KABANATA 21.

1.5K 48 4
                                    

Chapter 21

"Bakit ka sumama sa kanya?" tanong kaagad ni Wrum sa akin noong nakarating kami dito sa mansion.

Ang naipako kong tingin sa aking paa ay agad kong naiangat at ibinaling sa kanya. Hindi na ako dapat pang magpaliwanag sapagkat alam kong sinabi na ni Xander iyon sa kanya.

"Answer me!" muli niyang sigaw sa akin. Hindi naman kasi kailangang sumigaw. Malapit lang kaya kami. Kahit na sigurong ibulong niya 'yon sa akin, maririnig ko pa rin iyon. Tahimik naman dito sa mansion.

Napalunok lang ako bago pa man tuluyang nagsalita. "Sino ba namang hindi sumama sa kanya at sundin ang kanyang mga utos? Pinagbabantaan niya ako." paliwanag ko sa kanya. "At kailangan ko talagang sumunod sa kanya. Siya ang ama mo, ayaw kong masaktan na na naman niya ulit."

"Sinaktan ka niya?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin. Napatango lang ako sa kanya. Hindi ko naman alam na hindi pala ito sinabi ni Xander ang ginawa sa kanyang ama sa akin.

"Fvck!" mura niya sa akin. "Damn!"

"Don't worry about me. I am just nothing to you remember? Hindi ka dapat mag-alala sa akin." I said to him. Tama naman kasi. Bakit ba nag-aalala siya sa akin masyado?

"Bakit ka ba nag-aalala sa akin?" tanong ko nalang sa kanya.

"Cause you are just nothing for me." sabi niya. Nagulat naman ako. Hindi naman ako bingi para hindi iyon marinig ng maayos.

I don't want to assume kung ano ang maaring kahulugan sa sinabi niya. Maaring ang kahulugan n'on ay itong nasa isip ko o hindi. Maybe I am not just a slave for him. I am also his maid, or something like that.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa ngayon. Kinakabahan ako dahil sa sinabi niya. God. Bakit ba ako nakaramdam ng ganito sa kanya?

Napakurap ako ng ilang beses at napalunok saka iniwas ko ang aking tingin sa kanya. "I need to go to my room now." sabi ko nalang sa kanya.

"Fine." tipid na sagot niya sa akin.

"Wala ka nabang iuutos sa akin o ipagawa man lang?" muli kong tanong sa kanya.

"Wala na akong iuutos sayo. You better rest now." sabi niya sa akin.

"Your face turns pinkish. Did my father slapped your face?"

Agad akong napahawak sa aking mukha. Tangina.

Itinago ko nalang ang aking mukha sa aking kamay dahil sa kanyang sinabi sa akin.

"Wala. Namamalik mata ka lang siguro." sabi ko nalang sa kanya at agad na patakbong naglakad papasok sa kwarto.

"Hey answer me! Don't just hide your face! What was that?"

"Nothing!" pasigaw kong sagot sa kanya. Binuksan ko agad ang pintuan saka agad akong pumasok saka sinarado ito ulit.

Mabuti nalang talaga at hindi niya alam kung bakit ang mukha ko ay nagiging pinkish. Atin lang 'yon self, hindi niya dapat malaman iyon.

Sana naman at makakatulog ako ng maayos sa ngayon. Damn it, Wrum.

****

"What happened to Silic, did someone slapped her yesterday?" iyon ang narinig ko noong lumabas na ako sa aking kwarto. Ka-aga-aga pa iyon na agad ang maririnig ko.

Nandito pa lang ako sa may hagdan. Hindi pa ako tuluyang bumaba. Gusto ko munang marinig ang kanilang pinag-usapan.

"Hindi siya sinampal boss. Sa pagkaalala ko, hinigpitan lang ni Don Guillermo ang leeg nito halos hindi na siya nakahinga pero mabuti nalang at naabutan at pinigilan ko ito." paliwanag ni Xander.

"Okay. Kalimutan niyo nalang ang sinabi ko at bumalik na kayo sa trabaho niyo." narinig kong sabi ni Wrum.

"Sige boss."

Nagsimula na akong bumaba nang hagdan kung saan nakita ko si Wrum na nakapamewang lang na tila ba nag-iisip pa rin kung may sumampal ba sa akin kagabi.

Nang namalayan niya ang aking presensiya ay agad itong napabaling sa akin. He still have the serious look.

"Don't worry about my face. Hindi naman kasi ako sinampal." ako na mismo ang nagsabi sa kanya.

"Maramdaman lang akong kung ako kaya ganon nalang kung makapagreact ang aking mukha." hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at nasabi ko na talaga sa kanya ang bagay.

"I see." tipid niyang sagot sa akin.

Napatango nalang din ako sa kanya.

"Are you okay now?" tanong niya sa akin habang napatingin siya sa suot niyang relo saka muli din niyang ibinaling sa akin ang tingin.

"I'm always okay." sagot ko nalang sa kanya.

Nakita ko akg collar sa suot niyang longsleeve. Hindi maayos ang pagkakaayos nito na tila ba hindi siya nanalamin noong nagsuot siya.

"Wait." sabi ko sa kanya habang nakita ko ang kanyang collar sa suot niyang longsleeve na hindi ito maayos. Tila ba hindi ito nananalamin noong sinuot niya ito.

"What?" nagtataka siya sa aking sinabi. Hindi nalang ako sumagot sa kanya at bahagya nalang akong lumapit sa kanya. Inayos ang kanyang collar.

Habang inaayos ko iyon, alam kong nakatitig siya sa akin. I can see it through my peripheral view.

"Your collar." I said to him habang nakatayo pa rin ako malapit sa kanya. Ilang inches nalang at magkakahalikan na ang aming mga labi. "Inayos ko lang. Nakita ko itong hindi nakaayos." paliwanag ko.

Nakatitig lang siya sa akin ng seryoso. Masama ba ang ginawa ko sa kanya? Parang inayos ko lang naman ang collar e.

Napalunok nalang ako habang napatitig lang din ako sa kanya. Gusto kong mapaatras nalang ngunit hindi ko magawa. Para na akong natuod sa aking kinatayuan.

"What?" pabulong niyang tanong sa akin. "Is there something in my face, para ganyan ka nalang kung makatitig sa akin?" tanong niya sa akin.

Napalunok ako sabay iling sa kanya. Ngayon ko palang ako nakatitig sa kanya ng malapitan. I can't help it, but to admit that this billionaire is a handsome. Pero hindi dapat ako makaramdam ng ganito sa kanya. Hinding-hindi.

"Nothing." sagot ko sa kanya.

Aatras na sana ako ngunit bigla niya nalang akong pinigilan. Inilagay niya ang kanyang right hand sa aking waist at bahagya niya akong inilapit sa kanyang katawan hudyat para dumampi ako sa matigas niyang katawan.

"Wrum." nasabi ko nalang sa kanya.

Nag-init ang kanyang katawan. I can feel it the way my body is in fire. He is about to kissed, pero may narinig kaming nagsalita sa taas.

"Too early for that one Wrum." we both hear it kaya dali akong lumayo kay Wrum at napatayo lang ng maayos sa kanyang tabi. Inayos ko ang aking sarili habang ibinaling ko ang tingin ko sa may hagdan.

Nakita kong bumababa si Wim kaya nagulat ako. Okay na ba siya? Bakit siya lumabas mula sa kanyang kwarto.

"Damn it." pabulong na sabi ni Wrum sa aking tabi.

"Okay ka na ba Wim? Baka masakit pa 'yang balikat mo at pinilit mo lang na lumabas."

"I'm okay Silic. Hindi ka na dapat na mag-alala sa akin. At isa pa, ilang araw na rin akong nagpapahinga." paliwanag niya sa akin noong umabot na siya mula dito sa aming kinatayuan ni Wrum.

Napatango ako sa kanya.

Ibinaling niya ang kanyang tingin kay Wrum.

"Next time, don't interrupt what we were doing Wim. Sinabi ko na sayo iyan noong una palang." paalala ni Wrum kay Wim.

Napangiti lang si Wim sa kanyang sinabi kahit na may seryosong tingin ito sa kanya.

"Fine. Just don't do for adults only in the morning." sabi nalang ni Wim sa kanya.

Muntik na akong mahalikan ni Wrum at muntik na kaming makita ni Wim.




(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon