At hindi nga ako nagdalawang isip na tumungtong sa aking bintana. Nangunot ang kaniyang noo, tila ba hindi makapaniwala sa gagawin ko. Matamis akong ngumiti at muling lumingon sa mga buzzards na patungo sa akin.

Kung hindi ko gagawin ang plano ko'y mas lalo akong mapapahamak dahil maaabutan ako ni Irithel, ngunit kung magpapatuloy ako... alam kong hindi ako pababayaan ni George Ezekiel, alam ko iyon.

"What are you doing? Emerald?!" Galit na sigaw ni Ezekiel.

Ngunit itinuloy ko ang aking plano. Humakbang ako sa aking bintana, nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa wala na akong naapakan. Mabilis akong inagaw ng hangin, at ngayon nga'y bumubulusok ako pababa.

"NO!" I heard Ranzo yelled. Bakas sa tinig niya ang pag-aalala dahil wala siyang maitutulong sa aking pagbagsak sapagkat mahina na rin siyang lubos. Kung liliparin niya ako'y hindi niya na ako maaabutan.

I closed my eyes as I reminisced George Ezekiel's words on me back when we were kids, "Bakit hindi mo talunin ang bintanang ito?"

Napangiti ako sa ala-alang iyon. Well, I just did. I jumped off my window...and now I am falling, hoping that someone would catch since I cannot open my wings to fly. Sinubukan kong isipin na bumukas ang aking pakpak, ilang sigawan pa ang aking narinig dahil ako'y pabagsak na ngunit hindi ko parin nabubuksan ang aking pakpak.

Until a pair of arms was suddenly pressed against my back. Inagaw ako nito sa hangin, mabilis at nanlalaki ang aking mga aking mata habang pinagmamasdan ang lalaking sumalo sa akin.

"George Ezekiel..." I whispered his name. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapangiti. Malamang ay nagtataka siya kung bakit nakangiti pa ako kahit na halos mag suicide na ako ilang segundo ang nakakalipas. Ngunit awtomatiko na ang ngiti ko dahil hindi ako nabigo, sinalo niya ako.

Kunot-noo itong lumingon sa akin saka ako muling tahimik na napangiti nang umigting ang kaniyang panga, "Don't ever do that again, Emerald, as in never."

Mahigpit kong ikinapit ang aking mga kamay sa kaniyang balikat at tinitigan siya ng mariin habang narararamdaman kong bumababa kami, "Well, I knew you'd catch me, so..."

Mas lalong nangunot ang kaniyang noo. He gritted his teeth hard as his jaw clenched. Muling namuo ang luha sa aking mga mata at mabilis na nanlambot ang aking puso.

"You'd protect me, right? You said you would be a chevalier to protect me..." I whispered and cupped his face as I slowly fondled them. I never had the chance to say good bye to him before he left. I never had the chance to touch his face, to caress every inch of him, to feel his warm embrace. The moment was perilous, but it became magical the moment he leaned his face on my palms to feel my caress even more.

Gone was the irritation and jealousy I felt earlier. I want to be selfish from that moment. Wala akong pakialam kay Phia, gusto kong manatili sa mga bisig ni Ezekiel.

"Always, my precious... I will always protect you, and has always been..."

"What? What do you mean?"

Ang noo ko naman ang nangunot dahil sa kaniyang sinabi. Ngunit hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataong marinig ang kaniyang sagot nang marahan niya akong ibinaba. Mabilis siyang lumayo sa akin nang bumagsak sa aking likuran ang kaniyang paningin.

"Thank God you're safe, Emerald." Ani Ranzo at inabot ako. "Sana'y mali ako ngunit ikaw ang nakita ko nang gabing iyon sa hardin." Mabigat na tukoy niya kay Ezekiel.

Napasinghap ako, "Ano?"

"When I confessed to you, I saw his features. Akala ko'y namamalikmata lang ako kanina, pero siya talaga iyon. Nakumpirma kong siya iyon dahil isa siyang Chevalier. As far as I remember a chevalier of Beryllion went to Akademos that time. It was him."

George Ezekiel was there? At the Akademos? He saw us? Kaya ba ganoon na lamang ang kabang naramdaman ko noon at naisip kong hindi basta-basta ang nakakita sa amin dahil si George Ezekiel iyon?

"It was me, I was there and I was not completely shocked with what I saw." Ezekiel answered, mocking.

Nagtataka akong lumingon kay Ezekiel na agad na lumipad palayo nang magtama ang aming paningin. Pakiramdam ko'y mas lalong nadagdagan ang bigat ng aking puso. Nasasaktan ako sa kaisipang nasasaktan si Ezekiel. Kung naroon nga siya nang umamin sa akin si Ranzo ay mali na naman ang kaniyang interpretasyon. I didn't accept Ranzo's love because of him.

Freaking misunderstanding!

I furrowed and reached for George Ezekiel's hands before Ranzo hugged me, but he instantly flew away and battled against the buzzards again.

"Are you okay?" Tanong ni Ranzo.

Humigpit ang kaniyang yakap sa akin, ginantihan ko siya ng mabilis na yakap pagkatapos ay kumawala. Muli kong nilingon ang aking chevalier, at habang pinapanuod si Ezekiel sa laban ay nabuo na ang aking desisyon at hindi ko siya pababayaan.

Muli akong lumingon kay Ranzo, na tila nalilito sa akin at sa chevalier na nagligtas sa akin.

"What is the meaning of this?" He asked.

I gently cupped his face, "Please, stay safe. You deserve the best in the world..."

Hinuli niya ang aking mga kamay atsaka taka akong hinapit patungo sa kaniya, "Ano ito? Emerald?"

"Please... ayoko siyang pabayaan, hindi ko kayang pabayaan sa laban ang Chevalier na iyon. Go somewhere safe, have some rest, and please stay safe. Pupuntahan ko siya..."

"Emerald, no!"

Ngumiti ako muling hinaplos ag kaniyang pisngi, "I know what I am doing, Ranzo. And besides, hindi niya ako pababayaan."

Halos pumiyok na ako nang sabihin ko iyon. I planted a kiss on Ranzo's forehead, it was a goodbye kiss, then he finally set me free. I saw pain in his eyes, ito na nga ba ang ayaw kong mangyari, ayaw kong masaktan si Ranzo, ngunit ayaw ko ring masaktan si Ezekiel. At bago pa lumalala ang sakitan ay pumili na ako...hindi...sa simula pa lamang ay may pinili na ako.

Hindi siya nagsalita, pinanuod niya lamang akong kumaway sa kaniya habang tumatakbo palayo, patungo kay Ezekiel. Nang lingunin ko si Ezekiel ay nakita ko ang sakit at selos sa kaniyang mga mata. I sighed when he leveled up his altitude. He got the wrong idea again, ngunit kahit na anupaman ang isipin niya'y hindi ko na siya papakawalan. Hindi ko siya pababayaan.

I paved the way to the covered parapet walk, and when I reached his altitude, I called his beautiful name.

"CHEVALIER GEORGE EZEKIEL!"

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon