Kabanata 33.1

1.1K 43 10
                                    

Kabanata 33.1

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

+

"Want some wine Miss?" tanong ng waiter sa akin. Napabaling lang ako sa kanya ng tingin sa aking gilid. Aayaw sana ako sa kanya pero inabutan na niya ako. Wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin nalang ito.

"Thank you." sabi ko nalang sa kanya. Napangiti lang ito sa akin at agad na naglakad palayo sa akin. Nagsimula nalang din akong maglakad palabas habang umiinom ako ng wine na ibinigay sa akin ng waiter.

Patuloy ko pa ring hinahanap si Wim at Xander. Hindi ko pa rin sila makikita hanggang sa ngayon. Siguro ay bumalik sila sa kotse o baka naman nandito pa rin sila sa barko ngunit hindi ko lang ito nakita. Maybe they're doin' bromance-nah, let's cut that crap.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at bahagya lang akong huminto dito sa bandang hallway ng barko. Gusto kong matanaw ang karagatan. Gusto ko lang munang aliwin ang aking sarili habang umiinom pa ako ng wine. This wine is so hard. Hindi ko pa nga ito tuluyang naubos, sumasakit na agad ang ulo ko.

Binalik ko nalang muli ang tingin ko sa karagatan. May nakita pa akong dumaang isang passenger vessel. Siguro akong malapit lang ang pier dito. Who knows. Hindi naman ako taga rito.

Napahawak lang ako sa ulo ko dahil naramdaman ko ang matinding pagsakit nito. Para bang pinupokpok ng martilyo ang aking ulo dahil sa sakit pero kalaunan ay nawala din. Pabalik-balik ang sakit.

What's with this wine? Ano bang klaseng wine ito at ang daling sumakit ng ulo ko. Sinubukan kong amuyin. Mabango naman ito.

Sumasakit na naman ang ulo ko kaya napahawak na naman ako dito. Ipinikit ko ang aking mata dahil sa sakit. What the fvck. Ang sakit.

"Are you okay Miss?"

Inimulat ko nalang ang aking mata. Bumuntong hininga nalang ako at napabaling ako ng tingin sa aking gilid. Nakita ko ang naka-unipormeng waiter na lalaki. I remember, siya pala 'yong nagbigay sa akin ng wine na 'to.

"I'm okay. Don't worry about me." sabi ko nalang sa kanya. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa loob. Nakita ko pa rin si Wrum na nakikipag-usap sa ibang mga naka-men in suits.

"Are you sure Miss?" muling tanong niya sa akin kaya ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. He looks concerned. Ibinigay ko nalang sa kanya muli ang wine na ibinigay niya sa akin.

"Hindi ko gusto ang wine na 'yan. Nakakahilo at nakakasakit ng ulo." sabi ko nalang sa kanya at tinanggap niya naman muli ang wine. "Anong wine 'yan? It looks champagne for it has so many bubbles on it."

"It's actually a champagne Miss." sagot niya sa akin. "Hindi naman siguro ito nakakalasing. Maliit lang naman ang ininom mo." sabi niya sa akin at napatango nalang ako sa kanya at ibinaling ko muli ang tingin ko sa karagatan. Napahawak ako bigla sa barrier para hindi ko matumba. Para akong nahihilo at nawawalan ng balanse.

"Miss?"

"Okay lang talaga ako huwag kang mag-alala sa akin." sagot ko nalang sa kanya.

"Naay nangita nimo Miss. Sunod lang nako. Ihatod tika sa nangita nimo." hindi ko naintindihan ang sinabi niya sa akin kaya nakakunot lang ang noo ko.

"What?"

"Sorry nakalimutan kong hindi ka pala bisaya. May naghahanap sa inyo. Sumunod lang kayo sa akin at ihahatid ko kayo sa naghahanap sa inyo." sabi niya sa akin.

Nagsimula na siyang maglakad habang nananatili pa rin akong nakatayo dito. Ibinaling ko muli ang tingin kay Wrum. Mukhang nagkasarapan pa ang kanilang usapan. Hindi niya naman siguro iisipin na tatakas ako sa ngayon.

"Miss tara na."

Sumunod nalang agad ako sa waiter.

"Sino ba kasing itong makipagkita sa akin?" tanong ko sa kanya. Why did I trust this waiter? Since nandito na talaga ako, haharapin ko nalang itong sinasabi niyang makipagkita sa akin.

"Kilala niyo raw ito Miss." sabi niya.

Kilala ko ang taong ito? Wala naman akong kakilalang nakatira dito sa Cebu. Haist.

Napahinto na siya sa isang pintuan. Napahinto na rin ako at ilang sandali pa ay pumasok na siya. Sumunod lang ako sa kanya at napagtanto kong ang pinasukan namin ay isang lugar kung saan nagluluto ang mga chief, kung saan sila nagpre-pare ng mga wine at kung saan naroroon ang lahat ng ingredients na kanilang lulutoin pero wala akong ibang taong nakitang nandito. Tanging kami lang ng waiter ang nandito.

"Anong ginagawa natin dito?" nagtataka kong tanong sa kanya at napaharap lang ito sa akin. Napangiti at nagtaka naman ako kung bakit siya napangiti sa akin. Wala naman akong sinasabing dapat na ikangiti niya sa akin.

"Sorry. Inutosan lang ako." sabi niya sa akin. Mabilis itong naglakad palabas. Agad lang akong sumunod sa kanya at ilang sandali pa ay nagulat nalang ako nang bigla niyang sinarado ang pintuan kaya ako kinabahan.

"Anong ginagawa mo?! Buksan mo ito!" natataranto kong sigaw sa kanya habang sinusubukan kong buksan ang pintuan ngunit hindi ko magawa. "Kung alam ko pang ilolock mo lang pala ako dito. Tangina! Hindi na sana ako sumama sayo!" kahit na anong ginagawa kong sigaw sa kanya, wala na akong nagawa at narinig ko nalang ang kanyang mga yapak sa paa na naglalakad palayo na dito.

Damn it.

Napahawak na muli ako sa aking ulo. Sumasakit na naman ako at hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko dahil sa champagne na 'yon. Sanay naman akong umiinom ng champagne. Ngayon lang nagkataon na sumasakit ang aking ulo kasabay nito ang pagkahilo ko na halos umiikot ang aking paningin.

Ang sakit. Napahawak nalang ako bigla sa mesa para hindi ako mawalan ng balanse. "Anong ginawa ng waiter sa akin?" tanong ko nalang sa sarili ko.

"Walang ginagawang masama ang waiter sayo, I think?" may narinig akong boses mula sa aking harapan. Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Napaangat ako ng tingin at ibinaling ito sa pinanggalingan ng boses. "Hindi ka naman siguro niya sinasaktan, diba?"

Medyo blurred na ang aking paningin. Pero hindi ako nagkakamali sa aking nakita. Si Don Guillermo ito. Paano siya nakapunta dito.

Bahagya pa akong napatayo ng maayos kahit na medyo sumasakit pa itong aking ulo. Bahagya pa itong naglakad palapit sa akin. Kaya napaatras ako. Wala na akong maatrasan kaya napasandal nalang ako sa may pintuan.

"A-anong gagawin mo sa akin?" natataranta kong tanong sa kanya.

"Nothing. Wala akong gagawin sayo." sabi niya nalang sa akin. "Pero may gagawin akong masama sayong ama." aniya at napahalakhak siya sa akin.

"Don't cry when your father die." pagbabanta niya sa akin ag napailing lang ako sa kanya.

"No." naiiyak kong sabi sa kanya. "Huwag mong saktan ang ama ko." sabi ko nalang sa kanya habang unti-unti nalang na dumidilim ang aking paningin.

"H-h-huwag m-mong s-saktan ang ama ko." huling salitang sinabi ko sa kanya habang dumidilim na ang aking paningin. Tanging narinig ko nalang sa kanya ay ang kanyang halakhak.

+
TheDarkProphecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon