Kabanata 61

397 16 0
                                    

Kabanata 61 (unedited)

Guys promote ko rin new story ko, 'Heart of the Devil' baka naman, basahin niyo din if gusto niyo po. Thanks.

**

"Lakasan mo ang suntok mo Silic!" sigaw ni Wim sa akin as they are starting to train me. Ibinuhos ko na ang aking pinakamalakas na suntok sa punching bag pagkatapos ay napailing na ako. Ang sakit na ng aking kamay kakasuntok at alam kong hindi lang ito ang activity na gagawin namin sa ngayon. Wrum said he wants me to use a gun at susubukan kong tatamaan ang isang mannequin na nakapwesto na. May ekis ang kanyang mga katawan na dapat kong tatamaan.

Itinaas ko na ang aking kamay, tagaktak ang pawis sa aking katawan at agad na napailing sa kanila. "Ayaw ko na. Sasabihin ko na lang kina-Mama at Papa na hindi ko na kaya." pagsuko ko sa kanila. Bahagya lang na lumapit sa akin si Wrum.

"This is what your parents want Silic and this is for your own sake. You need to know how to do use this gun." kinuha ni Wrum ang baril sa mesa at ilang sandali pa ay nakita kong itinutok niya ito sa isang manniquin. Hindi siya nagdadalawang isip na iputok ito sa target area. Ang parte kung saan may exis ay siyang natamaan kaya napabilib ako sa kanya. Ibinalik niya ang tingin sa akin. "Come on, try this. Alam kong masasanay ka din dito."

Napalapit ako sa kanya. Tinanggap ko ang ibinigay niyang baril. May bigat nga ito at sinubukan kong itutok sa may manniquin. Pasmado itong aking kamay kaya gumalaw-galaw ito.

"Irelax mo lang 'yang kamay mo Silic. Focus at bahagya mong ipikit 'yang isang mata mo." paliwanag ni Wrum sa aking tabi.

"Ang sakit niyo naman sa mata. Sana all na lang talaga may jowa." komento ni Wim sa tabi. Hindi ko na lang siya pinansin at mas lalong hindi na lang din siya pinansin ni Wrum.

Hinawakan rin ni Wrum ang aking kamay, sinabi na niya akong kalabitin ang baril at ginawa ko naman. Napapikit pa ako nang ginawa ko iyon. Wala naman akong narinig na malakas na putok sapagkat may silencer naman itong baril. Ang ipinagtataka ko lang noong napamulat na ako ay wala akong nakitang tama ng baril sa manniquin.

"Not bad for a first timer. Kahit daplis man lang sa katawan ng manniquin hindi tumama Silic." said Wim. "I think Silic needs to rest as of the moment. What do you think Wrum?"

Napatango lang si Wrum sa kanyang sinabi. "Tara na sa loob at magpahinga ka na muna at siguro naman akong alam mo na kailangan kong umalis dahil sa kumpanya. Are you okay resting without me?" concerned na tanong ni Wrum sa akin.

"Naintindihan kita Wrum kaya wala kang dapat na ipaliwanag sa akin." tanging sagot ko. "Dapat nga akong magpasalamat sayo dahil binigyan mo ako ng oras para tuparin ang kahilingan nila Mama at Papa. Don't worry, alam kong matututo din akong protektahan ang aking sarili."

Nginitian lang din niya ako. Tuluyan na kaming pumasok sa loob ng mansion. Sabay lang kaming umakyat sa taas at nagbihis. He is almost tempted seeing me naked in front of him. Mabuti na lang din at napigilan niya ang pagiging naughty niya at umalis.

Maraming araw ang dumaan. Ipinokus ko ang aking atensyon sa pag-exercise, pagsuntok ng one hundred times sa punching bag at sanayin ang sariling humawak ng baril. Wala naman sigurong masama sa aking ginagawa sapagkat ginagawa ko lang naman ito para protektahan ang aking sarili, hindi para kalabanin ang ibang mga tao.

And I could tell I have an improvement for myself. Okay na sa akin kahit hindi ma-bull's eye ang target, as long as natatamaan ko ang katawan nito. Hindi pa rin pangit pakinggan para sa akin na kakasimula lang na alamin ito.

My only routine is to have a practice, rest, practice again and rest. Naniniwala akong 'yon lang ang tanging paraan para matuto. It doesn't mean na kapag naging failure ka sa ginagawa mo, wala kanang pag-asang magawa ito.

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon