KABANATA 22

2K 62 7
                                    

"How was the case about the ambush incident Wim? Did you report it to the police station or just Wrum report it for you?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na rin kasi naririnig iyon mula sa kanila.

Napailing lang si Wim sa akin. "Hindi uso ang magreport dito sa police Silic. May sariling imbestigasyon na ginagawa sila Wrum at ang naging resulta, napagkamalan lang na ang van na 'yon ay si Wrum ang sakay. So it means hindi talaga ako ang target d'on." paliwanag niya sa akin. Napatango nalang ako sa kanyang sinabi sa akin.

"Ah ganon pala. Nanganganib pala ang buhay ni Wrum sa ngayon." nasabi ko nalang.

"Oo. Matagal ng nanganganib ang kanyang buhay Silic. Noon pa man nanganganib na ang kanyang buhay." sabi niya sa akin. Napaayos lang ito ng upo sa sofa habang ibinaling niya ang kanyang tingin sa may hagdan kung saan bumababa na si Wrum. "Saka na natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na 'yon. Nandito na siya. Alam mo namang magagalit ito." aniya.

"I hear it." sabi nalang ni Wrum noong nakababa na ito ng tuluyan.

"Nag-uusap lang kami ni Silic tungkol sa ambush incident. She asked me kasi kung inereport ba natin sa police." paliwanag ni Wim kay Wrum.

Napatingin lang si Wrum sa akin dahil sa sinabi ni Wim sa kanya. Ilang sandali din itong nakatitig at agad din niya itong ibinaling kay Wim.

"Alright. Wrum we need to go now. I think Sum is waiting for us now." Wim said at agad itong napatayo mula sa kanyang pagkakaupo at napaharap kay Wrum.

"Okay." tipid na sagot ni Wrum.

Aalis na pala sila. Ako na naman ang maiiwan dito. Sana naman at walang mangyayaring masama sa akin at sana naman at hindi na naman pupunta si Don Guillermo dito. Ayaw ko na muling maulit ang ginawa niya sa akin.

God.

"Aalis na kami Silic. Nandito naman si Xander. Siya muna ang babantay sayo." ani Wim sa akin at napatango lang ako.

"Huwag kayong mag-alala. Kaya ko naman ang sarili ko." sabi ko nalang sa kanila.

"Sinong nagsasabing iiwan ka namin dito?" Wrum asked me.

"Si Wim. Kakasabi niya lang." sagot ko naman.

"Bakit Wrum, isasama mo ba si Silic sa lakad mo ngayon?" Wim asked.

"Yes." tipid niyang sagot. "Sasama siya sa atin." aniya.

Nagulat lang ako. Hindi naman niya kasi ako sinasama sa kanyang mga lakad. Ngayon lang siguro kung totoong isasama niya talaga ako.

"Isasama mo ako?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya.

"I said it clearly and I think you heard it clearly." he said at nauna na itong naglakad palabas ng mansion.

Napatayo ako sa aking pagkakaupo habang napatingin nalang ako kay Wim kung saan napag kabit-balikat lang ito. "Halikana Silic. Sasama ka raw e." aniya nalang sa akin at napatango nalang ako.

Nagsimula na kaming maglakad ni Wim palabas ng mansion at bahagya kaming lumapit sa sasakyan ni Wrum. Hindi ko alam kung bakit nagbago ang isip ni Wrum. Hindi ko gustong iisipin na takot siyang may mangyayari na namang kung ano sa akin kapag iniwan na naman niya ako dito.

Maybe, ganyan siguro ang iniisip niya. Hindi ko naman. Sana nga.

Pinagbuksan ako ni Wim ng pintuan sa bahagyang likuran saka naman ako pumasok at umupo sa tabi ni Wrum. Pumasok na rin si Wim mula sa front seat at agad na pinaandar nang driver ang sasakyan.

Narinig ko kanina mula sa kanilang pag-uusap na may kikitain silang nagngangalang Sum, kung hindi ako nagkakamali. Hindi ko alam kung sino 'yon. Malalaman ko din naman 'yon pag dumating na kami sa aming pupuntahan.

Tahimik lang kaming bumibyahe habang inaaliw ko lang ang aking sarili sa aming madadaanan. Hindi ko maiwasang mapabaling din nang tingin kay Wrum kung saan nakikita ko din siyang nakatingin sa akin. Pero agad din niyang iniwas ito at ibinaling sa glass window.

May nais kaya siyang sasabihin sa akin? Anong kahulugan sa kanyang mga tingin sa kanya? Haist. Wala naman sigurong kahulugan iyon. Ginagawan lang talaga ng kahulugan ng aking isipan kahit wala naman talaga.

Sa mga nakalipas na araw, unti-unti na akong nag-a-adjust dito. May mga pagkakataong gusto ko nang tumakas mula dito dahil hindi ko naman sila kilala o baka sasaktan nila ako o di kaya'y masasama silang mga tao. But until now, I have now a reason to stay here for a long time even if my life is still in danger. Maraming bagay ang gusto ko pang alamin. Isa na doon si Wrum. I want to know him more. Alam kong may mga bagay na hindi ko pa alam na dapat ko pang alamin.

I don't know pero may nararamdaman na akong kakaiba. A strange feeling that I feel to him.

Hininto ng driver ang sasakyan sa harapan ng isang restaurant. Isang mamahaling restaurant to be specific. So I guess, naghihintay na sa loob ang sinasabi nilang si Sum.

Lumabas na kami sa loob ng sasakyan at agad na pumasok sa loob. Pumunta kami sa reserved table dito sa loob kung saan may nakaupong lalaki. So I think he is Sum. Maybe.

"Kanina pa akong naghihintay dito. Akala ko hindi ka na dumadating Wrum." he said.

Hinila ni Wim ang isang upuan at doon niya ako pinaupo. Habang umupo naman sa aking tabi at sa kabilang gilid ko naman ay napaupo si Wim.

"Pag sinabi kong pupunta ako, pupunta ako." Wrum said.

Napangiti lang si Sum at agad niyang tinawag ang waiter saka naman agad na lumapit ang dalawang waiter at inilapag na ang mga pagkain. So the food is already prepared for us.

Inilapag ng waiter isa-isa sa amin kaya nagpasalamat naman ako sa kanya.

"So bago ko pa sasabihin ang mga bagay na dapat nating mapag-usapan, gusto muna kitang tanungin." sabi ni Sum sa kanya.

"What is it?" tanong ni Wrum habang inilagay na niya sa kanyang lap ang table napkin.

Napatingin si Sum sa akin. "Who's this lady beside you?" tanong nito habang napatingin sa akin ngunit agad din niya itong ibinaling kay Wrum. "She's beautiful."

"She's mine." tanging sagot ni Wrum kaya nagulat lang ako. He taste the appetizer.

Tinanong lang naman ni Sum kung sino ako, bakit niya iyon ang kanyang sinagot. Andaming maaring isagot n'on. Pwede naman niyang sabihing ako si Silic at slave niya ako.

"Woah, dude, I asked you if sino siya. Hindi ko naman tinanong sayo kung ka-anu-ano mo siya." nakangiti niyang sabi. "Okay fine. She's yours. Yours alone. I don't have any intention na agawin siya sayo okay? We're here for business." ani Sum.

"I'm Silic." sabi ko nalang sa kanya. Baka kung anu-ano na naman ang sabihin ni Wrum.

"And she's mine." ani Wrum.

Pumalakpak si Sum. "Fine. Sayong-sayo na si Silic, parang tinatanong lang naman kung anong pangalan ang dami niyong sagot." ani Wim.

"Tsk." Wrum.

Tama nga naman si Sum. My God.

"O siya, as we were eating, I want to start talking about business." ani Sum as he hold the fork. "So hindi na natin pag-uusapan si Silic dahil alam kong sayo lang siya. Kahit wala naman talagang may balak na agawin siya. Parang mga tanga 'to."

"Do you want me to help your business or not?" seryosong tanong ni Wrum kay Sum kaya agad namang nataranta at napaayos nang upo.

"Of course gusto ko. Siyempre I want it Wrum. I am just joking about it." sabi nalang ni Sum.

Nagsimula na silang mag-uusap tungkol sa business. Silang tatlo habang tahimik lang ako ditong kumakain at kunwaring may naintindihan sa kanilang mga pinag-usapan.

Hindi nalang sana niya ako dinala dito. Feeling ko tuloy na-out of place lang ako. Pero mas mabuti na nga lang na dinala niya ako dito kaysa naman iiwan niya ako mansion. Baka may mangyayari na namang masama sa akin.

She's mine

Yawa. Bakit ko pa ba iyon maaalala. Wala lang 'yon self. Masyado kang affected.

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon