Kabanata 55 | Unedited
"I want the two of you to join me going to hell." aniya habang itinutok niya sa aming direksyon ang kanyang baril.
Akala ko magiging okay na ang lahat. Akala ko tuluyan ko nang makamdam ang kapayapaan. I do not want to die, at mas lalong ayaw ko pang mamatay si Wrum.
Hindi kami maaaring mamatay sa pagkakataong ito.
Hindi maari. Alam kong kahit anong segundo ay ipuputok na ni Don Guillermo ang kanyang baril sa aming direksyon. Diyos ko. Maawa ka sa amin.
Ipinutok na ni Don Guillermo ang kanyang baril sa aming direksyon at agad na tumalikod si Wrum. Ang kanyang likuran ang natamaan ng bala ngunit nakita ko pa rin itong ngumiti kahit na nabaril na ito.
"It's okay." sabi niya at agad niya akong ibinaba saka agad niyang binunot ang kanyang baril sa kanyang gilid. "Hindi ka mamatay. Hindi ko hahayaang ikaw ang mamamatay dito." muling sambit ni Wrum sa akin.
Unti-unting nanghina si Wrum hanggang sa tuluyan na kaming dalawang lumagapak sa sahig. Sabay ding nalaglag ang baril ni Wrum sa sahig.
"Bagay lang 'yan sayong demonyo ka! Isa kang taksil at kailan ma'y hindi na kita ituturing na anak ko!" sigaw ni Don Guillermo. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya sa ngayon. Ang akin lang sa ngayon ay tuluyan na kaming makatakas at makapunta sa hospital.
Maraming dugo ang lumalabas mula sa likuran ni Wrum. Natatakot na ako kapag hindi pa kami tuluyang makalabas dito. Hindi ko maiwasang maiyak na pinagmasdan itong ngumingiti.
"Be brave. I'll do everything to protect you even if it's killing me." said Wrum. Pinilit niyang itayo ang kanyang sarili ngunit hindi niya magawa. Patuloy lang itong umiinda sa matinding sakit na nararamdaman.
Iyak ang tanging nagawa ko. Wala na akong lakas. Hindi na nga ako masyadong nakakalakad nang maayos.
"Hindi ka mamamatay. Walang mamamatay sa atin dito." kahit na nawawalan na ako ng pag-asa, patuloy kong pinatatag ang aking sarili. "Makakalabas tayo ng buhay dito at kung may mamatay man, si Don Guillermo ito." dugtong ko.
Sinamaan ko nang tingin si Don Guillermo habang patuloy itong naglakad palapit sa aming kinaroonan dala niya ang kanyang baril. Hindi na ito makakalakad pa nang maayos.
"What a sweet moments." said Don Guillermo. "Bid a goodbye to Wrum." dugtong nito.
Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na tinadyakan niya si Wrum hudyat para ako ay sumigaw sa kanya na itigil niya ito ngunit hindi siya nakinig sa akin. Hindi pa siya nakuntento, sinakal pa niya si Wrum sa mukha hudyat para tuluyang may dugong lumabas sa kanyang labi.
Nagawa pang itinulak ni Wrum ang kanyang ama sa sahig.
"Ikaw ang mamatay dito!" nanghihinang sigaw ni Wrum.
"Then, isasama kita!"
"Isama mo ang utot mo!"
"Tama na 'yan! Itigil niyo na 'yan!" sigaw ko. "Mag-ama kayo at hindi kayo karapat dapat na mag-aaway dito!"
Walang nakinig sa sigaw ko. Patuloy lang sa pagsuntok si Don Guillermo kay Wrum.
I'm useless.
Stupid.
I do not want to be a useless person crying and watching them fighting. Kailangan kong maghanap ng paraan para matigil na nila ang kaguluhang ito. Unang nakita ko ang baril na nasa sahig hindi kalayuan sa akin.
Hindi ko kayang pumatay ng isang tao. Kahit na pusa, wala akong kakayahang pumatay. Killing someone is a sin in the name of the law. I am afraid to take the consequences of it so I can't do it.
Ginawa ko na ang lahat para pigilan sila. Patuloy lang silang nag-aaway. Si Wrum ang nasa ilalim habang siya ang pumangibabaw. Nakahiga si Wrum sa sahig samantalang si Don Guillermo ay nakaluhod. Pumapagitna sa hita ni Wrum. Dahil wala na akong ibang magawa, kinagat ko ang braso ni Don Guillermo para alisin ang kamay nito sa leeg ni Wrum ngunit hindi ito natinag sa aking kagat. Sinampal lang niya ako at itinulak hudyat para tuluyang mahiga ako sa sahig.
"Aray!"
"Papatayin na talaga kita!" sa puntong ito, sila ay nag-aagawan ng baril. Kahit saan-saan nila ito itinuturo. Natatakot akong matamaan nito.
Bumuntong-hininga ako. "I need to do this." pinunasan ko ang luhang dumadaloy sa aking mata. Unti-unti akong gumapang para kunin ang baril hindi kalayuan sa akin. Nakuha ko ang baril nang hindi nila ako namamalayan.
"I do not want you be to my father!"
"At sa tingin mo ba gusto kitang maging anak ko? Hindi! Sana ipinutok nalang kita sa kama!"
Unang pagkakataon ko itong humawak ng baril. Akala ko magaan lang ito ngunit hindi pala. Unti-unti ko na itong inangat at itinutok ito sa wari ni Don Guillermo.
Hindi ko magawang iputok ito kaagad sapagkat natatakot akong si Wrum ang matamaan. Masyado silang malikot.
"Papatayin na kita!" sigaw ni Don Guillermo. Itinutok na niya ang kanyang baril kay Wrum at tila ba kakalabitin na niya ito kaya nataranta na ako bigla.
"Ikaw ang dapat na mamatay Don Guillermo!" malakas na sigaw ko. Kinalabit ko ng isang beses ang baril saka agad itong pumutok sa wari ni Don Guillermo. Unti-unti siyang napabaling sa akin at ilang sandali pa ay agad na itong napahiga sa sahig. Wala na itong malay.
Itinapon ko agad ang baril. Gumapang ako palapit kay Wrum.
"Tulong!" sigaw ko. Alam kong may mga tauhan si Wrum na nandito. "Wim! Xander! Tulungan niyo si Wrum!" nilakasan ko ito para marinig ito nila.
"You save me." nanghihina itong sambit. "Thank you."
"H'wag mong ipikit ang mata mo." sambit ko. Natatakot akong ipikit niya ang kanyang mata. "H'wag mo muna akong iwan."
"I won't leave you. Mamahalin pa kita. Papakasalan pa kita." he said. "I love you so much."
Niyakap ko lang siya. "Kailangan ka nang pumunta sa hospital." ani ko. "Maraming dugo ang lumalabas sa katawan mo at natatakot akong maubusan ka ng dugo." may pangamba kong sambit sa kanya.
Hindi na ito sumagot sa akin. Napaayos ako ng upo at pinagmasdan siya. "Wrum!" ginising ko siya. "Wrum!" muli kong sigaw nang hindi ko na nakikitang gumalaw ito.
"Silic! Wrum!" boses iyon ni Xander ang aking narinig. "What the hell! Anong nangyari?!"
"Kailangan na nating madala sa hospital si Wrum sa hospital!" sigaw ko sa kanya. "Mamaya ko na sasabihin ito."
"Okay-okay!" natataranta niya ring sambit.
Tinawag niya ang iba niyang kasamahan. Tinulungan nilang madala si Wrum sa loob ng sasakyan habang inalalayan naman ako ng isang tauhan na makalabas dito. Tinulungan rin nila si Don Guillermo. Dadalhin din nila sa hospital baka tuluyan pa nila itong maagapan.
Hindi ko mapigilan ang maiyak. Okay na sa akin ang natamong panghihina ng katawan at sakit na naramdaman kumpara kay Wrum na grabe ang kanyang natamo.
The war has officially end. Hindi ko rin gusto na pati buhay ni Wrum ay matatapos dito. Hindi ito maari.
I know he can survive. He will survive.
__________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...