KABANATA 23

1.4K 47 2
                                    

Kabanata 23

Unedited. You may encounter typographical and grammatical errors. Any errors and oversights you have read will be edited soon.

_____________

"Babalik na ba tayo sa mansion?"

Iyon ang naitanong ko kay Wrum noong nakabalik na kami sa sasakyan. Hindi naman niya sinabi sa akin na babalik na ba kami o may pupuntahan kaming iba. O baka naman pupunta siya sa kanyang kumpanya. Hindi pa din naman ako nakatapak doon.

Ibinaling lang ni Wrum sa akin ang kanyang tingin. "Why, do want to go somewhere else?" tanong niya sa akin at napailing lang ako.

Wala naman akong balak na pumunta kahit saan. Mas mabuting bumalik nalang sa mansion at kung maawa siya sa akin, hahayaan niya akong makauwi sa amin pero alam ko namang hindi iyon mangyayari.

"Yeah, we're heading back to the mansion." sabi niya nalang sa akin at agad niyang iniwas ang kanyang tingin sa akin at ibinaling ko sa harapan kung saan nakaupo na ang driver at si Wim. "Let's go back to mansion." he ordered.

Agad lang na napabaling si Wim sa amin ng tingin. "Akala ko ba pupunta ka pa sa-"

"Just do what I say Wim." sabi ni Wrum sa kanya.

Napabaling si Wim sa akin nang tingin saka agad din niya itong iniwas.

"Fine." tipid na sagot ni Wim at agad itong napaayos ng upo.

Ako ba ang dahilan kung bakit babalik na kami sa mansion? Sabi ni Wim may pupuntahan pa sila. Dahil ba napailing ako sa kanya kaya niya nasabi iyon?

Napalunok nalang ako at napaayos nang upo dito sa kanyang tabi. Hindi ko gustong mag-assume. Gusto kong malaman ito mismo sa kanya kaya ibinaling ko muli sa kanya ang aking tingin.

"What?" tanong kaagad niya sa akin noong nakita niya akong nakatingin sa kanya.

"Ako ba ang dahilan kung bakit babalik ka na sa mansion?" I asked him.

"No." tipid niyang sagot. "Ambitious." dugtong niya.

Damn. Sabi ko na nga ba hindi. Ang ambisyosa ko talaga. Sana hindi ko nalang siya tinanong tungkol doon. Nagbabakasali lang naman akong ako ang dahilan e. Wala naman akong nakitang masama doon. Nakakahiya nga lang.

Yawa.

+

As days passed by, wala na akong naririnig na ambush o di kaya'y away mula sa tauhan ni Wrum. Para bang nagkaroon man lang nang kapayapaan dito sa mansion. Hindi ko na rin nasilayan si Don Guillermo dito at hindi ko alam kung pinagbabantaan ba ito ni Wrum na huwag nalang pumunta dito.

Ito na naman ako. Nagbabakasaling ako ang dahilan kung bakit ayaw na ni Wrum na makita ang kanyang ama dito sa kanyang mansion. I can't help it, but to admit that it is true.

Ayaw niya naman talagang makita ang kanyang ama dito dahil sa akin. Hindi naman sa pagiging ambisyosa.

"What?!" hindi ko makapaniwalang tanong kay Wrum. Ginulat niya naman ako sa kanyang sinabi.

"Fvck. I said it clearly, so I know that you heard it very clear." sabi niya.

"Pupunta tayo ng Cebu?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Sinamaan lang naman niya ako ng tingin. "Fine narinig ko iyon nang maayos pero ginulat mo naman ako." dugtong ko nalang sa kanya.

"Ano bang gagawin natin doon at kailangan talagang pupunta tayo?" curious kong tanong sa kanya.

"It's not your business, so huwag mo nalang akong tanungin pa tungkol doon." sabi niya. "Damn it."

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon