Kabanata 31

1.5K 56 8
                                    

Kabanata 31

Unedited. You may encounter typos and grammatical errors. Hoping for your kind consideration.

+

"Hindi nga ako lalabas dito kaya huwag mo nalang akong bantayan pa." sabi ko nalang sa dalawang tauhan na nakabantay sa akin.

"Hindi kami aalis dito. Alam naming tatakas ka na naman pag umalis kami." sabi nila sa akin at agad na binuksan nila ang back seat door.

Agad naman akong pumasok at umupo nalang sa loob. Wala akong magagawa. Utos ito ni Wrum at alam kong hindi nila susuwayin iyon. Sino ba naman ako para sundin nila? I'm just his slave. Nakakainis lang.

Hindi ko alam kung may tinatago ba sila sa akin at bakit ipinasok nila ako dito sa kotse? Kung wala silang tinatago sa akin? Bumuntong-hininga nalang ako at ibinaling nalang ang tingin ko sa mga tauhan ni Wrum na nasa labas. Binabantayan nila akong hindi makalabas at nag-uusap sila.

Bahagya ko pang ibinaba ang glass window ng kotse. Hindi ko alam pero gusto kong marinig ang kanilang pinag-uusapan. Bahala na kung masasabi nilang chismosa ako, wala din naman akong magagawa.

"Hindi ko alam pero namumukhaan ko ang bihag ni Don Guillermo." narinig kong sambit ng isa. "Hindi ako sure pero nakita ko na 'yon noon."

"Ewan ko din kung bakit pipigilan ni Wrum na mapatay 'yon ni Wrum. Hahayaan nalang sana niyang mapatay 'yon sa kanyang ama." aniya. "Pero may business din naman si Wrum na kailangang aatupagin dito."

Kumuha pa ng sigarilyo ang isa at sinindihan pa niya ito gamit ang kanyang dalang lighter. "Ito pa talaga ang dahilan kung bakit tayo nandito sa Cebu. May chicks pa naman akong naiwan sa mansion. Yung maid, si Chelse."

"Tsk."

"Mapapatay ka talaga pag nalaman 'yon ni Boss."

"Ba't ako mapapatay? Pati ba maid niya sa kanya rin? May Silic na kaya siya." ani nito at bumuntong-hininga. "Ewan ko ba, mukhang unti-unting nagbabago si boss simula noong dumating sa mansion si Silic. At siguro, dahil kay Silic, unti-unti na rin niyang kinakalaban ang kanyang ama. Hindi naman siya ganon dati."

"Tama."

Napaayos nalang ako ng upo. Ang bihag ni Don Guillermo ang dahilan kung bakit kami nandito sa Cebu? Unti-unting nagbago si Wrum? Unti-unti na niyang kinakalaban ang kanyang ama? Haist. Nagugulahan na talaga ako. Ang daming mga pangyayaring hindi ko inaasahan na mangyari.

Ibinaling ko muli sa kanila ang tingin ko at patuloy pa rin sila sa kanilang pag-uusap. Kailangan kong makalabas dito sa sasakyan para makita at malaman ko ang gagawin nila sa lalaking 'yon.

One

Two

Three

Dahan-dahan kong binuksan ang kabilang pintuan sa back seat door. Hindi din naman nila ito makikitang bumukas sapagkat nasa kabila sila nakatayo. Dahan-dahan akong lumabas at nagawa ko nga. Nakalabas na ako habang ang dalawa ay naghalakhakan pa. Lagot talaga kayo kung bakit niyo ako hinayaang makalabas dito.

Sinarado ko muli ang pintuan. Nakayuko akong naglakad. Kinakabahan ako. Gusto ko lang talaga malaman ang kanilang pinag-uusapan. Nagbilang agad ako ng tatlo at pagkatapos kong magbilang ay agad akong tumakbo papunta sa kinaroonan nila Wrum.

"Hoy bumalik ka dito!"

"Silic bumalik ka kung ayaw mong mabaril!"

Marami pa silang mga sinisigaw pero hindi ako nagpatinag. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at nandito na ako sa aming kinatayuan ni Wrum kanina. Magpapatuloy pa sana ako sa pagtakbo nang may narinig akong isang putok ng baril. Tinignan ko agad ang aking katawan baka ako na ang nabaril pero hindi pala. Ibinaling ko nalang ang tingin ko sa kinaroonan nila Wrum malapit sa helicopter. Nakita ko si Wrum. May hawak ito na baril at nakatutok sa isang lalaking nakahandusay sa lupa. Duguan. Why did they kill that man? Why?

"Bumalik ka na sa kotse Silic." hinawakan na naman ako ng mga tauhan ni Wrum. "Bago ka pa man makita ni Boss."

***

"Bakit hindi mo ginalaw ang pagkain mo Silic? Hindi mo ba gusto ang pagkain?" tanong sa akin ni Wim.

Kasalukuyan kaming nandito sa isang restaurant. Hindi ito kalayuan mula sa aming pinanggalingan. Kung saan may pinatay si Wrum.

"Ang sarap kaya niyan Silic." sabi pa ni Xander sa akin kahit may laman pa ang kanyang bibig. Tila ba gutom na gutom na ito.

Napailing lang ako sa kanila. "Busog pa ako." sabi ko nalang sa kanila at napabaling din ako ng tingin kay Wrum na nakaupo lang sa tabi ko. "Okay na sa akin ang juice." I added.

Inilagay ni Wrum ang kanyang kutsara sa kanyang plato. Napabaling din siya sa akin ng tingin.

"Eat." cold na sabi sa akin ni Wrum sa aking tabi.

"Busog pa ako." ulit na sabi ko sa kanya. "Kayo nalang ang kumain."

"I said eat." pabulong na sambit niya sa akin. Cold niya pa rin niya 'yong sinabi. Hindi ko alam kung naintindihan niya pa ang sinabi ko sa kanya na busog pa ako.

"Hindi nga ako gutom." sabi ko pa sa kanya.

"Huwag mo nalang pilitin si Silic boss, baka busog talaga 'yan." narinig kong sabi ni Xander kay Wrum.

"Oo nga Wrum." pagsangayon ni Wim sa sinabi ni Xander sa kanya kaya naman agad na ibinaling niya ang tingin ni Wrum kay Wim. Sinamaan ni Wrum ng tingin si Wim kaya naman nagulat ito. "Babawiin ko na ang sinabi ko. Wala na akong sinabi. Kalimutan mo na 'yon Wrum." dugtong niya.

Ibinaling muli ni Wrum sa akin ang tingin niya sa akin. "Are you angry with me?" tanong niya sa akin. Nagulat ako sa kanyang naturang tanong niya sa akin. Hindi din naman siya ganyan e.

"Bakit ako magagalit sayo? Wala ka namang ginawa sa akin." sabi ko. "At isa pa, hindi ako dapat magalit sayo. Ang isant alipin hindi dapat na magalit sa kanyang boss."

"Damn it." nasabi niya nalang sa akin at agad na iniwas niya sa akin ang kanyang tingin.

"Tapos na akong kumain. Mauna na ako sa sasakyan." sabi ni Wim at agad na tinapik ni Wim si Xander na kumakain pa. Tila ba binubulungan niya itong lumabas na din kasama niya kahit na patuloy pa itong kumakain.

"Lumabas ka nalang d'on. Di pa ako tapos kumain....aray!....oo na lalabas na din ako."

"Sige mauna na kaming lumabas ni Xander." ani Wim at agad na hinila niya si Xander.

Kami nalang ni Wrum ang nananatiling nakaupo dito. Tila ba sinasadya nilang lumabas para makapag-usap kami ni Wrum.

Napalunok nalang ako. "Bakit mo pinatay ang lalaking 'yon kanina? Anong naging kasalanan niya sayo?" tanong ko agad sa kanya habang hindi ko ibinaling sa kanya ang tingin ko.

"I just want to kill him." tanging nasagot niya sa akin. "It's better to kill someone, para walang sagabay sa paligid ko." he added.

Bumuntong-hininga nalang ako. "May narinig pa ako mula sa 'yong mga tauhan. Gusto mong pigilan ang 'yong ama para patayin ang bihag niya? Bakit? Bakit hindi mo nalang hayaang mamatay ito since you're heartless. Walang puso. Walang awa."

"Kung hindi ko pipigilan ang aking ama, for sure, may iiyak. You do not need to know who's that person is." he said. "Kung hindi lang dahil sa kanya, matagal ko ng pinapatay 'yon sa aking ama." he explained.

Kung hindi lang dahil sa kanya? Sino ang taong 'yon? Damn it. Bigla tuloy akong kinabahan. Ibang kabang aking nararamdaman.

Haist.

+

TheDarkProphecy

To be continued...

(UNEDITED) Billionaire's Virtuous Slave Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon