Kabanata 57

480 27 3
                                    

Kabanata 57 (unedited)

"Bigyan na muna kita ng oras para kausapin mo ang iyong ama." sambit ko kay Wrum. Binisita namin ang libing ng kanyang ama sa tabi ng puntod ng kanyang ina. Napatango lang siya sa akin at nagsimula na akong pumunta sa may kote kung saan naroroon na rin si Xander at Wim.

Parte na lang sa aming alaala ang lahat ng nangyari sa amin. Humingi na rin ako nang tawad kay Don Guillermo sa aking nagawang pagpatay sa kanya. Hindi man ako nakasisigurong napatawad na niya ako, basta pinatawad ko na rin siya sa lahat ng ginawa niya sa akin.

Napag-alaman kong ibenenta na rin niya ang mansion ng kanyang ama. Wala na rin siyang balak na tumira doon. Of course, siya lang ang nag-isasang anak nila. Malamang sa malamang, lahat ng mga ari-arian ng kanyang ama, sa kanya na nakapangalan. Mas dumoble pa ang kanyang pagiging busy dahil diyan.

Ayaw ko din naman maging demanding na aakuhin ko lahat ng oras niya. It is a big no. He needs time for his self, for the business and for me.

"Sa wakas, tahimik na muli ang buhay natin. Wala na sigurong araw na ako ay kabahan dahil natatakot akong mapatay, pati na rin ang pamilya ko." sabi ko kay Wim at Xander na nakatayo lang dito malapit sa sasakyan. Pareho naming pinagmasdan si Wrum.

"Hindi tayo dapat maging kampante sa mga pangyayari Silic. Kung akala mo ay tapos na ang lahat, nagkakamali pa. We are here to start a new beginning and a new ending." said Wim.

Wala akong ideya kung ano ang nais niyang ipahiwatig sa akin. "Anong ibig mong sabihin Wim?"

"Ang ibig niyang sabihin Silic na hindi pa tapos ang lahat. Natapos na ang dapat mong kakaharapin sa labanan ng mag-ama." napabaling siya ng tingin kay Wim. Tila ba ang kanilang pagtitinginan ay nag-uusap sila. "I mean, do not worry. Nadiyan naman si Wrum para protektahan ka at nandito rin kaming handang isakripisyo ang buhay sayo." paliwanag niya.

Naguguluhan talaga ako sa mga sinasabi ngayon. Tatanungin ko pa sana sila na kailangan ko pa ang 'deep explanation' para maintindihan ang lahat. Fortunately, nandito na si Wrum kaya hindi ko na naituloy pa ang aking balak. Sinabi niyang babalik na kami sa mansion. He coldy said it while he smile at me bitterly. I know, he is tired. He needs to rest.

Katahimikan lang ang pumapagitan sa amin pauwi sa mansion. Hindi naman ito kalayuan sa mansion kaya kaagad rin kaming dumating. Ihininto nila ang sasakyan sa harapan ng mansion. Lumabas kami at dumiretso lang si Wrum sa kanyang kwarto dahil sa pagod niya. Tanging ginawa ko lang ay sumunod sa kanya. Sinabi kong masasahein ko ang kanyang likuran. He just nodded at me as a sign of response so massage him until he falls asleep.

Kinabukasan, nagising na lang akong wala si Wrum sa aking tabi. He just left me a note saying, 'I am sorry I did not wake you up. I need to hurry up for some business meetings. Babawi ako sayo, love yah.' It's aready eight o'clock in the morning at aalis si Wrum sa mansion mga seven. Kaya pala hindi ko siya naabutan. Nag-chat na lang din ako sa kanya na umuwi muna ako sa amin para bisitahan ang pamilya ko and luckily, he replied to me at susunduin niya lang ako doon.

Hindi alam ni Mama at Papa na uuwi ako para bisitahin sila. Sometimes, sinasabi ko na 'I am on the way to our house', pero ngayong tinatamad ako, hindi ko na lang nagawa iyon. Lumabas ako at tinawag ko ang second driver ni Wrum. Nagpapahatid ako sa kanya sa bahay namin. Wala si Wim at Xander dahil sumama ito ni Wrum. Luckily, all the Wrum's people respect me as soon to be wife of him.

Ihininto na ni Tata, the name of the driver, ang sasakyan sa harapan ng aming bahay. Hindi pa man ako tuluyang lumabas ngunit nakita ko si Wim na papasok sa loob ng gate at hindi niya namalayan ang kotse namin. Ihininto lang din ang kanyang kotse sa kabila. Nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya dito since hindi naman sila close ng aking pamilya.

"Si Wim 'yon diba?" tanong ko kay Tata.

"Oo Silic. Klarong-klarong siya iyon." sagot ni Tata.

Napatango ako sa kanya. "Umuwi ka nalang at huwag mo akong hintayin dito. Sinabi na ni Wrum na dadaan siya dito para sabay na kaming umuwi ngayong hapon." paliwanag ko.

"Masusunod po." napatango naman siya.

Lumabas na ako mula sa sasakyan. Pumasok ako sa aming gate at dahan-dahan akong pumasok sa loob. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Isang mapagkatitiwalaang tao si Wim. Pinatunayan niya iyon noon. Isang loyal kay Wrum na kahit na anong pilit ko noon na tulungan akong tumakas, hindi niya talaga ginagawa 'yon.

"Nasa opisina na ngayon si Wrum habang si Silic naman ay nasa mansion. Tulog pa ito nang kami ay umalis ngunit hindi pa rin niya alam ang lahat ng ito." paliwanag ni Wim na tila ba kinakausap niya ang aking mga magulang kaya mas lalo lang akong kinabahan. "We will protect Silic at all cost. She is a friend of mine. Alam kong hindi niya iisipin na gagawin ko ang bagay na ito."

Anong ibig niyang sabihin. Damn. Para hindi na ako nagdududa pa, kinatakok ko ang pintuan para maging aware silang nandito ako at narinig ang kanilang pinag-usapan. And I think they are talking about secrets or something I want to know.

They are acting strange lately like I am afraid we are facing another enemy as of the moment. Damn, I am prayed everynight before I go to bed that I am hoping that tomorrow will be a good day. Long life to my family and also to me and Wrum.

Napabalik ako sa realidad nang bigla ko na lang nakitang binuksan na ni Mama ang pintuan. Nagulat siya noong nakita niya ako where in fact, masaya ito sa tuwing darating ako. Don't tell me that my mother and also my father are hiding something to me.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na bibisitahin mo pala kami dito. Are you not busy?" napangiti si Mama. Tila ba dinidistract niya.

"Hindi naman ako busy Ma at alam kong nasa loob si Wim. Narinig ko kayong nag-uusap. Kanina pa kaya ako dito." honest kong sambit sa kanya at napaubo lang ito. "Kung wala naman kayong tinatago sa akin, hindi kayo natatakot na marinig ang lahat."

"Ano kaba Silic. Wala kaming tinatago sa iyo. Pumasok na tayo." aniya at dinala niya ako sa may sala. Iniwas lang ni Wim ang tingin niya sa akin, pati na rin ang tingin ni Papa. "Dumaan lang dito si Wim bago pa man siya tuluyang bumalik sa mansion ni Wrum. Alam mo naging kaibigan na ang ama mo at si Wim." paliwanag lang ni Mama. Napaupo ako sa tabi ni Papa habang napaupo naman si Mama sa tabi ni Wim.

"Yeah Silic." pag-sang ayon ni Wim. "Kaya huwag kanang mag-isip ng masama sa aking pagpunta pa dito sa pamamahay niyo." paliwanag naman ni Wim.

Napatango lang ako sa kanila kahit na alam kong may tinatago sila sa akin. Ipinanganak nila akong may pagka-chismosa at malalaman ko din ang kanilang tinatago sa akin soon. Nakikita ko mula sa kanilang mata na nagsisinungaling ito. Nagkukunwari lang na nag-uusap nang ibang bagay sila Mama, Papa at Wim.

"Wait," pagputol ko sa kanilang pag-uusap. "Pwede bang tumayo ka sa kinaupuan mo Wim."

Napangiti siya sa akin, "Why?" nagtataka niyang tanong.

"You are hiding something behind you." sabi ko. Para siyang isang maliit na plastic. Nagtataka lang ako kung ano iyon. Unti-unti pa siyang napatayo mula sa kanyang kinaupuan. Napatayo na siya mula sa kanyang pagkakaupo at may itinago nga siya sa kanyang likuran. Akmang kukunin ko na sana ang plastic na iyon ngunit nagulat na lang ako nang bigla niya itong kinuha at patakbong lumabas sa pintuan.

"Baliw. Parang titignan lang kung ano ang meron sa plastic na 'yon."

+

thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon