Chapter 10
Tinalikuran ko na ito at nagsimula na akong maglakad papunta sa kwarto ni Wrum. Hindi naman ito kalayuan mula dito sa kanyang study room. Limang kwarto pa ang dapat kong malampasan bago ako tuluyang makarating sa kanyang kwarto.
Malaki ang kanyang mansion. Tanging siya lang ang nakatira dito kasama ang kanyang mg katulong, bodyguards at iba pa niyang tauhan. May kapatid kaya siya?
Binuksan ko na ang kanyang pintuan sa kanyang kwarto. Pumasok ako at kaagad kong nakita ang kanyang kwarto. Well arranged ito. Tila ba kakalinis lang nito. Mula sa bedsheet ng kanyang kama at ang kurtina sa glass window.
Ipinagpatuloy ko lang ang paglibot ng aking tingin sa kanyang kwarto. Naalala ko tuloy ang aking kwarto. Ayaw na ayaw kong magkaroon ng kalat ito. Maski isang alikabok, ayaw kong makita sa aking kwarto.
Hindi naman sa pagiging OA, pero pinalaki ako ng aking magulang na marunong maglinis. Palagi akong napapagalitan ng aking ina noon sa tuwing may alikabok ang glass window namin.
Siguro nagmana ako kay Mama. Wala kaming maid o kahit na katulong. Mas gusto ni Mama na matuto kami sa gawaing bahay para hindi maging kawawa sa huli.
Bumuntong hininga nalang ako habang inilapag ko na sa maliit na mesa ang kanyang laptop at cellphone.
Namimiss ko na naman ang aking pamilya. Namimiss ko na din si Luna. Siguro akong hinahanap na nila ako. Baka pinablotter o di kaya ay inereport na sa kapulisan.
Siguro naman akong magsasawa din sa akin ang bilyonaryong 'yon. Hindi din naman ako kagandahan na pareho ng mga modelong makikita sa magazine. Normal na babae lang naman ako.
Haist!
Napatitig lang ako sa cellphone at laptop na inalapag ko sa mesa. Sa tagal kong pagtitig dito, bigla tuloy na pumasok sa aking isip na gamitin ang cellphone para tawagin ang aking pamilya. Naalala ko ang numerong gamit ni Mama mula college. Ang number niya sa kanyang cellphone ang ilalagay ko sa likuran ng aking ID. Person to be contact incase of emergency.
Hinawakan ko ang cellphone ni Wrum. In-on ko ito at binuksan. Walang password o pin ang kanyang cellphone.
Ibinaling ko ang tingin sa may pintuan. Sa toto lang, kinakabahan ako sa ginagawa ko sa ngayon. Pero bahala na. Kailangan ko na talagang ipaalam sa aking pamilya na nandito ako sa mansion ni Wrum. Hindi ko lang alam kung anong lugar ito.
Tinype ko na agad ang number ni Mama. Ring lang ito nang ring ngunit walang sumasagot. Paulit-ulit ko lang na tinatawagan ang number niya habang tumitibok ng mabilis ang aking puso.
"Sagutin mo naman Ma, please." sabi ko nalang sa sarili ko. "Sagutin mo na Ma. Maawa ka. Baka tapos na silang mag-usap ni Wim at pupunta na kaagad siya dito sa kanyang kwarto." dugtong ko sa aking sarili habang hindi na ako mapakali.
Pinagpapawisan na ako habang matinding kaba aking naramdam sa ngayon. Baka ito lang ang tanging paraan na makalabas ako dito. Baka matulungan ako ng aking pamilya. Lahat ng 'yon ay puro baka sakali lang.
Baka sakaling makawala pa ako sa mansion ni Wrum. Hindi ako tumigil sa pagdial sa number ni Mama hanggang sa tuluyan na niya itong sinagot. Nabuhayan ako bigla.
"Sino 'to?" tanong ni Mama sa kabilang linya na tila ba umiiyak. Humihingos ito sa kanyang sipon.
"Ma ako 'to si Silic." sagot ko sa kanya sabay baling sa may pintuan. Siniguro kong wala pa si Wrum.
"Silic anak. Nasaan ka na ba? Okay ka lang ba diyan? Nasaan ka ngayon? Ilang araw kanang hindi nagparamdam sa amin ng ama mo." umiiyak na niyamg sabi sa akin. "Sabihin mo nasaan ka ngayon?"
"Ma. Nasa mansion ako ngayon. Huwag na kayong masyadong mag-alala sa akin." sabi ko nalang sa kanya. "Nasa isang mansion ako sa anak ng kaaway ni Papa. Ngayon ko palang nalaman na may napatay na pala si Papa. At ako ang naging kabayaran nito." sabi ko sa kanya.
"Paano mo nalaman ang tungkol diyan at ikaw ang magiging kabayaran?" aniya sa kabilang linya at nangangahulugan lang ito na alam din niya ang tungkol sa naturang pagpatay ni Papa sa ina ni Wrum. Bakit ba kasi nila ito tinatago sa akin.
"Hindi maari. Nasaan ka ngayon? Sabihin mo sa akin Silic. Magpapatulong kami sa kapulisan." naiiyak na niyang sabi sa kabilang linya. "Alam mo ba kung anong lugar iyan?"
"No Ma. Hindi ko alam. Nagising nalang akong nasa mansion na ako." malungkot na sabi ko sa kanya.
"Baka alam ni Papa ito. Siya ang naging puno ng lahat ng ito. Hindi ako safe dito at mas lalong hindi kayo safe diyan Ma. I can't escape here anymore Ma. Kahit na anong sabihin ko sayo na tulungan mo ako, wala pa din ito." aniya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko Ma. Para maligtas ako at para maligtas kayo diyan, sumunod nalang ako sa gusto ni Wrum."
"Anak." naiiyak na niyang sabi sa akin. "No. Huwag mo siyang sundin at huwag kang mag-alala. Gagawin namin ang lahat maligtas ka lang diyan anak. Kahit ito pa ang kahihinatnan ng aking kamatayan." sabi niya.
"Ma."
"Anak, hindi ikaw ang dapat na maparusahan diyan—" hindi ko na narinig pa ang sunod na sinabi ni Mama sapagkat may biglang humablot ng aking cellphone mula sa aking likuran.
Napaharap agad ako dito at nakita ko si Wrum. May galit na tingin sa akin habang tinignan niya kung sino ang tinawagan ko. Pinutol niya agad ang tawag habang ibinalik niya sa akin ang tingin ko.
Ito na nga ba ang sinasabi ko.
"I told you not to use any cellphones including my cellphone!" galit niyang sabi sa akin. "Ano ang ginawa mo ngayon? Nagpapatulong ka sa pamilya mo?"
"Do you want me to punish you and kill your family?!" tanong niya sa akin.
Napailing agad ako sa kanya. "Please no. Maawa ka sa akin Wrum." sabi ko habang nagmamakaawa sa kanya.
Bumuntong hininga ito habang may matalim na tingin pa rin siya sa akin.
"Wala kanang magagawa pa. Sa tingin mo makakatakas ka pa dito? You're wrong." aniya. "Hindi ka na makakatakas pa. Ngayong nasa kamay na kita, hindi na kita bibitawan pa. Magagawa kong hindi ka na makakabalik sa pamilya mo dahil balang araw, wala kanang pamilyang babalikan pa." pagbabanta niya sa akin.
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...