KABANATA 11.

1.7K 51 0
                                    

Chapter 11

Ilang araw ang lumipas ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang pakikipag-usap namin ni Mama sa cellphone ni Wrum. Ilang araw na rin akong naghihintay sa tulong ng magulang ko at sa mga kapulisan ngunit wala pa rin akong nakitang dumadating na police para e-rescue ako. Habang tumatagal ako dito ay nawawalan na rin ako nang ganang mabuhay pa. Iniisip ko na lang talaga sila Mama at Papa kaya patuloy ko pa ring pinatatag ang sarili ko.

I am too down. Ngunit ang mga oras na ako ay bibigay na, kinakausap ko lang ang Diyos na baka sakaling bigyan niya pa ako nang lakas para lumaban pa.

Nitong mga nakaraang araw ay wala akong ginawa dahil busy naman sa kanyang business si Wrum. Minsan ay gabi na lang kami magkikita dahil pag gising ko, aalis na siya. Iniiwan niya lang ako kay Wim. Mas gusto kong hindi na lang siya makita at makausap. Ayaw din naman niya akong tulungan.

"Hey Silic. Are you okay?" bungad na sambit ni Wim na halos mapatalon ako sa gulat dahil sa kanyang biglaang pagsasalita.

"Alam mo na ang isasagot ko sa katunungan mo Wim. Ilang ulit ko na sinabi sayo iyan." may galit na sagot ko sa kanya.

"O sige. Ganito na lang. Hey Silic! Bakit ka na naman tulala diyan, ilang araw ka na dito nasa isip mo pa rin ang tatakas di'ba?" sinamaan ko siya ng tingin.

"Konti na lang Wim aagawin ko talaga iyang baril na nasa likuran mo para patayin ka." seryoso kong pagbabanta sa kanya. Kahit na hindi naman talaga ako marunong gumamit ng baril.

Nagulat lang ito. Bahagyang napaatras sa akin. "Grabe ka naman kung makapagbanta. Hindi ko nga magawang iputok ang baril mo sayo, pero alam mo kung ano ang kaya kong iputok sayo?"

Pinanlakihan ko na lang siya ng mata. Kinuha ang unan at ihinagis ito sa kanya. Kung ano na namang kabastusan ang pumasok sa kanyang isipan.

"Luh, dirty minded mo talaga. Hindi naman sa ganoon ang nais kong ipahiwatig iyang nasa utak mo ngayon. I am trying to tell you that, 'Ang kaya kong iputok sayo ang pagmamahal ko."

Seryoso akong napatitig sa kanya. "Sabihin mo na sa akin kung bakit ka naparito." nasabi ko. Wala akong balak na sakyan iyang mga 'corny jokes' niya.

"Yeah. Nandito ako para sabihin sayong may bisita kaya kailangan niyong kumain doon sa may pool area." he explained. "You'll know who is it later. Ayaw kong sabihin sayo baka mawalan ka nang ganang kumain kapag nalaman mo pa."

"Okay." tipid na sagot ko. I'll guess, the visitor of Wrum tonight is his father, Don Guillermo. Alam ko naman kapag tatanggi pa, pipilitin nila ako. Bumaba kami ng hagdan at dumiretso sa may pool area.

Tanaw ko mula dito sa may glass door na nakaupo si Don Guillermo at Wrum sa mala-trono na upuan. As expected, maraming pagkain ang nakahain sa hapag-kainan. May kandila sa pinakagitna nito. Parang kandali na makikita mo kapag may lamay. Iyon ang tinutukoy ko.

"She's already here!" anunsyo ni Wim sa kanila noong napahinto na kami sa paglalakad malapit sa mesa. Inayos ni Wim ang upuan saka sinabi na niya sa aking mapaupo doon.

Pinagmasdan pa ako nila Wrum at Don Guillermo. They are both look a like and it just mean they are both stupid. They really are. Kung may galit pa man sa akin si Wrum hanggang ngayon, wala akong pakialam.

"You are beautiful Silic. I really want to appreciate how simple your beauty is." Don Guillermo started to talk. Ang ngiti niya'y aabot hanggang tenga niya. "Iyon nga lang, anak ka ni Emmanuel. Ang dugo niya ay nananalaytay sayo."

Kailangan ko bang magpasalamat sa kanya?

"You should not be appreciating her beauty father. Parang nakaraang araw pa ay gusto mo siyang patayin, ngunit ngayon pinupuri mo na siya." said Wrum. There's nothing wrong appreciating the beauty of the woman.

"I am just saying. I can appreciate her whenever I want and you can also appreciate her whenever you want." said Don Guillermo. "Anyway, let's eat. Kung saan na naman ito abot ang aking pag-uusap tungkol sa kanya."

Kinuha na ni Don Guillermo ang kubyertos at nagsimula nang kumain, pati na rin si Wrum. Tahimik ko lang silang pinagmasdang kumakain, kahit na favorite foods ko ang nandito sa mesa, wala pa rin akong gana. Sana lang talaga at hindi nila ako pipilitin. Nasa kanilang bokabularyo pa naman ang mamimilit ng mga tao.

"Why are you not eating?" Wrum asked me curiously.

"I am not hungry. " I replied.

"Kumain ka." pagpilit niya sa akin.

"Yeah, tama si Wrum. Kumain ka diyan." sabi naman ni Don Guillermo.

Inirapan ko sila ng tingin at sinabing 'okay' para hindi na nila ako pipilitin pa muli. Tinikman ko lang ang fried chicken. So it's good. Hindi naman iyon matatanggi. Pati ang ibang mga potahe tinikman ko lang para sabihing kumakain ako.

"Silic. Since you are my son's slave, then, you should be my slave too. I mean, you need to be at my mansion too. Cleaning and so on, serving me without harming your family. That is why I am here to tell you this. What do you think?" said Don Guillermo at napatigil lang ako.

Being Wrum's slave is already enough. Nabayaran ko na ang nagawang kasalanan ko sa ama ko sa pagsisilbi ni Wrum. Bago pa man ako

"Ako na ang bahala sa kanya. Hindi ka na dapat mangingialam pa." ani Wrum. "We are done with that father."

"Isa siya sa mga dahilan kung bakit ako naparito Wrum." sabi niya kay Wrum.

"Gusto kong makitang umiyak ang kanyang ama habang nakikita niya ang kanyang anak na nasa aking kamay. Pinaparusahan." napangiting sabi nito.

I's better not to be on his mansion.

"What do you mean about it?" seryoso niyang tanong sa kanyang ama. "Do you want her?" dug

Ininom ko ang wine na nasa gilid ko. Minabuti kong manahimik at makinig sa kanilang pag-uusap.

"Exactly. I want to revenge also." said Don Guillermo.

Itinusok ni Wrum ang tinidor sa manok na nasa harapan niya at napabaling sa ama niya. Seryosong tingin na tila ba hindi niya ito nagustuhan.

"Maghanap ka ng ibang babae. Maraming mga bayarang babaeng mas maganda pa sa kanya." narinig kong sabi ni Wrum sa kanya. "Not her."

Gumaan ng konti ang aking pakiramdam. Kung mas papipiliin man ako, mas gusto ko na lang na manatili dito sa mansion ni Wrum kaysa kay Don Guillermo na mukha namang salbahe. Mula sa tono ng kanyang pananalita.

"Gusto kong gumanti kay Emmanuel at tanging siya lang ang tanging paraan." said Don Guillermo.

"Hindi lang iyan ang paraan. May marami pang paraan maliban diyan." replied Wrum.

"You're just my son. Hindi mo dapat kinokontra ang gusto ko."

"Yeah I know."

"You know. Alam mo pero bakit mo ako kinokontra?"

Nag-aaway ba sila dahil sa akin?

Nakita kong napabaling si Wrum sa akin. Pinagmasdan niya lang ako. Hindi ko alam kung bakit.

"She's in my hands," he said while he keeps on staring at me.

"I know she is in your mansion."

"She's in my mansion. She's mine and I can't share it with you. She's just only mine." said Wrum.

Hindi ako nagkakamali sa aking narinig. Malakas na sinambit iyon ni Wrum at maski si Wim, narinig niya iyon. Nakatayo lang ito hindi kalayuan sa akin. This made me feel butterflies tickling in my stomach.

Ipinagpatuloy nila ang kanilang pagsasagutan nang dahil sa akin, pero nananatili lang akong nakaupo. Hinihintay kung ano ang maging desisyon ni Wrum.

"It is still a no! This is my mansion and you should following what I said. Get lost!" sigaw ni Wrum sa kanyang ama.

"Tatandaan ko itong ginagawa mo sa akin Wrum. Magbabayad ka sa akin dahil sa pagkampi mo sa babaeng 'yan." sagot naman ni Don Guillermo at tumaikod.

+
thedarkprophecy

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon