KABANATA 6.

2.1K 61 2
                                    

Chapter Six

Matapos kaming kumain ay agad kaming pumasok sa kotse. Pinaupo niya ako sa backseat habang katabi ko si Wrum. May driver ito at sa tabi ng driver si Wim. Wala akong ideya kung saan ang aming destinasyon namin ngayon.

Nakaramdam na lang ako bigla nang kaba. I am just hoping they will not do anything to me now. Pinaandar na ng driver ang sasakyan. Ibinaling ko lang ang tingin ko sa bintana. Ilang sandali pa ay nakita ko na pinagbuksan na kami ng gate sa kanyang mga guwardiya.

"Do I really need to cancel all your appointments this morning Wrum?" tanong ni Wim kay Wrum sa harapan at basag niya sa katahimikang pumapagitan sa loob ng sasakyan.

"I already told you about that. Ang lakad natin ngayon ay importante pa sa mga appointments ko." sagot niya kay Wim saka napabaling sa akin. "He would be happy that the daugther of his enemy is in my hands now." I think he is referring to me.

"Okay. Ikaw ang masusunod." replied Wim.

Iniwas ko sa kanya ang aking tingin at namalayan ko na lang na pumasok na muli kami sa isang malaking gate. Bumungad sa akin ang isang malaking bahay. Hindi naman ito ang mansion ni Wrum. Mas luma ito tignan. Bahagya pang umikot ang sasakyan sa harapan ng isang fountain at ihininto sa tapat ng hagdan.

May mga naka-unipormeng maid na tila ba nakahintay sa aming pagdating sa mansion. Mas dumoble ang kabang aking naramdaman. Hindi ko alam kung bakit.

"We are here in the mansion of Don Guillermo. The father of Wrum." informed Wim. "I am informing Silic. I am not informing you Wrum."

"Stupid." mahinang utal ni Wrum.

Nauna nang lumabas si Wim sa sasakyan. Sumunod ang driver.

"Why we're here?" nagtataka kong tanong.

"Masama bang ipakilala kita sa aking ama?" sagot niya sa akin.

"Hindi mo naman ako papatayin dito diba?" kinakabahan kong tanong.

Napangiti lang siya sa akin. "I am a killer?" he asked me.

"No. You are not."

"Alam mo pala. Tinatanong mo pa ako." sabi niya. Pinagbuksan na siya ng pintuan ni Wim saka ito ay tuluyan nang lumabas. Pinagbuksan naman ako ng pintuan ng driver saka ako lumabas.

Inikot ko ang tingin sa mansion. Kasing laki lang ito sa mansion ni Wrum. Nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob.  Isa-isang nag-bow ang mga madadaanan naming maid. Bumungad sa akin ang isang chandelier na nakasabit sa kisame. Isang old style ang chandelier.

Ano ba ba kasi ang ginagawa namin dito?

"Wim," pabulong kong tanong ni Wim.

"Yes?" sagot niya.

"Ano bang ginagawa natin dito?" hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinanong ko rin siya. Hindi naman ako sinasagot ni Wrum, siguro sasagutin niya ako.

"I do not know either. Ngayon ko nga lang din nalaman na dito pala ang destinasyon natin. Relax ka lang muna. Sigurado naman akong kakausapin ka lang ni Don Guillermo." napangiti pa siya sa akin at tinapik ang aking balikat.

"My son. You have already arrived." bungad sa amin ng isang may katandaang lalaki dito sa may sala. May peklat ang kanyang mukha. Napabaling din ito sa akin at tila ba nagtataka kung bakit ako kasama ni Wrum. "And who's this gorgeous lady with you? Is it your girlfriend?" muli niyang tanong sa amin.

Napailing lang si Wrum sa kanya. "She's not my girlfriend." sagot naman ni Wrum sa kanya.

"Okay, have a seat." sabkmatanda at nauna na itong napaupo sa may sofa. Bahagyang lumapit si Wrum dito at bahagya ring napaupo sa tapat nito si Wrum. Pinaupo din niya ako sa tabi nito. At kung hindi ako nagkakamali, siya ang sinasabi ni Wim na Don Guillermo, ang ama ni Wrum.

"Sinabi mo sa akin kahapon na mayroon kang sasabihin sa akin. Ano iyon?" tanong ni Don Guillermo, kung hindi ako nagkakamali sa kanyang pangalan.

Sinenyasan ni Wrum ang kanyang mga tauhan na umalis para bigyan kami ng privacy. Tila ba may pag-uusapan kaming sekreto na kailangan kaming tatlo lang ang nakakarinig. What could it be? Is it about my father again?

Hindi ba sila nauumay na palaging sambit nila ay ang aking ama? Damn, bored na bored na ako dito sa totoo lang.

"I'm here to introduce to you the daughter of Emmanuel, Silic." he said. Pangalan 'yon ng aking ama. Alam niya talaga ang pangalan ng aking ama.

Pinagmasdan lang ako ni Don Guillermo. Tila ba kinikilatis niya ako. Napansin ko ang peklat sa kanyang mukha. Hindi naman siguro nila sasabihin sa akin na ang ama ko ang may gawa doon?

"Ikaw pala si Silic. Ang anak ng salbaheng iyon." nawala ang ngiti sa mukha ni Don Guillermo. Itinuro niya pa ang kanyang peklat. "Nakikita mo ang peklat na ito? Siya ang may gawa nito. Marami pang peklat sa aking katawan ngunit hindi ko maaaring ipakita sa iyo. Malapit ito sa aking pribadong katawan at masyado lang akong bastos pag ipinakita ito." paliwanag niya. Hindi nga ako nagkakamali sa aking naisip kanina.

Wala na akong nagawa pa at pinakinggan ko na muli ang paliwanag niya. Kung paano pinatay ang kanyang asawa sa mismong harapan niya. Kung ano ang sinabi ni Wrum, ganon din ang kanyang mga sinasabi sa akin. Gusto kong magalit sa aking ama kung bakit niya ito ginagawa. Kailangan ko pang pakinggan ang kanyang side at kung ginawa man talaga ng aking ama iyon ay nararapat lang na harapin niya ang nagawa niyang kasalanan.

"The fault of the father cannot be inherit by his daughter." said Don Guillermo. "Tama naman ang kasabihang iyon ngunit kung paano dinamay ni Emmanuel ang aking asawa, ganon din ang gagawin ko sayo."

"So tolerate and question my father why he did it! Huwag niyo ito gawin sa akin. I am virtuous from his doings."

"Whatever it is Silic, I do not care. Basta't parte ka sa aming plano." napaayos siya nang upo at napangiti.

"Nagpapasalamat akong hindi mo nakalimutan ang plano natin, Wrum. Mas lalo pa akong ginanahang mabuhay." sambit niya kay Wrum. "Do as I plan kill—"

"No," Wrum interrupt. "Hindi natin maaaring patayin si Silic. Iyon ang ating plano ngunit gusto kong ibahin ito. I want her to be my slave.  Dinala ko lang siya dito para ipaalam iyon at hindi ipaubaya sayo ang anak ni Emmanuel."

"Bakit na naman nagbago iyang isipan mo?" nagtatakang tanong ni Don Guillermo.

"I already made a concrete plan about this." said Wrum.

"Fine. Do what you want to do with his daugther. Siguraduhin mo lang na maipaghiganti mo ang Mom mo. At kung sakali mang hindi ko magustuhan ang mga ginagawa mo, itutuloy ko ang plano. Tandaan mo 'yan."

Ilang beses na akong tumutol sa kanilang gusto, pero hindi pa rin sila nakikinig sa akin. My family's life is in danger, including me when I am with this billionaires.

"This is so stupid." naging komento ko.

Ipinagpatuloy lang nila ang kanilang pakikipag-usap sa mga bagay-bagay, including their stupid businesses that I do not want to hear. Pinag-usapan din nila ang pamilya ko at damn, wala akong ibang naisip ngayon. Kung hindi man ako matutulungan ni Wim dahil sumusunod lang siya sa utos ni Wrum, then, I think si Wrum na mismo ang taong makakatulong sa aking makauwi sa bahay namin.

Kahit gaano kasama ang isang tao, alam kong may mananatiling kabutihan pa rin sa kanyang kalooban. Kung naging masamang tao man ang aking ama, well, hindi niya ipinakita sa amin iyon. Mas ipinakita niya lang ang kabutihan niya sa akin.

+
thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon