Chapter 13
Inutusan ko ang dalawang tauhan ni Wrum na huwag nila akong hawakan. Ipinaliwanag ko sa kanila na hindi rin naman ako makakatakas dito. They listened to me, thanks God. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad papasok sa restricted area where Wim said, I am not allowed to enter, but I am now here.
"Sa tingin ko naman ay hindi ka niya paparusahan Silic. Siguro ay gusto niya lang na malaman mo kung gaano siya ka tapang at ka-makapangyarihan." paliwanag ni Jeric, iyon ang pagpapakilala niya sa akin kanina.
"Baka ganito ibang parusa ang gagawin niya. Parusa papuntang langit ang gagawin niya." said Xander. Iyon naman ang pangalang ipinakilala niya.
"Ewan ko sa inyo." tanging sagot ko.
May apat na tauhang nakabantay dito at naalala ko sa sinabi ni Wim na dito rin matatagpuan ang underground floor. Hindi ko alam kung ano ang posibleng nasa ilalim. Maybe, may tinatago sila diyan. Minsan ang mga underground floors ay ginagamit upang gumawa ng mga transaksyong palihim.
Nalagpasan na namin ang apat na nakatayong guwardiya. Napahinto na lang ako sa isang gilid ng may nakita akong isang hagdan pababa. This is already the stairs to the underground.
I have too many questions in my head, pero ni-isa wala akong masagot. Tanging si Wrum, si Wim at ibang tauhan ni Wrum ang nakakaalam kung ano ang nasa ilalim. Baka isa lang itong tambakan ng lumang gamit. At kung tambakan ng mga lumang gamit, bakit mahigpit ang seguridad dito?
"Hey, hindi tayo pupunta diyan." napabalik ako sa realidad at bahagya akong napabaling ng tingin sa aking harapan. "Ano pang ginagawa mo? Sumunod ka na sa amin." muling sabi ni Jeric.
Napatango nalang ako sa kanya. Muli kong ibinaling ang tingin sa may hagdan papunta sa ground floor. Malalaman ko din ito soon. Malalaman ko din kung ano ang nandiyan sa ilalim. Hindi naman posibleng mga taong gusto nilang pinapahirapan.
Sumunod na agad ako sa kanila hanggang sa huminto na kami sa isang pintuan. Bahagya na nila itong sinusian. Binuksan nila ito at nauna nang pumasok sa loob si Jeric, sumunod si Xander at ako.
Inilibot ko agad ang aking tingin sa loob. It's is just like an ordinary room who have a bed. Mayroong sofa sa tapat nito. May study table. Kung titignan mo ito, para lang talagang isang kwarto. Inaasahan ko pa naman na mukha itong isang kwarto para magpataw ng parusa. Inaasahan kong may blood stains sa sahig, mabaho, madumi at may parang isang mesa o upuan kung saan pinapatay ang isang tao.
"Akala ko pa naman ang lugar na ito ay may baril. May mga equipment na para patayin ang isang tao o di kaya'y dugo mula sa sahig para magpapatunay lang na may namatay nga dito." nagtataka kong sambit. "Pero isa lang naman itong normal na kwarto."
Napatingin lang silang dalawa sa akin. Tila ba napangiti sila sa natura kong sinabi. Sino ba namang mag-aakalang ganito pala 'yon.
"As I told you, hindi ka niya magawang patayin." ani Xander. "Malaman mo din ito kung ano ang parusa niya sayo." napangiti ito. Mukhang mabait siya.
"Huwag niyong sabihing paparusahan niya ako diyan sa kama?" tanong ko pa sa kanila at humalakhak lang sila. Ako namang inosente na hindi alam kung bakit sila napatawa, napasimangot lang.
"Hindi naman kasi ito normal na kwarto lang." sabi ni Jeric. "May mga bagay na nakatago dito. Ano pa bang inaasahan mo? This is the house of the billionaire!"
"And expect that the mansion of the billionaire is more advanced than a normal house."
"Exactly." sabi nila sa akin.
This is not just a normal room? Paano nila nasasabing hindi ito isang normal na kwarto lang? Kitang-kita ko mismo sa aking mata ang loob nito. Paano naging high-tech ito? Paano nila nasabi 'yon?
"How come?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Watch and learn." sabi ni Xander.
Bahagya siyang pumunta sa gilid ng kama. May pinindot siya doon at ilang sandali pa ay nakita kong may bumukas. Isang maliit na cabinet na tila ba hidden at automatic itong lumabas pag napindot ito ng tama. Sa tingin ko ay mga numero ang pinindot niya. Sunod na aking nakita ay may lumabas na keyboard.
"Hindi pa namin tuluyang naipakita sayo ang kabuoan nito, pero masasabi mo na talagang high-tech ito. Right?" tanong ni Jeric sa akin. Napatango naman ako sa kanya.
Tama ang kanyang sinabi. Kahit na hindi pa nila naipakita ang kanilang sinasabi sa akin na high-tech 'kuno' ito. Ewan ko talaga pag ako lang ang niloloko ng mga mokong na ito.
"Prove me that this is a high-tech room and this is not just an ordinary room." I said. "Pinaglalaruan niyo lang ako dito e."
"We're not playing any game here. Sinabi lang namin ang dapat naming sasabihin." paliwanag ni Xander.
"Saka na namin ipapakita sayo pag dumating na si Boss." said Xander. Napabaling pa siya sa aking likuran kung saan naroroon ang pintuan.
Ganon din si Jeric saka bahagya nilang iniyuko ang kanilang ulo. Nagbibigay respeto sa tao sa aking likuran. Kahit na hindi ako mapabaling, alam ko naman na si Wrum ang nasa likuran ko. Siya lang naman ang taong lubos na kanilang nirerespeto.
"Tapos na kayo?" cold na tanong ni Wrum sa aking likuran hudyat para mapabaling din ako ng tingin sa kanya. "Lumabas na kayo at maari na kayong bumalik sa trabaho ninyo."
"Yes boss." sabay nilang sagot at agad silang lumabas.
Sinarado na agad nila ang pintuan nang sila ay nakalabas. Gusto ko pa naman silang manatili dito para mapatunayan nila sa akin na hindi ito isang normal na kwarto, pero umalis na sila.
"Sa tingin mo ba ay isang normal na kwarto lang ito? Sa tingin mo bang ang kwarto kung saan ko pinapatawan ng parusa ang mga babaeng katulad mo?" Iyon sana ang itatanong ko sa kanya. Inunahan lang niya ako. "At kung iyon ang paniniwala mo, doon ka nagkakamali."
Bahagya siyang tumalikod sa akin habang napaharap siya sa may keyboard na lumabas noong may pinindot si Xander. May pinindot din siya doon at pagkatapos niyang pinindotin 'yon ay agad siyang napaharap sa akin. Naglakad ito ng konti at napa-cross arm.
"Ito ang nagpapatunay kung paano kita paparusahan." sabi niya.
"Access Granted!" narinig kong sambit mula sa kisame. May maliit ma speaker ang nakakabit doon.
Nagulat ako sa sunod na aking nasaksihan. The four walls in the room moved downward. Matapos 'yon ay agad na bumungad sa apat na sulok nitong kwarto ang mga equipment para parusahan ang isang tao. Sa likuran pala ng pader na 'yon nakatago ang mga glass windowed cabinet kung saan nakalagay ang mga equipment. May pailaw pa ito sa itaas.
I saw guns, arrows, daggers, knives, handcuffs and so on that surrounds us. Ang iba ay hindi ko na alam kung ano ang tawag.
Kinabahan ako bigla sa aking nakita.
Ibinaling ko agad sa kanya ang tingin ko. Hindi ko maiwasang kabahan sa pagkakataong ito.
"Do you believe them now?" seryoso niyang tanong. Hindi ko magawang mapatango sa kanya sapagkat nagulat pa rin ako.
"Paparusahan mo ba ako dito ngayon?"
"What do you think we're doing here?" tanong niya sa akin.
I tried to calm down. "Gusto mo lang naman siguro akong takutin."
"Nagkakamali ka." sabi niya. "I'm going to punish you now." nagsimula na siyang humakbang sa papunta sa akin. Bago pa man siya tuluyang napalapit sa aking kinatayuan ay biglang bumukas ang pintuan.
"Boss! Na-ambush ang sinasakyang kotse ni Wim!" that's make him pause.
"Damn it!" sabi niya.
Naligtas nga ako sa sinasabi niyang parusa sa akin, ngunit natatakot naman ako sa naturang balita galing ni Xander. Gusto ko pa sanang magtanong sa kanila, pero patuloy na silang nagtakbuhan. Sinundan ko sila hanggang sa sala, ngunit may nakita lang akong anim na mga guwardiya ang nagtakbuhan palabas. May dala silang mga armas.
Wrum ordered the rest of the people to secure the mansion and prepare for an attack any minutes from now. Damn hell, this might be the sign that my family are doing their best to fight against them. But hell, wala naman sanang nangyaring masama kay Wim. He is really a nice person. He really is.
+
thedarkprophecy
BINABASA MO ANG
(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave
ActionSilic is a simple girl who hang out in the club to forget his boyfriend. Kasama niya ang kanyang kaibigan na hanging out sa isang club. Sa bawat moves na ginagalaw niya sa dance floor, hindi niya maiwasang mapansin ang titig ng isang lalaki. Wala si...