Kabanata 50
Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind considerarion.
______________________________________________________________
"Saan mo dadalhin ang magulang ko?!" sigaw ko ni Don Guillermo ngunit alam kong ungol lamang ang lumalabas. Hindi ko alam kung saan na naman niya dadalhin sila. Dinala niya kami dito sa isang lumang bodega malapit dito sa isang pier.
Sinundan ko lang nang tingin ang aking ama't ina na kinakaladkad sa mga tauhan ni Don Guillermo palabas. Gusto kong pigilan ang mga tauhan niya na ilabas sila. Mas uminit na ang tensyon sa pagitan nila ni Wrum. Natatakot akong malayo ako sa aking magulang baka may masama na naman silang gawin sa kanila.
Napaharap ako kay Don Guillermo. Gusto kong mapatayo ngunti hindi ko magawa sapagkat nakatali ang aking kamay sa aking likuran at nakatali din ang aking paa. Napaharap din sa akin si Don Guillermo. Napahakbang ito palapit sa aking kinaupuan habang pilit ko paring makaalis mula sa pagkakatali nitong mga kamay at paa ko.
"I can't clearly hear you Silic." nakangiting sabi niya pa sa akin. Tinanggal niya ang masking tape mula sa aking labi.
Huminga ako ng malalim. "Ano...Anong gagawin mo sa kanila?" kinakabahan kong tanong sa kanya. "Nandito na ako. Ako nalang ang saktan mo h'wag nalang sila."
Napangiti siya sa akin. "I don't want to hurt my future wife. I just want to love her." aniya.
"I'm not your future wife! Bihag mo lang ako dito!" sigaw ko. "Sabihin mo na sa akin kung bakit mo sila inilabas dito? Saan mo sila dadalhin?"
"Okay okay. Sasabihin ko na sayo ito." sabi niya sa akin at nakapamulsa sa aking harapan. Bahagya pa siyang napasandal sa may bubong malapit sa aking kinaupuan.
"I want to put a trill. Gagamitin ko si Emmanuel, para patayin si Wrum." aniya at nagulat lang ako sa natura niyang sinabi sa akin. "Nagawa niya ngang patayin ang asawa ko, well, alam kong kaya niyang patayin si Wrum."
Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hayop ka Don Guillermo! H'wag mong gagamitin ang ama ko sa laro mo!" halos pumiyok ako dahil sa pagsigaw ko. "Ibalik mo siya dito, pati na rin ang ina ko."
Gusto ko siyang saktan. Gusto kong umiyak dahil natatakot ako sa posibleng mangyayari.
"Hindi ko na ibabalik si Emmanuel dito at mas lalo na ang ina mo. Kailangan nilang magawa ang misyon nila." aniya. "Hindi ko naman sila sasaktan. Hindi ko din naman sila papatayin kung magawa lang ni Emmanuel ang gusto kong ipagawa sa kanya." aniya sabay tawa.
"I know, this game would be fun. What do you think?" tanong niya pa sa akin.
"Fun 'yang mukha mo." nasabi ko nalang sa kanya. "Sobra-sobra na itong ginagawa mo sa amin Don Guillermo. Sobra-sobra na ito!"
"I don't care. Let's think that this is just a game. A game full of excitement." tumawa siya na tila ba parang isang demonyo.
Fvck! Natatakot ako baka hindi ito magawa ng aking ama at si Wrum pa mismo ang makakapatay sa ama ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ni Don Guillermo at iyon ang naisipan niyang ipagawa sa kanila. This is so bullshit.
Kailan pa kaya matatapos ang gulong ito? I want to have a peaceful life. Bwesit. Kung nababasa palang ni Wrum ang isip ko sa ngayon, matagal ko nang sinabi sa kanya ang sinasabi ni Don Guillermo sa akin. For him to be aware at para hindi niya masaktan ang aking ama pag nagkataon.
Nag-iisa nalang ako dito sa kinaroonan ko. Sinubukan kong igalaw-galaw ang aking kamay para matanggal ito mula sa pagkakatali sa aking likuran. I tried it again and again. Nararamdaman kong hindi na mahigpit ang tali mula sa aking likuran.
Sana ay makakatakas ako dito sa ngayon. Inilibot ko pa ang aking tingin sa pagilid. Wala akong makikitang tauhan ni Don Guillermo dito sa aking kinaroonan at alam ko namang hindi na babalik si Don Guillermo dito. Malalim na ang gabi. Matutulog na 'yon.
Ipinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa hanggang sa naramdaman ko nalang na nailabas ko ang isa kong kamay mula sa tali at ganon din ang isa kong kamay. This is it. Makakalabas na talaga ako dito.
"Oo naman siyempre!"
"Hahaha!"
Nagulat ako at may nakita akong dalawang tauhan ni Don Guillermo ang parating. Nataranta ako bigla at itinago ko muli ang aking kamay mula sa aking likuran. I just act as if nakatali pa rin ang kamay ko sa aking likuran.
"Alam kong hindi na 'yan makakatakas ang babaeng 'yan dito."
"Oo nga. Mahigpit ko 'yang itinali. Tara inuman na!"
"Arat na!"
"Hahahaha!"
Tumalikod na ang dalawang tauhan na tila ba chineck lang nila ako at agad rin silang umalis. Bumuntong-hininga naman ako. Siniguro kong mawala na sila sa aking paningin.
Unti-unti ko nang tinanggal ang tali mula sa isa kong paa at ganon din ang isa. Nang natanggal ko na ito ay agad akong napatayo at patakbong umalis mula sa pinaglagyan nila sa akin.
Sana naman at makaalis na ako dito. Kailangan kong makapunta kay Wrum para sabihin sa kanya na ganoon ang plano ni Don Guillermo. Pero hindi ko naman alam kung makakaalis ako dito. Shit. Bahala na si Batman sa mangyari sa akin.
Napahinto ako sapagkat may narinig akong boses. Tila ba nag-uusap ang mga tauhan ni Don Guillermo. Nakita kong nakaupo sila umiinom ng alak habang nagto-tongits sila.
Hindi ako pwedeng dumaan dito kaya babalik na sana ako sa aking dadaanan nang narinig kong may sumigaw.
"Nakatakas ang bihag!" iyon ang narinig kong sigaw kaya dahil sa taranta kong mahuli nila, kung saan-saan nalang ako tumatakbo.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa kakatakbo. Puro mga lumang kagamitan lamang ang aking makikita. Mga container na hindi ko alam kung ano ang laman at naamoy ko lang itong amoy bulok na halos masusuka ako.
"Huminto ka Silic kung ayaw mong mamatay!" may narinig akong sumigaw sa aking likuran.
Napahinto ako bigla at itinaas ko ang aking kamay saka unti-unting napaharap sa kanya. Nakita kong nakatutok ang kanyang baril sa akin.
Unti-unti itong napahakbang sa akin. "H'wag mong subukan subukang tumakas kong ayaw mong masaktan ang pamilya mo." aniya sa akin.
Hindi niya ako pwedeng hulihin. Napabaling pa ako sa aking gilid saka nakita kong may nakita akong pintuan. Kaunti itong bukas.
Ibinalik ko naman sa kanya. Bahagya na siyang malapit sa akin ngunit hindi niya ako pwedeng hulihin. Damn it. Pagbilang ko ng tatlo kailangan na akong tatakbo nang mabilis.
Isa
Dalawa
Tatlo
Dali akong napatakbo sa gilid at pumasok sa pintuan saka agad itong sinarado. Narinig ko itong sumigaw at kung anu-ano pa ang kanyang sinasabi sa akin pero hindi ko na ito pinakinggan. Nakapasok na ako sa pintuan at agad ko itong ni-lock.
Napabuntong-hininga naman ako. Sa wakas. Hindi niya ako nahuli. Napaharap naman ako sa aking harapan at halos mapatalon ako sa gulat ko sa aking nakita sa aking harapan. Akala ko'y tuluyan na akong makakatakas mula dito ngunit hindi pala.
"Surprise!" ani Don Guillermo sa aking harapan habang madami siyang kasamang mga tauhan niya. May mga baril ito at itinutok nila sa akin ito. "You can't escape Silic."
Bahagya siyang lumapit sa akin at ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na may inilabas siyang isang syringe. Gusto ko siyang pigilan pero huli na. Itinurok na niya ito sa akin kagaya noong ginawa ng tauhan ni Wrum sa bar noon. Unti-unting dumidilim ang aking paningin at huling nakita't narinig ko ay si Don Guillermo na humahalakhak na tila ba isang demonyo hanggang sa nawalan na ako ng malay.
_______________________________________________________________
TheDarkProphecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...