Chapter 53: The War

1.6K 107 1
                                    

Chapter 53: The War

MASYADO nang magulo ang paligid, pawis na pawis na rin si Ranzo habang tinatahak namin ang tuktok ng aking silid. Napakataas niyon, karga pa ako ni Ranzo kaya nararamdaman ko ang pagod niya. He flew from Macedon to Beryllion, masyado iyong malayo at nakakapagod.

"I have heard about Irithel's plan, humingi rin ng tulong ang iyong Ama noong nakaraang araw sa aming kaharian kaya nang malaman ko'y agad akong nagpunta rito," Ani Ranzo. "Sumakay ako sa pinakamabilis na kabayo para huwag magamit ang enerhiya ko ngunit naharang ako malapit sa palasyo. Lumipad nalang ako, at mabuti naman dahil maayos ka."

"Ang kaharian ninyo? Paano ang kaharian ninyo?" Problemado ko ring tanong.

"We have received threats, but the Kingdom is still safe. Walang digmaan roon, at ang nasa delikadong sitwasyon ngayon ay kayo."

Ngumiti ako at hinawakan ang kaniyang pisngi, "Ramdam ko ngang pagod na pagod ka pa, maraming salamat."

He smiled back while I caressed his face, "Anything for you my Emerald, anything my princess..."

Ilang sandali pa'y napasigaw ako dahil isang buzzard ang bumulusok patungo sa amin. Ranzo slid and rolled through the wind on the other side, dumeretso pabagsak iyong buzzard. Dinig na dinig ko ang malakas at mabilis na pagtibok ng puso ni Ranzo, nakaramdam ako ng kaba at pangamba dahil bumibigat na rin ang kaniyang hininga.

"Ranzo..."

Ranzo glanced at me, "Don't mind me, Emerald. Ihahatid kita sa Turret, hindi kita pababayaan."

Nanlaki ang mga mata ko nang isang palaso ang bumulusok patungo sa amin at tatamaan niyon si Ranzo, "RANZO! PRINCE!"

Huli na nang makaiwas si Ranzo, tinamaan siya sa balikat. Kaya naman napasigaw ako nang bahagya akong mabitawan ni Ranzo, nakaagaw kami ng atensyon at dahil doon ay mas lalo kaming kinabahan. Nasa amin na ang atensyon ng karamihan sa mga buzzards, ang ipinangangamba ko pa'y may sugat na si Ranzo.

"Ranzo..."

"Trust me, I am fine,"

Napaluha ako at itinuro ang kaniyang dumudugong balikat, "Dumudugo... malaki ang tama, prinsipe..." Muli akong napatili nang dalawa pang buzzard ang pasugod patungo sa amin. Malakas na napamura si Ranzo, tuluyan na siyang nalito sa kaniyang gagawin. Ngunit sa halip na umiwas ay dumeretso siya patungo sa aking Turret.

Unti-unting lumapit sa amin ang mga buzzard, at nagsipatakan na ang aking mga luha dahil grupo na ang pabulusok tungo sa amin. Mabibilis, nanggigil, at nasa akin ang paningin. Dahil sa takot ay ibinaon ko ang aking mukha sa dibdib ni Ranzo, wala na akong ibang naisip kundi ang magtiwala sa prinsipeng may hawak sa akin. Alam kong hindi niya ako pababayaan.

Naghintay pa ako ng ilang sandali, ngunit nagtaka ako nang walang bumagsak sa amin ni isang armas ng mga kaaway. Maging si Ranzo ay nagtaka rin, bahagya siyang bumagal upang tingnan kung ano ang nangyari.

We were both shocked because we saw a mighty chevalier slaying every buzzard going against our way... George Ezekiel was there. Matalim ang kaniyang tingin sa amin nang bahagya niya kaming lingunin, ngunit agad ring naituon sa mga kaaway ang kaniyang atensyon.

Sinamantala iyon ni Ranzo upang iakyat ako. Hindi nawala kay Ezekiel ang aking paningin hanggang sa hindi ko na siya kayang lingunin pa dahil patuloy kami sa pagtaas, nababali na ang leeg ko kakatingin sa kaniya sa ibaba.

Nakarating kami sa bintana ng aking Turret, maingat akong itinayo doon ni Ranzo.

"Maraming salamat," nakangiti kong saad.

Ngumiti sa akin si Ranzo at mabilis akong hinatak para sa isang yakap, "Just a hug, my princess..."

Naluha ako, hindi ko alam kung bakit, ngunit ayaw kong masaktan si Ranzo dahil lamang sa ibang lalaki ang nasa aking isipan habang yakap niya ako. Dumako ang aking paningin sa magiting na chevalier na nakikipagsapalaran sa ibaba, nang umangat ang kaniyang paningin ay nakita ko ang sakit sa kaniyang emosyon, sa kaniyang mukha.

Her Wings (PSS, #2) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon