Kabanata 46.1

811 37 12
                                    

Kabanata 46.1

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

____________________________________________________________________

Huminto kami ni Don Guillermo sa isang kwarto. Ito na siguro ang sinasabi niyang kwarto na pinaglagyan niya sa aking magulang.

Gusto ko silang makita't makausap. Matagal ko na rin silang hindi nakausap.

"You can talk to your parents." aniya sa akin. "Baka ito na ang huling araw para makikita mo sila ng buhay."

Kinabahan na naman ako sa kanyang sinabi sa akin. Unti-unti niyang binuksan ang pintuan saka agad naman akong pumasok.

"I am waiting for your answer about the deal Silic." muli niyang sabi sa akin.

Walang kung anong lumabas sa aking labi para magsalita. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagpasok hanggang sa narinig ko nalang na sinira muli ni Don Guillermo ang pintuan. Binalewala ko nalang iyon.

Ilang sandali pa ay nakita ko nalang na may nakita akong dalawang taong nakaupo sa isang upuan. Nakatali ang kanilang mga kamay mula sa likuran ng kanilang kinaupuan. Pati na rin ang kanilang mga paa.

Ngayon ko palang napagtantong ang ina't ama ko pala iyon. Hindi ko kaagad sila nakilala dahil sa dugong nasa kanilang mukha at dahil sa duming bumabalot sa dumi sa kanilang mga mukha.

"Ma! Pa!" kaagad na sigaw ko sa kanila.

Agad akong lumapit sa kanila. Hinawakan ko ang kanilang mga mukha saka hindi ko maiwasang mapaluha nalang. Hindi ko inaasahan na ganito ang makita mula sa kanila.

"Silic." mahinang utal ng aking ama.

"Pa. Bakit naman humantong ang buhay natin sa ganito? Akala ko pa naman noong una ay maging maganda ang daloy ng ating buhay." naiiyak kong sabi sa kanya. "May mga tinatago ka pala sa akin. Kaya tayo humantong sa ganito."

Napaiyak lang din ang aking ama at ganon din ang aking ina. Agad ko lang silang niyakap habang sabay kaming umiiyak.

"Sorry." ani ni Mama. "Matagal ko nang alam ito anak pero hindi lang namin ito sinabi sa iyo."

"Ma." nasabi ko nalang.

Tinanggal ko ang nakatali sa kanilang kamay mula sa kanilang likuran. Ganon din ang kanilang mga paa na nakatali sa paa ng upuan.

Maraming bagay ang gusto kong itanong sa kanila sa pagkakataong ito. Ang mga bagay-bagay na pinagmulan nito at hindi ko alam kung ano ang natatanging kasagutan para matigil na ito. Para makamit na namin ang kapayapaan gaya ng dati. Gusto ko na rin ngumiti. Ngumiting hindi pilit.

Niyakap ko sila muli noong tinanggal ko ang kanilang mga tali. Sabay na muli kaming umiyak. Ewan ko ba, hindi ko na kasi alam ang gagawin sa ngayon. Hindi ko na din alam kung may tutulungan pa ba sa amin na makaalis dito. Si Wrum lang ang inaasahan kong liligtas sa amin. My God. Hindi ko nga alam kung magagawa niya pa kaming iligtas.

"Sabihin mo sa akin Pa. Bakit tayo humantong sa ganito?" tanong ko kay Papa. "Sinabi na sa akin ni Wrum na pinatay mo ang kanyang ina, ang asawa ni Don Guillermo."

Hindi lang kaagad na nakasagot ang aking ama sa natura kong sinabi sa kanya. Napatitig lang siya sa akin at pinunasan niya ang dumadaloy na luha sa kanyang mukha. Ang sakit na makitang umiiyak ang magulang mo sa harapan mo. Para bang may kung anong tumutusok sa aking dibdib dahil sa kanilang pag-iyak.

"Si-Silic." sabi niya sa akin. "Hindi ko alam kung paano sabihin ito sayo. Alam kong ako dapat ang sisisihin dito. Ako ang dahilan kung bakit humantong ang buhay natin dito."

"Pa."

"Totoong pinatay ko ang asawa ni Don Guillermo. Inutusan lang ako sa kanilang kalaban. Inutusan lang ako sa boss ko ngunit iyon ang pinakahuli't pinakaunang pinatay ko na tao." paliwanag niya sa akin. "Hindi ko kagustuhang patayin siya. Pinilit lang ako ni boss kaya nagawa ko iyon sapagkat ako ang papatayin niya pag hindi ko gagawin ang iuutos niya sa akin."

Hinawakan ni Mama ang aking balikat at nakita ko lang din itong lunuluha. "Totoo ang sinasabi ng iyong ama anak." pagsang-ayon ni Mama sa sinasabi ni Papa. "Lumayas tayo sa dati nating bahay noon. Lumipat sa ibang bayan para magsimula ng bagong buhay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, natunton nila ulit tayo. Huli na para sasabihin ko sa iyo ito anak sapagkat bigla ka nalang naglaho noong gabing 'yon." sabi ni Mama sa akin.

Damn it. Kung magagalit man ako sa ngayon, hindi sa aking ina't ama kung hindi kay Don Guillermo. Gusto kong magalit at isisisi kay Papa ang lahat ng ito ngunit hindi ko magawa. Mas gusto ko pang magalit nalang kay Don Guillermo.

Nakapatay ang aking ama sa kanyang asawa, ngunit ito naman ang paghihiganta niya sa amin.

Damn it. Gusto kong sumigaw at magmura nalang. Fvck! Yawa! Piste! Boang! Mga Animal!

"Wala na tayong magagawa anak. Alam kong sinisisi mo sa ngayon ang ama mo." sabi niya sa akin. "Alam kong galit ka sa kanya pero napipilitan lang din siya na sabihin sa iyo ito."

"Iyon na ba lahat ng mga tinatago mo sa akin?" tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan lang sila sa isa't-isa na tila ba may tinatago pa silang iba maliban sa mga nangyayari sa ngayon. Ibinalik nila ang tingin sa akin.

"Wa...Wa...Wala na kaming dapat na sasabihin sa iyo anak." ani Mama. "I mean, iyon na ang lahat."

Napatango ako sa kanila.

"Sinabi sa akin ni Don Guillermo na para matapos na ito, kailangan ko siyang pakasalan." malungkot na sabi ko sa kanila at nakita ko lang ang kanilang reaksiyon.

Gulat.

"No."

"No."

Sabay nila iyong sinabi sa akin. Maski naman ako sa sarili ko wala akong gusto.

"Kahit anong mangyari." ani Papa at napaupo. "H'wag kang magpapakasal sa kanya o maski sa kanyang mga kadugo sapagkat kalaban natin sila. Hindi sila makapagkatiwalaan."

May sasabihin pa sana ako sa kanila ngunit narinig ko nalang na may nagsasalita sa aming likuran.

"Nakakaiyak naman kayong tignan." boses iyon ni Don Guillermo kaya naman napatayo ako at napaharap sa kanya. "Wala pang namamatay sa isa sa inyo ngunit nag-iiyakan na kayo. Paano pa kaya kung may mamamatay na sa inyo." napangiti si Don Guillermo.

"Walang mamamatay sa amin." may galit na sabi ko sa kanya.

"Ah oo nga pala naalala ko. So ibig sabihin, magpapakasal ka na sa akin kaya nasabi mong walang mamamatay sa inyo hindi ba?" sabi niya.

"Walang kasalang mangyayari. Kailan ma'y hindi ko ipagsiksikan ang sarili ko sa iyo." ani ko. "Hindi ako magpapakasal sa demonyong tulad mo. Hindi."

"Kahit patayin mo pa kami ngayon Don Guillermo, hindi kami natatakot." ani ni Papa. "Hindi ko ibibigay sayo ang aking anak kapalit sa ginawa ko sa asawa mo. Hindi!"

Napangiti si Don Guillermo at ibinaling niya ang tingin kay Papa. "Iligtas mo ang pamilya mo Emmanuel. Titignan kung makakalabas pa kayo dito nang buhay."

Damn it. Wrum, can you do me a favor. Please find me and please help us.

________________________________________________________________

TheDarkProphecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon