Kabanata 29

1.2K 44 1
                                    

Kabanata 29

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

+

May damit na binili si Wrum sa akin. Binigay niya sa akin ito bago pa man ako bumaba kanina kaya ito nalang ang sinuot ko.

Siguro ay plano na niya talagang isama ako sa kanyang lakad sa ngayon. Sinuot ko na agad ang damit saka bahagyang napaharap sa salamin. Inayos ko ang damit na kakasuot ko lang at masasabi kong bagay ito sa akin.

Napangiti nalang ako habang pinagmasdan ko lang ang aking sarili sa salamin. Sinubukan ko pang umikot. Perfect. Matapos ko nang maisuot at ayusin ang sarili ay agad na akong bumaba.

Wala na sa kanilang kinatayuan sina Wrum at Wim. Siguro ay nauna na silang lumabas. Tuluyan na akong nandito sa may sofa. Inilingon ko ang tingin ko sa kaliwa't kanan at hindi ko sila nakita.

Nakalabas na ako at nakita ko lang ang van ni Wrum. Agad na binuhay ang makina nito at agad na umandar.

"Teka lang, akala ko ba isasama niyo ako?!" sigaw na tanong ko habang sinubukan pa akong habulin ang van pero kaagad din itong nakalayo. "Tangina. Bihis na bihis na ako hindi pala ako nila isasama." sabi ko nalang sa sarili ko habang sinamaan ko nalang nang tingin ang van na papalayo at tuluyan na itong naglaho sa aking paningin.

Bumuntong-hininga nalang ako. Mga paasa talaga sila e, no? Nakakainis. Iniinis na talaga ako nila.

"Paasa talaga 'yong Wrum na 'yon." may galit na sabi ko. "Matagal ko na 'yang sinampal e. Pag naubos na ang takot ko sa kanya, matitikman talaga niya ang paghihiganti ko!" galit kong sabi sa hangin.

Tumalikod na agad ako. "Ay kabayo!" gulat kong sigaw noong nakita kong nakatayo sa aking likuran si Wrum. Napahawak agad ako sa aking puso dahil sa gulat ko.

Akala ko ba umalis na siya kasama sa van na umalis? Bakit nandito pa siya sa aking likuran? My God. Sana hindi niya narinig ang mga pinagsasabi ko sa kanya.

"Do I look like a horse?" seryoso niyang tanong sa akin. Walang ka-emosyon-emosyon ang kanyang mukha.

"Ah..ei...ie..hindi ka mukhang kabayo. Ganyan ang sinasabi pag nagugulat." paliwanag ko naman sa kanya. Siguro naman at alam niya ang bagay na 'yon. Kailan ma'y hindi siya magmumukhang kabayo. Pwede rin naman, isang gwapong kabayo-nah, let's cut that crap.

Napalunok nalang ako habang iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya. Kung anu-ano nalang talaga ang sinasabi nitong aking bibig.

"Kanina ka pa ba diyan nakatayo?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang masiguro. Baka kasi hindi niya narinig ang sinabi sa akin.

"Kanina pa ako nakatayo dito. I heard it all." he said. Napaangat lang ako ng tingin sa kanya. Patay na talaga ako nito. Bakit niya pa narinig ang mga sinasabi ko. Sana'y hindi ko nalang sinabi sa sarili ko. Hindi ko naman kasalanan na narinig niya ang sinabi ko. Kung tutuusin, kasalanan niyang narinig niya 'yon.

Should I say sorry to him? Dahil sa mga pinagsasabi kong walang katuturuan?

Napalunok nalang ako. "Akala ko umalis na kayo ni Wim kasama doon sa van na umalis." paliwanag ko nalang sa kanya. "At kalimutan mo nalang ang mga pinagsasabi ko. Wala lang 'yon." sabi ko nalang sa kanya at agad na tumalikod.

Damn it self.

"Nandiyan ka na pala sa labas Silic." narinig kong sabi ni Wim. "Akala ko nasa taas ka pa. Hinihintay pa naman kitang bumaba." sabi ko nalang sa kanya.

Hindi ko magawang maibaling ang aking tingin sa likuran. Alam kong makikita ko na naman ang mukha ni Wrum. Ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na tumabi si Wim sa akin ng tayo habang napa-cross arm ito.

"May ginawa ka bang kung ano kay Wrum? Bakit ganyan nalang siya kung makatingin sayo?" pabulong na tanong niya. Ibabaling ko sana ang tingin ko sa likuran ko ngunit hindi ko magawa. What's wrong with me?

Napalunok nalang ako at ibinaling ko ang tingin ko kay Wim. "Akala ko kasi umalis na kayo. At may mga sinasabi akong kung ano at hindi ko namalayang nasa likuran ko pala siya." paliwanag ko sa kanya. Sinabi ko pa kung ano ang sinabi ko at napatawa lang ito ng pigil sa akin. Wala naman sigurong nakakatawa sa sinabi ko e, weird.

"That's what we called 'an advance party' Silic. May pinauna kaming mga tauhan sa area or sa lugar na pupuntahan namin just to make sure that it's safe." paliwanag niya sa amin. "At kung hindi man safe, atleast may mga advance party na kaming pinauna. To clear it and to make it safe." dugtong niya.

Napatango nalang ako sa kanya.

"I see." sabi ko nalang sa kanya at sinubukan ko pang mapabaling sa likuran ko kung saan nakatayo si Wrum. Seryoso lang itong nakatitig sa akin.

Iniwas ko ulit ito at ibinaling nalang sa sasakyan niya na ihininto sa aming harapan. Bahagyang lumapit si Wim sa sasakyan at agad niyang binuksan ang backseat door saka napabaling kay Wrum.

"Let's go." aniya kay Wrum. Ibinaling niya rin sa akin ang kanyang tingin. "Let's go." ulit niya at napatango lang ako sa kanyang sinabi.

Nananatili pa rin ako sa aking kinatayuan habang bahagya nang naglakad si Wrum papunta sa kanyang kotse. Bago pa man niya ako tuluyang nalampasan ay napahinto ito sa kanyang paglalakad. Bahagya niyang ibinaling sa akin ang kanyang tingin habang isinuksok lang niya sa kanyang bulsa ang kanyang kamay.

"I'm looking forward for your revenge to me." sabi niya at tuluyan na niya akong nilampasan. Pumasok na agad ito sa loob ng kanyang sasakyan habang napakurap naman ako ng ilang beses dahil sa kanyang sinabi.

What the fvck. Hindi ako bingi para hindi marinig ang kanyang sinabi sa akin. Potanginang yawa 'to.

"Hey Silic, pumasok ka na dito sa kotse!" tawag ni Wim sa akin habang pinagbuksan niya ako ng pinto sa kabila.

"Okay." nasabi ko nalang at agad na akong umikot sa bandang likuran ng kotse saka lumapit sa may pinto na binuksan ni Wim.

"Thank you." nasabi ko nalang sa kanya at agad na akong umupo sa tabi ni Wrum. Sinarado naman ni Wrum ang back seat door saka agad na itong pumasok at napaupo sa front seat.

Haist. Hindi ko naman kasi sinabing magrerevenge ako sa kanya. Nasabi ko lang naman 'yon dahil akala ko ay iniwan na nila ako. God.

Ibinaling ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko lang itong ma-owtoridad na nakaupo sa aking tabi. "I did not meant to say that I am going to take a revenge to you. It's just that....It's just that...I mean...nasabi ko lang naman 'yon-"

"You don't need to explain, stupid." singit niya agad sa akin habang hindi nakabaling sa akin ang tingin niya.

"I need to." sabi ko.

"You don't need to." he said it seriously.

"Okay fine." nasabi ko nalang sa kanya at agad na iniwas ko ang tingin ko sa kanya at napaayos ng upo.

He's looking forward to my revenge? Well, I'm going to revenge him anyway. Sa ginawa niyang pagkidnap sa akin. Naglahu nalang ako sa amin na parang bula nang dahil sa kanya.

Saan nga ba kami pupunta? Haist.

+

TheDarkProphecy

To be continued....

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon