Chapter 8
"Behave properly Silic. Wrum has a gun and he can kill anybody, even you." said Wim. "That is why you need to be extra careful everytime." paalala niya.
I can describe Wim as a caring enemy. He is the right hand of Wrum and he is still giving me some advice. Isang mabait na kalaban.
"Fine. Hindi mo na ako kailangang pagsabihin pa sa nais kong gagawin Wim. Umalis ka na lang at hayaan mo muna akong mapag-isa dito sa kwarto." paliwanag ko sa kanya.
"Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Gusto ko rin masigurong okay ka lang." he sounds concern. He really is. He is already an ideal type of boyfriend. Pero hindi iyan ang kailangan ko ngayon.
Dumating ang gabi. Hindi ko na namalayan ang oras dahil bigla na lang akong napaiyak. Iniisip ko ang aking magulang. Sana ay nasa mabuti lang silang kalagayan ngayon. Sumang-ayon na ako bilang slave ni Wrum. Damn.
Hindi pa rin ako makatulog. Napabangon ako mula sa aking kinahigaan. Bahagya akong naglakad papunta sa may pintuan at binuksan ito. Mabuti nalang at sumunod sila sa gusto kong hindi i-lock ang pintuan since hindi naman ako makakatakas dito dahil sa higpit ng seguridad.
Lumabas na ako at palinga-linga agad ako. Tahimik at wala akong nakitang tauhan niya. Binalewala ko nalang 'yon hanggang sa makarating ako sa balkonahe. Sariwang hangin ang bumungad sa akin. Tanaw ang mini-garden sa gilid ng mansion at hindi ko inaasahan na may guwardiyang nasa ibaba. Anong ginagawa nila?
Apat na tauhan ni Wrum ang nakatayo malapit sa garden. May nakita akong nakaluhod sa kanilang harapan. Nakatali ang dalawang kamay nito sa kanyang likuran. Hindi naman siguro siya tauhan ni Wrum.
"What they are doing?" tanong ko nalang sa aking sarili habang kinagat ko ang aking pang-ibabang labi.
Gabi na ngunit naaninag ko pa rin ito dahil sa ilaw doon at ngayon ko palang din napagtanto na nandoon pala sina Wrum at Wim. Ilang sandali pa ay nakita kong kinausap ni Wrum ang isang tauhan saka tumalikod at sumunod lang si Wim.
Ibinalik ko ang tingin doon at hindi ko inaasahan ang sunod na aking nakita. May binunot ang isang guwaridiya sa kanyang likuran at itinutok niya ito sa taong nakaluhod. God. May balak ba silang patayin ang lalaking iyan? Sana naman at wala.
Kinakabahan ako kahit hindi ako ang pinapatay. Nangangahulugan lang iyan na lahat sila dito ay kayang pumatay. Kinakabahan tuloy ako baka sa mga sumusunod na araw, ako naman ang luluhod sa kanilang araw at hihingi ng tawad.
Isa, dalawa, tatlo.
Bilang ko sa aking isipan at tatlong sunod-sunod na putok ng baril ang aking narinig kasabay ito ang isang kamay na tinakpan ang aking mata hudyat para hindi ko na makita ang lalaking nakaluhod pero isa lang nasa alam ko. Patay na ito.
Nananatiling nasa mata ko pa rin ang isang kamay at hindi ko alam kung kaninong kamay ito. But I smell his manly scent. A familiar scent of him. Hindi ako nagkakamali. Siya ito kahit hindi ko pa nakikita.
"Why are you still awake slave?" tanong niya mula sa aking likuran. "You should be sleeping now. Hindi ka dapat nanonood sa taong pinapatay."
Hinawakan ko ang kanyang kamay na nakatakip sa aking mata at bahagya itong iniwakli. Napaharap ako sa kanya at hindi ko inaasahan na malapit lang pala ako sa kanya na halos masubsob ako sa kanyang dibdib.
Napalunok naman ako habang seryoso lang itong nakatingin sa akin. Napakurap lang ako ng ilang beses at unti-unting ibinuka ang aking labi para magsalita.
"Bakit mo pinapatay ang taong iyon? Anong kasalanan niya sayo?" tanong ko sa kanya. "Ganyan ka na ba kasamang tao?" dugtong ko.
"Wala akong pinapatay na mga inosenteng tao. Pinapatay ko ang masamang tao at dapat lang na gawin sa kanila 'yon." aniya.
"Dapat din sayo ang mamatay dahil masama kang tao." nasabi ko nalang sa kanya.
"What the heck! What did you just said?!" galit niyang tanong sa akin na tila ba sasaktan na niya ako dahil sa aking sinabi. Masama din naman talaga siyang tao. Fine. Binabawi ko na ang sinabi ko.
"I said it clearly." sagot ko nalang sa kanya. "You should not talk to me." nilampasan ko na siya.
"Alipin lang kita. Dapat lang na kakausapin kita." he said. " Isipin mo ang kaligtasan ng 'yong pamilya."
Napahinto nalang ako sa kanyang sinabi. Here we go again. Napalingon ako sa kanyang kinaroonan.
"Huwag na huwag mong saktan ang aking pamilya. Mas mabuting ako nalang ang saktan mo." sabi ko. "Since nandito na ako sa mansion mo. At pag pinatay mo na ako, sisiguraduhin mo lang na wala na kaming utang sa pamilya mo." dugtong ko.
Tumalikod na ako sa kanya. Maglalakad na sana ako muli papunta sa kwarto. Pero bigla ko na naman siyang nagsalita sa aking likuran hudyat para mapatigil na muli ako.
"Magiging alipin kita hanggang gusto ko at hindi kailan ma'y hahantong tayo sa patayan." sabi niya sa akin. "You're safe. You're family is safe, kung susundin mo lang ang gusto ko."
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi na ako muling napabaling sa kanya nang tingin. Pumasok na ako sa kwarto at agad itong sinarado.
Hindi ko na muli napigilan ang aking sarili. Maraming mga posibilidad ang pumapasok sa aking isipan. Gusto ko siyang murahin dahil wala na siyang ibang sambit sa kanyang labi kun'di ang pagbabantaan akong patayin, pati na ang pamilya ko. Ni hindi man lang niya nasambit na palalayain niya na ako.
Bumuntong-hininga ako at katok mula sa pintuan ang nagpabalik sa akin sa realidad. Pinunasan ko agad ang luhang dumadaloy sa aking mata, pinatatag ang sarili at binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin si Wim. Napangiti ito sa akin.
"I just want to check if you are okay. I mean, I know hindi ka naman talaga okay na matulog dito." he said. "Are you crying? Can I give you a hug to feel you better?"
Aakmang yayakapin na sana niya ako ngunit napailing lang ako sa kanya. "Sabihin mo sa akin kung sino ang pinatay niyo kanina at bakit niyo ginawa iyon? Gusto mo akong maging okay 'diba? Sabihin mo na sa akin ito."
Napailing din siya sa akin at ipinasok niya sa kanyang bulsa ang kamay niya. "Hindi mo na kailangan malaman iyon Silic. Trust me, hindi namin gagawin iyon sa iyo. Pinapangako na ni Wrum na hindi ka niya sasaktan." paliwanag. "Paniwalaan mo siya Silic."
"I can't trust you Wim. You are an enemy." I said. "Leave me alone. Kailan man ay hindi ako maging okay." paliwanag ko sa kanya at ako na mismo ang nagsara ng pintuan.
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...