Kabanata 36
Unedited. You may encounter typos and grammatical errrors. Hoping for your kind consideration.
__________________________________________________________________
"Go back to your room." iyon ang bungad na sabi sa akin ni Wrum noong bumaba ako ng hagdan. Hindi ko naman alam kung bakit 'yon ang bumungad sa akin.
Pinagmasdan ko lang ang kanyang mukha. May seryoso itong tingin sa akin na tila ba may halong pag-aalala. Umagang-umaga, iyon agad ang bumungad sa akin. Hindi kaya niya ako gustong makita dito?
"I said go back to your room." mahinahon ngunit may galit itong tono.
"What?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. "Akala ko pa pinapababa mo na ako dahil kakain na tayo diba? Pinapunta mo pa ang isa sa mga tauhan mo sa aking kwarto." paliwanag ko.
"Damn it." aniya at agad niyang hinawakan ang aking kamay. Hinila niya ako pabalik sa taas. Halos ma-out of balance na ako sa dahil sa kanyang ginawa sa akin.
"Dahan-dahan naman Wrum! Pwede namang hindi mo ako hilahin! Susunod naman ako!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi ito nakinig sa akin. Patuloy niya pa rin akong hinihila hanggang sa makarating na kami sa kwarto. Ipinasok niya agad ako sa loob habang siya naman ay nasa may pintuan.
"Bakit mo ba kasi ito ginagawa sa akin Wrum? Ano bang mayroon sa ibaba at pinabalik mo talaga ako dito sa kwarto?" tanong ko muli sa kanya. "Gutom na ako okay?"
"Just do what I say and don't go out." bilin niya. "Papupuntahin ko nalang dito si Wim para bigyan ka ng pagkain. Don't try to escape."
"Ano bang meron sa baba kasi?"
"Nothing!"
"I know meron."
"Fvck! This is for your sake!" pasigaw na niyang sabi sa akin. "Just don't go out!"
Napalunok nalang ako sa kanyang sinabi. May kung ano pa sana akong sasabihin sa kanya ngunit agad na niyang sinarado ang pintuan. Sinubukan kong binuksan ito ngunit hindi ko na ito magawa pa, para bang may ginamit siyang padlock para i-lock niya ako dito sa loob.
Damn. Bumuntong hininga nalang ako at napabalik ako sa pagkakaupo sa gilid ng kama. Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano nalang. Maraming mga what if's ang pumapasok sa aking isipan. Alam ko naman kung pipigilan ko si Wrum, at kung pipilitin ko siyang lalabas ako, hindi talaga ito sasang-ayon sa akin. My God.
Bigla akong napabalik sa realidad noong narinig kong bumukas na ang pintuan. Akala ko'y bumalik na si Wrum ngunit hindi pala. Si Wim pala ito at sa sinabi na nga ni Wrum sa akin, padadalhan niya ako ng pagkain dito. Wim entered my room while he is bringing a tray. May laman itong pagkain. Agad niya itong inilapag sa mesa pagkatapos ay napatayo at napaharap sa akin.
"Are you okay?" tanong niya kaagad sa akin. "Dinalhan na kita ng pagkain dahil pinagbawalan ka ni Wrum sa ngayon na bumaba. Pero h'wag kang mag-alala, makakalabas ka rin naman mamaya pag okay na ang lahat." aniya.
"Pag okay na ang lahat?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya at agad na napatayo mula sa aking pagkakaupo sa gilid ng kama. "So it means, may problema kayong kinakaharap sa ibaba?" tanong ko.
Napailing lang siya sa akin. "Wala. Wala kaming kinakaharap na problema." aniya. "Sige aalis na ako at kailangan ko ng bumaba-"
"Sasama ako." singit ko agad sa kanya. "I mean, sasama ako sayong bumaba. Huwag niyo akong ikulong nalang dito. You never treat me as a slave, but you're just treating me as a prisoner." sabi ko nalang sa kanya.
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...