Kabanata 42.1

899 37 5
                                    

Kabanata 42.1

Unedited. You may encouter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

____________________________________________________________________

Talking to Don Guillermo.

Napaupo na si Don Guillermo mula sa mala-tronong upuan doon sa may pool area. Napagdesisyonan niyang doon kami mag-uusap para walang makadistorbo sa amin. Hindi naman ako umangal doon. Well, we are in the mansion of Wrum. Wala naman sigurong masamang mangyayari sa akin.

Hindi sana papayag si Wrum. Gusto niyang mag-uusap kami doon sa may sofa habang nakikinig siya pero sinabi ko lang sa kanya na okay lang naman sa akin iyon. Hindi niya kailangan pang mag-alala sapagkat nasa mansion niya naman ako.

Napaupo na din ako sa tapat ni Don Guillermo habang inilapag ni Wim ang juice sa glass table. Matapos niyang gawin iyon ay agad din itong tumalikod sa akin.

Kaming dalawa nalang ni Don Guillermo ang nandito. Nakita ko agad ang kanyang malapad na ngiti noong napabaling ako sa kanya.

"Good to see you again Silic." panimula niyang sabi sa akin. "So I guess, alam mo na ang pag-uusapan natin sa ngayon. Sinadya kong hintayin kayo-sinadya kong kong hintay ka para sabihin na ito sa iyo."

"Tell me kung ano na ang nangyari sa ama mo. Hindi mo naman siguro ito pinatay diba?" tanong ko sa kanya. Damn it. Kinakabahan na ako sa ngayon. "I don't want to hear any lies from you Don Guillermo. Just tell me the truth."

Uminom ito ng juice saka bahagyang napaupo ng maayos sa kanyang kinaupuan. "Kailangan ko pa bang uulitin sayo Silic na wala sa akin ang ama mo? O sadyang hindi mo lang talaga nakuha ang nais kong ipapahiwatig sa iyo?"

Bumuntong-hininga nalang ako. "Alam ko kung ano ang gusto mong iparating Don Guillermo." ani ko. "Alam kong gusto mong iparating na na kay Wrum ang ama ko."

Napatawa siya sa aking sinabi sa kanya. Kahit na wala naman talagang nakakatawa sa aking sinabi sa kanya. Parang tanga ito.

"You trust the wrong the person." aniya at nagulat lang ako. "You trust the lies instead of the truth."

Napalunok nalang ako. "Anong ibig mong sabihin Don Guillermo?"

"Okay then, hindi ko na ito patatagalin pa. Gusto ko na rin malaman mong wala sa akin ang ama mo and I am saying the truth." aniya. Liar. "The truth is that nasa anak ko ang ama mo. Have you ever remember what he said? Kung nakalimutan mo, well, sasabihin ko sa iyo ito ulit. He said that, he is going to take care of you and your father." he added.

Naalala ko nga 'yong mga sinabi ni Wrum sa akin noon. My God. Hindi dapat ako naniniwala kay Don Guillermo. He is a liar. Hindi siya makapagkatiwalaan.

"You're lying to me again Don Guillermo. Akala mo'y madadala mo na naman ako sa mga kasinungalingan mo? Hell no." pagtataray ko sa kanya. "Now tell me the truth."

Sinamaan ko na siya ng tingin habang siya naman ay nananatili lang na nakangiti. Sana all nakangiti kahit ang kaharap niya ay halos mahihimatay na sa kaba na nararamdaman at halos sasabog na ang utak ko sa mga pangyayari.

"I already told you the truth." sabi niya sa akin. "Well, may nakalimutan lang akong sabihin sa iyo."

"What is it?" tanong ko.

"Have you ever been to the underground floor of this mansion?" tanong niya.

"Anong koneksyon sa ating pinag-uusapan natin iyan?" nagtatakang tanong ko. "We are talking about my father, and we are not talking about the under ground floor here."

"Yes. We are talking about your father kaya ko nga dinawit ko sa usapan natin ang under ground floor sapagkat......"

"Sapagkat ano Don Guillermo?"

"Sapagkat nandoon ang ama mo. Doon inilagay ng anak ko si Emmanuel dahil ginawa niya itong bihag." aniya at mas lalo akong kinabahan. "And he is going to kill him. Hinihintay niya lang ang signal ko Silic."

Bahagya niyang inilapit ang kanyang mukha. "You trust the wrong person and do you think you have an ally in this mansion? Then, you're wrong." napangiti. "We are all your enemy and you just a slave. A slave to feed the thirsty of my son." aniya at napahalakhak.

Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi sa kanya. Hindi sana ako maniniwala sa kanyang mga sinasabi sa akin, pero bigla kong naalalang may narinig akong isang sigaw mula doon sa under ground floor. Isang sigaw na tila ba iniinda nito ang isang matinding sakit.

Bumabalik sa aking isipan ang mga nasaksihan kahit hindi man ako tuluyang nakapasok doon. Bumabalik sa aking isipan ang mga pagbabantang ginawa ni Wrum, ang mahigpit na seguridad doon at kung bakit ayaw niya akong tumapak doon sa under ground floor.

Hindi naman siguro totoo ang kanyang mga sinasabi sa akin. Hindi dapat ako naaapektuhan sa mga sinasabi niya.

He is a liar.

He is a liar.

Pero kahit anong ulit ko, hindi pa rin maiwasang maniwala sa kanyang sinasabi sa akin.

"Paano ako nakakasiguro kung totoo ang sinasabi mo sa akin Don Guillermo?" tanong ko sa akin.

"I'm sure na maniniwala ka sa akin Silic kung ikaw mismo ang pumunta doon sa under ground floor." aniya. "Alam kong pinagbabawalan ka ni Wrum na tumapak doon. Pero para maniwala ka talaga sa akin. Well, do it secretly Silic."

Napalunok lang ako sa kanyang sinabi sa akin. Tama ang sinabi ni Don Guillermo. Kailangang ako mismo ang pumunta doon sa under ground floor para masiguro kong puro kasinungalingan lang ang kanyang mga sinasabi sa akin.

Napaayos ito ng upo at sabay nito ang pag-inom niya sa juice. Pagkatapos niyang ininom ito ay ibinalik niya ito sa mesa.

"Well I guess, nasabi ko na ang dapat kong sasabihin sayo Silic. Ito na ang ipinangako ko sayong sasabihin ko na ang tungkol sa iyong ama Silic." aniya. "At don't tell this to Wrum. He might get your father down there at ililipat niya na ito nang hindi mo alam." he said.

Napabaling ito ng tingin sa kanyang relo at agad niyang ibinalik sa akin ang kanyang tingin.

"We're done talking." aniya at agad na napatayo. "See you soon."

Nilagpasan niya lang ang aking kinaupuan. Wala na itong hinabol pang sinabi sa akin, habang ako ay nananatili pa ring nakaupo dito.

Is that a lie or a truth?

Maniniwala ba ako sa kanya o hindi? Well, atleast hindi sinasabi ni Don Guillermo na patay na ang ama ko. I'm still thankful that he is alive, ngunit ang hindi ko lang matanggap kung nasa kamay ito ni Wrum.

I'm going to be crazy this time.

Oh My God. This is getting worsier as I thought it was.

My father is in the underground floor.

_____________________________________________________________________

TheDarkProphecy

Follow me on twitter guys: @BordenZaccheus

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon