KABANATA 18.

2K 51 10
                                    

Chapter 18

Usual days have been passed by. Naging busy si Wrum sa kanyang business, while on the other hand, Wim is still in his room. Binigyan na lang siya ng tatlong araw para magpahinga. Minsan ay lumalabas lang din naman ito sa kanyang kwarto para magpahangin at maglakad-lakad. Sabi niya kasi, mas lalo lang siyang manghihina kapag mananatili siya palagi sa kwarto.

Kababalik lang niya sa kanyang kwarto ngayon at wala naman akong balak na sundan siya. Ayaw ko namang kulitin siya at tunungin siya sa mga bagay-bagay. Sinubukan kong libutin muli ang mansion at ngayon masasabi kong mas dinoble na ang seguridad dito. The restricted area are well guarded, as well as the underground floor. May mga guwardiya na siyang inilagay doon para hindi na ako makatapak pa.

Well, kahit na masasamang tao sila Jeric, ipinagdasal ko pa rin ang kanilang kaluluwa kung nasaan man sila ngayon. Dalawang gabi ko na silang pinapaginipan na humihingi ng tawad sa akin, pero pinatawad ko naman sila. Natatakot ako baka magpapakita sila. Matapos ko naman silang pinatawad, hindi na naman sila nagpakita sa aking panaginip. I am hoping they will rest in peace, pati na si Mark.

And I expected that my family would attack here in the mansion to rescue me, but nothing. Kahit na anino man lang nila ang aking makikita, wala. I think they did their very best at this moment. Sadyang hindi lang siguro nila nakayanan. I really miss them. You owe me something father.

Napatayo lang ako dito sa may pool area. Pinagmasdan ko ang isang katulong na may dalang tila isang net. Kinukuha ang dumi at dahon na lumulutang. May mga guwardiya pa rin na naglakad-lakad. Iyon nga lang at ang kanilang mga baril ay nakatago na sa kanilang likuran.

"Okay ka lang ba diyan Silic? Kanina pa kita nakikitang nakatayo at tila ba tulala?" napakurap ako ng ilang beses at napabalik sa realidad dahil narinig kong boses ni Xander mula sa aking likuran. Hindi ko na rin namalayan kong kanina pa ba akong nakatayo dito sa may pool area dahil sa aking malalim na iniisip.

Napatango nalang ako kay Xander nang ako ay napaharap sa kanya. "Huwag kang mag-alala. Okay lang ako." paliwanag ko. "Huwag ka na ding masyadong mag-alala sa akin. Hindi na din naman ako tatakas e." alam ko na ang nasa isipan niya sa ngayon. Halos araw-araw niyang pinaalala sa akin na h'wag akong tumakas.

For his information, well, he is right. Halos araw-araw naman akong nag-iisip na paano tumakas. Gumagawa ng concrete plan to escape, but when I already have the concrete plan, hindi ko naman alam kung paano o ano ang gagawin para tumakas.

"Hindi ko lang talaga maiwasang mag-iisip ng kung anong bagay dito since wala din naman akong magawa. Wala din naman akong mahawakang gadget para libangin ko ang aking sarili. May TV nga pero ayaw ko namang manood." muli kong sabi sa kanya.

"Okay." he said. "Huwag mo lang talagang isipin na magpakamatay dahil sa wala kang ibang paraan pa para tumakas pa dito."

"Hindi mangyayari 'yon. May kailangan pa din naman akong alamin dito." sabi ko sa kanya.

"Alamin?" nagtataka niyang tanong. "You mean you want to know more about Wrum? About his doings?"

Napatango ako. "Parang ganon na nga." sabi ko nalang sa kanya.

May nais pa sana itong sasabihin sa akin ngunit may narinig nalang kaming busina ng sasakyan kaya hindi na niya naituloy ito. Nagtataka din ako sapagkat parang kakaalis lang nila Wrum, bumalik na agad sila?

"Ang aga atang umuwi nila boss?" tanong ni Xander sa kanyang sarili at agad niyang ibinalik sa akin ang tingin niya. "Let me check first. Alam kong hindi sasakyan ni boss 'yon."

"Okay." sabi ko nalang at agad itong tumalikod sa akin. Nagsimula na itong maglakad papunta sa may pintuan habang sinundan ko lang siya ng tingin.

"Kung hindi 'yon si Wrum, edi sino?" tanong ko sa sarili ko. Hindi naman pwedeng si Wim iyon. Alam ko namang nasa kwarto si Wim sa ngayon. Nagpapahinga. Anyway, malalaman ko din naman 'yon pag pumasok na sila Xander dito sa loob ng mansion.

"Kasalukuyan ngayong may inaatupag sa kanyang business si boss, Don Guillermo."

"Is that so?"

"Baka gabi pa ito dating."

"It's okay hindi din naman siya ang pinunta ko dito."

"Then, sino ang pinunta mo dito Don Guillermo?"

"You already knew about it so, don't asked me."

Narinig kong pag-uusap nila. Pamilyar sa akin ang boses na 'yon hanggang sa tuluyan na silang pumasok sa pintuan. Saka ko nakita si Xander at nagulat lang ako sa kanyang kasama. Ang ama ni Wrum. Hindi ko naman inaasahan na ang pangalan sa ama ni Wrum ay Don Guillermo. Ngayon ko pa lang din narinig iyon.

Ano ang kanyang ginagawa niya dito? Sa tuwing nakikita ko siya, kinakabahan ako. Ibang kabang nararamdaman ko na tila ba may mangyayaring masama sa akin. Wala naman sana. Aakyat na sana ako pabalik sa hagdan para makaiwas kay Don Guillermo. I just want to pretend that I am sleeping. Hindi ko na nagawa pa ang balak ko sapagkat tinawag ako ni Xander na papuntahin sa may sala kasi gusto raw akong makausap ni Don Guillermo. Inisip ko na agad kung ano ang posible niyang pag-uusapan namin. But damn, wala akong maisip.

Wala din naman sana akong balak na kausapin siya sapagkat wala dito si Wrum. Iba lang talaga ang nararamdaman ko sa tuwing makikita siya.

"Have a seat Don Guillermo," said Xander. Tinanong niya pa kung gusto ba niyang uminom ng juice o kahit anong gusto niya ngunit tumanggi lang ito. "Okay then, I shall give you a privacy to talk here. Tawagin mo na lang ako Don Guillermo." tuluyan nang umalis si Xander.

Pasalamat si Don Guillermo at tinuruan ako ng aking ina kung paano rumespeto.

"Kumusta ka na Silic?" napangiti siyang tanong. "Napag-alaman kong may mga salbahing tao na may balak na gumawa ng masama sayo. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay buhay ko pa. I am thankful to God because of that." he added.

Napaayos lang ako ng upo.

"Alam mo, I am really worried about you. Did they harm you?" he asked me.

"Sinakal ako ni Jeric sa tiyan." sabi ko sa kanya.

"What? Mabuti na lang talaga at patay na sila hanggang ngayon." hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Bagay nga sa kanila ang mamatay pero alam mo din bang nakikita kong bagay mo rin ito." napangiti ako sa kanya. Trying to calm myself. Seeing him made my blood boil in anger. Sigurado naman akong may purpose ang ama ko kung bakit niya nagawa 'yon. I mean, I am not trying to depend my father. I am just trying to tell the that there's a reason behind everything. Just like me. I became a slave here in the mansion because of the doigs of my father.

"What?" tila ba hinihintay niya ang aking sagot. Mas lumapad ang aking fake smile sa kanya.

"Mas bagay din sayo ang mamatay, kung alam mo lang din." paliwanag ko sa kanya. Nawala ang ngiti na ipinakita niya na ipinakita niya sa akin kanina. He is expecting something, not those stupid words I said. "I know everything will be fine. You an your son will be facing a great revenge from us, your greatest enemy."

+
thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon